"No kuya, binilin sya sa akin ni mom." Mariing pagtanggi ni Sir Enzo.
"Sir Leander okay lang na si Sir Enzo na ang sumama sa akin." Mahinang sambit ko.
"Shut up! I'll do what I want." Saad nito na ikinatahimik ko.
"Hindi ako papayag kuya at anong gagawin mo? Pagkakatuwaan mo na naman si Bella?" Katwiran pa ni Enzo.
"Bakit ba concern na concern ka sa babaeng to? May gusto ka ba sa kanya?" Bumaling pa ito sa akin bago muling tumingin kay Sir Enzo.
"Off course not kuya, she's kind and she doesn't deserve the treatment you're giving to her. Be gentleman kuya!" Malakas na sigaw ni Sir Enzo sa kapatid.
Tila naman nagpanting ang tenga ni Sir Leander ng bigla na lamang nitong kinwelyuhan ang kapatid.
"Anong sinabi mo? She's my personal maid and I can do whatever I want with her!" Madiing pahayag nito pagkatapos ay binitawan ang kwelyo ng kapatid.
"What?"
"Personal maid?"
"Is that true Bella?" Sunod-sunod na tanong ni Sir Enzo tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong nito.
"But how?" Naguguluhan pa ding tanong ng lalaki.
"It's mom and dad's order at sigurado naman akong ayaw mong suwayin sila." Nakangising sabi ni Sir Leander para bang inaasar pa ang kapatid.
"I don't care kuya sa akin naman ibinilin ni mom si Bella, sasama ako!" Madiing saad nito.
Kumibit balikat naman si Sir Enzo habang nakangisi para bang sinasabing ikaw ang bahala.
"Let's go!" Mabilis ako nitong hinila at pinasakay sa kotse nya. Sa passengers seat ako nito pinaupo.
"What are you waiting for Enzo? Ayaw mo ba sa kotse ko, kung ayaw mo pwede namang gamitin ang kotse mo at bumukod na lang." Mapang-asar nitong saad sa kapatid.
Mabilis namang pumasok si Sir Enzo sa likod na upuan at malakas na isinara ang pinto. Tahimik lang ako hindi ko na alam kung ano pa ang iaakto ko sa harap ng magkapatid. Talaga bang nag-aaway sila para lang sa pagsama sa akin sinabi ko naman na kaya ko nang mag-isa.
Halos magsasampung minuto na kami sa byahe ng tumigil si Sir Leander.
"Buy me an iced coffee, Carame Mocha Latte." Turan nito sa akin.
"Kuya, sabi ni mom samahan ko syang magpasukat ng measurements at hindi ang utusan mo." Naiinis na bulyaw ni Sir Enzo sa kapatid.
"What's your problem Enzo? She's my maid, mind your own fucking business." Saad nito sa kapatid.
"Okay lang Sir Enzo trabaho ko ito." Pahayag ko at nginitian na lamang ito.
Kumuha ng one hundred pesos si Sir Leander sa wallet nya at kinuha ko naman ito. Napatakip pa ako ng mukha dahil sa init ng araw pagkababa ko sa kotse mabilis naman akong tumawid ng kalsada.
"What's your order ma'am?" Bungad sa akin ng cashier pagkapasok ko.
"Iced coffee, Caramel Mocha Latte." Saad ko naman dito.
"Bale 250 pesos ma'am." Natigilan naman ako sa sinabi nito. Napakamot pa ako sa ulo bago muling magsalita.
"Wala ba kayong iced coffee para sa one hundred pesos budget." Mahinang sambit ko.
"Uhm sorry ma'am?" Tila nahiya naman ako sa naging reaksyon ng cashier kaya kinuha ko na lamang ang wallet at sakto na may natitira pa akong one fifty simula nang makarating ako sa kanila. Napailing na lang ako bago inabot ang bayad.
BINABASA MO ANG
Warming Up His Frigid Soul
RomanceYsabella Alexandria Galvez is a young woman from a distant province who lives alone when her mother passed away when she was just 10 years old. At young age she learnt to support everyday needs and her studies. She makes a lot of sacrifices to save...