Nakauwi na kami ngayon ni Sean sa Manila pero yung isip ko parang naiwan pa yata sa Tagaytay dahil sa mga narinig kong usapan nila ni Lola Rein.
Gusto kong tanungin lahat ng mga 'yon kay Sean kaso baka magalit naman sya sa'kin.
Nakahalumbaba lang ako sa aking mesa nang may humampas sa'kin.
"JAZZI!" Napalingon ako sa taong humampas at sumigaw sa'kin. Pagtingin ko agad bumungad sa akin ang mukha ni Liezel. Imbes na magalit ako ay agad ko syang dinamba ng yakap. Niyakap nya naman ako pabalik.
"Buti naman at bumisita ka" Sambit ko sakanya nang mag kahiwalay ka sa yakapan.
"Namiss kita eh tsaka alam mo ba—"
"Hindi pa" Sagot ko sakanya kaya naman iniripan nya ko.
"joke lang, ano ba 'yon?"
"Si Kalvin kase" Panimula nya. Agad kong napansin ang pag iba ng kanyang mood, parang lumungkot ang kanyang itsura. Nagtataka naman ako dahil ngayon ko lang sya nakitang ganito.
"Anong meron kay Kalvin?" Tanong ko
"Balak nya kasing mag audition bilang singer o artista. Ewan ko kung ano ang pipiliin nya" Sambit nito.
"Bakit? I mean ayos naman 'yon ah, diba nga pangarap nyong dalawa 'yon?" Ani ko.
"Oo pero hindi pa ako handa eh tsaka sabi nya kapag natapos ko muna yung pag aaral ko, dalawang taon pa. Ilang beses na naming napag awayan yan kase parang ayaw nya ng tuparin yung...p-pangarap namin"
Agad nyang pinunasan ang luha nyang pumatak pagkatapos nyang banggitin ang huling salita.
Lumapit naman ako sakanya at hinaplos ang kanyang likuran. Alam kong nasasaktan talaga sya dahil matagal na silang mag kasintahan ni Kavin. Naikwento nya rin sa'kin na magkaibigan na sila simula bata pa lamang sila.
"Tahan na, pag usapan nyo nalang muna ng maayos. Nasan ba sya ngayon?" Tanong ko
"H-hindi ko alam... Nung isang araw ko pa sya huling nakita" Aniya
"Alam mo ba kung saan sya pumunta?" Umiling sya bilang sagot.
"Hindi—" hindi nya naituloy ang kanyang sinasabi dahil tumunog ang kanyang cellphone. Agad nya naman itong kinuha sa loob ng kanyang bulsa bago sinagot ang tawag. Napatingin naman ako kung sino ang tumawag sakanya
"Love" 'yan ang nakita kong nakasulat sa caller nya. Si Kavin yata yung tumawag.
Tumingin sa'kin si Liezel at tinanguan ako. Tumango naman ako pabalik bilang pag sagot dahil sa pinahiwatig nyang lalabas muna sya.
Kinuha ko sa loob ng suot kong pantalon ang cellphone ko dahil nag va-vibrate ito. Tiningnan ko naman ito at nakita kong tumatawag si Axul.
Axulovejaze is calling...
Pinindot ko naman ang answer button.
"Hello?" Unang bungad ko sakanya.
"Where are you?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Nasa office ko bakit?"
"Nakauwi ka na pala" Pansin kong may pag ka sarcastic ang pagkasambit nya sa katagang 'yon.
"Nakauwi? Galing san?" Nalilito kong tanong. Sa Tagaytay ba? Sasabihin ko na sana 'yan pero naunahan nya ako.
"Nevermind, Pumunta ka ngayon sa office ko. May sasabihin ako" Hindi nya na ako hinintay na sumagot at binaba agad ang tawag.
Tumayo naman na ako at inayos ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako nang pumasok ulit si Liezel dito. Pansin kong maaliwalas na ang kanyang mukha hindi gaya kanina na malungkot.
"Hi Jazz!" Masaya nyang bati.
"Anyare? Bakit parang sumaya ka yata?" Tanong ko
"Eh kase bati na kami hihi" Humahagikgik nyang sambit, napatakip pa sya sakanyang bunganga para takpan ang ngiti nya.
"Ha? Ang rupok mo naman" Kusang lumabas ang salitang 'yon sa labi ko. Napatigil naman sya at sinamaan ako ng tingin.
"Tse! Babawi na sya sa'kin kaya okay na kami. Una na ako bes ha? Kitakits nalang mamaya byebye" Paalam nya, bumeso pa sya sa'kin at yumakap bago pakembot kembot na lumabas ng office ko.
Tumingin ako sa hawak kong cellphone nang tumunog ito.
"Faster" basa ko sa text ni Axul. Oo nga pala pupunta ako sakanya.
Naglakad ako papalabas ng office ko. Sinara ko muna ang pintuan bago nag lakad patungo sa office ni Axul.
Pagkarating ko ay kumatok muna ako bago ako pumasok nang sambitin nya ang salitang...
"Come in"
Pumasok ako sa loob at sinara muna ang pintuan nya bago ako nagtungo sakanya.
"Hi Ax! Ano pala yung sasabihin mo" Ako na ang unang nagsalita dahil parang ayaw nya namang magsalita. Nanatili lang itong nakatingin sa'kin at hindi gumagalaw.
"Axul?" Tawag ko sa atensyon nya.
"Boss?" Tawag ko ulit sakanya. Tumikhim naman ito at umayos ng pag kakaupo
"Sorry, May iniisip lang ako" Aniya at umiwas ng tingin.
"Ako ba yung iniisip mo?" Walang kahiya hiya kong sambit sakanya.
"Ha?" Nagtataka nitong tanong
"Wala po, ang sabi ko ano po ba yung sasabihin nyo?" Ulit ko sa tanong ko sakanya kanina.
"Oh right, Gusto kong sabihin sayo na we're going to Canada Next week" Aniya
"Canada? Bakit Boss anong gagawin natin doon?" Tanong ko. Halata ang excitement sa boses ko dahil matutupad na yata ang pangarap kong pumunta sa ibang bansa.
"Mag de-date siguro tayo" Masungit nyang sambit
"Talaga?!" Excited kong tanong. Agad namang pumasok sa isipan ko ang mga posibleng mangyare doon.
"Stop it. Hindi date at pasyal ang gagawin natin don. May project akong i sho-shoot at gagawin sa Canada kaya kailangan nating pumunta doon" Agad akong napasimangot nang banggitin nya 'yon. Sinisira nya naman yung imagination ko eh.
"Kasama ako?" Obvious naman ang sagot pero tinanong ko pa din.
"You're my assistant, right?" Tumango ako.
"Edi sasama ka" Sungit hmp!
"Hanggang kailan pala tayo don?" Excited kong tanong.
"One month" Napangiti naman ako ng malawak sa sagot nya. Yes! Magsasama kaming dalawa doon ng matagal.
"Talaga? Sige mag aayos na ako" Aalis na sana ako nang magsalita sya kaya naman napatigil ako.
"Now? May I remind you Ms Jazzi, Next week pa ang punta natin doon" Kontra nya.
"Huwag ka ng kumontra Boss, ngayon lang 'to eh. Saka baka may makalimutan pa ako no" Paliwanag ko
"Fine" Parang sumusuko nyang sambit. Aalis na sana ako ulit nang may maalala ako
"Ay Boss Axul, pwede na ba akong umuwi?" Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa gilid
1:47 pm
Parang nanlumo ako bigla nang marealize kong matagal pa pala bago matapos ang time ko. Baka hindi rin pumayag si Boss na aalis ako ng maaga. Mawawalan na sana ako ng gana nang magsalita sya na syang nagpabalik sa saya ko.
"Yes, Pwede ka ng umuwi" Sambit nya. Napayes naman ako at masayang lumabas ng kanyang office.
keyninks: Patama/Pasabi nalang po if may mali tysm🤍
@kaneinx_young
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
