Chapter Five

20 2 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas at buhat ng mangyari iyon, wala namang ginawang kakaiba ang lalaki sa akin kaya naman naging tahimik ang buong dalawang linggo ko. Bukas ay simula na ng pasukan at may gamit na rin ako, pinipilit pa nga ng mag-asawa na sila na ang bahala sa allowance ko ngunit tinanggihan ko na ito lalo pa at nakuha ko na naman ang una kon sahod kahapon at sasapat naman siguro ito para sa mga gastusin ko. Baka mamaya kung sa kanila pa manggaling ang allowance ko ay mas lalo pa akong pag-initan ni Sir Leander.

"Bella mabuti pa ay kay Leander ka na lamang sumabay pag papasok sa school, mahirap kung magccommute ka pa dahil malayo ang school dito sa bahay." Saad ni Ma'am Cassidy. Tumingin ako sandali kay Sir Leander pero tahimik lang naman ito at hindi ko malaman kung ano ang iniisip.

Kumakain sila ngayon ng almusal at mamaya ay aalis na sila dahil sa business na asikasuhin nila abroad. Kinausap na nila kaming mga katulong na matagal silang mawawala kaya naman madaming ibinilin ang mga ito. Wala si sir Enzo ngayon dahil maaga itong umalis matagal na din kaming hindi nakakapag-usap ng bunsong anak ng mag-asawa

"Okay lang po ma'am kaya ko naman pong magcommute." Pagtanggi ko naman abala ako ngayon sa paglalagay ng juice sa mga baso nila.

"No Bella, mas mabuti na yon lalo pa at sa iisang school lang naman kayo papasok ni Leander. That's okay with you Leander, right?" Saad ni Sir Romualdo pagkatapos ay bumaling sa anak. Nagkibit balikat lang ito at itinuloy ang pagkain.

Sana ay sumagot na lamang sya at sinabing ayaw nya. Natrauma na yata ako ng maglakad ako ng pagkakalayo ng dahil sa kanya. Katulad ng laging ginagawa pagkatapos kumain ay iniligpit na namin ang pinagkainan nila. Mabilis lumipas ang maghapon at sobra akong naeexcite para bukas sana ay madami akong maging kaibigan.

Nang nalaman ko na sa Whitlock ang school ay halos hindi ako magkandamayaw sa pagkwento kay manang kung gaano ko kagustong mag-aral sa university na iyon. Nagtaka pa ako dahil ang alam ko ay may entrance exam sa school na iyon kung kaya't hindi ko alam kung paanong natanggap sa school ng hindi nag-eentrance exam. Napapailing na lamang si manang habang nakikinig sa akin. Mabilis lumipas ang maghapon at kanina namang tanghali ay umalis na ang mag-asawa. Wala din ang magkapatid dahil umalis din si Sir Leander pagkaalis ng mag-asawa. Nagluto lamang ng kaunti si manang para sa magkapatid kung sakaling dumating ito. Kumain na din ako pagkatapos ay tumungo na kwarto ko para magpahinga.

Dahil sa sobrang pagkaexcite ay alas dose na ako ng umaga nakatulog at kahit puyat ay nagising ako ng five am. Ayoko namang malate lalo na at unang araw ng pasukan, 7:30 ang simula ng klase kaya mahaba ba naman ang oras ko para maghanda. Tutulong pa sana ako sa paghahanda ng almusal ng magkapatid ngunit pinigilan na ako ni manang at sinabing mag-asikaso na lamang ako. Pinakain na din ako ni manang pagkatapos nitong magluto, tulad ko ay excited din ito sa pagpasok ko sa university.

Naligo na ako pagkatapos kumain tumungo na ako sa kwarto ko ng matapos at plinantsa ang uniform ko gamit ang plantsa na ipinahiram sa akin ni Manang Elena. Isinuot ko na ang uniform ko na may linings at palda na grade ng masiguradong wala na itong gusot. Ang pala ay above the knee at bumagay naman medyo pagkahapit nito sa katawan ko. Alas-sais pa lamang ay nakaupo na ako sa sala at hinihintay si Sir Leander. Maya-maya lang ay bumaba na ito tumigil ito sa harap ko kaya naman napatayo ako.

"Where's your phone?" Seryosong bungad nito sa akin.

"Why sir?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Just give it to me." Maawtoridad na saad nito at bahagya pang tumaas ang tono ng boses nito kaya naman binigay ko na lamang ang ko.

Pinicturan nito ang phone pagkatapos ay binalik na sa akin cellphone ko.

"I'll text you pag may iuutos ako." Saad nito kaya tumango naman ako.

Warming Up His Frigid SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon