Nagising ako dahil naramdaman kong may nakatitig sa'kin. Pagkabukas ko ng aking mga mata, unang bumungad sa'kin ang mukha ni Sean.
"Gising kana" Tawag nito sa'kin kaya naman dali dali akong umayos ng upo, nakatulog pala ako sa kotse nya. Pinagdadasal ko na sana maayos ang itsura ko ngayon dahil nakakahiya naman sakanya kung wala akong ayos huhu. Baka mas lalong ayawan nya ako. Tumikhim ako bago mag salita.
"Ah Sean nasaan pala tayo?" Tanong ko, tanaw ko ang sikat ng araw ngayon sa bintana, medjo humahapon narin.
"Tagaytay" Tanging sambit nya habang hindi inaalis ang tingin nya sa aking labi. Nag kunwari nalang akong hindi ko napansin ang tingin nya.
"Tagaytay? kila Lola?!" Excited kong tanong.
"Yup kaya bilisan mo na at kanina ka pa hinihintay ni Lola" Aniya at tinulugan akong alisin ang seatbelt.
"Teka, Boss diba nandito lang tayo nung isang araw? Bakit nandito na naman tayo?" Tanong ko sakanya bago pa kami makababa ng sasakyan.
"Birthday mo diba? I want you to celebrate your birthday with me and lola Rein" Aniya. Tumango nalang ako.
Pagka pasok namin sa bahay ni Lola Rein natanaw ko na sya, nasa kusina ito habang abala sa pagluluto. Tinakbo ko naman ang pagitan namin. Nakatalikod sya kaya naman hindi nya ako masyadong napansin.
"Lola!" Sigaw ko at niyakap sya. Narinig ko ang kanyang munting pagtawa at hinarap ako.
"Gising ka na pala, Apo" Nakangiti nyang sambit at niyakap ako pabalik.
Tinanaw ko si Sean na nasa pintuan ng kusina nakatingin lang sya sa amin habang nakangiti
"Halina na kayo't kakain na tayo, alam mo Apo, tinawagan ako ni Sean para ipaalam na birthday mo kaya naman nag handa talaga ako at binilisan ang pagluluto ko. Sana magustuhan mo, Happy Birthday" Sambit ni Lola. Napangiti naman ako at nag pasalamat sakanya. Lumapit sa amin si Sean at parehas kaming inakbayan.
"Tara na kain na tayo at mamamasyal pa tayo mamaya" Napatawa nalang ako sa sinambit nya.
Tumingin ako sa lamesa at nakita ko doon ang iba't ibang klase ng pagkain. Namangha ako dahil sa sobrang dami ng hinanda ni Lola para sa'kin.
"Ang dami po Lola. Thankyou po talaga" Pagpapasalamat ko kay Lola at umupo sa silyang hinila ni Sean para paupuin ako.
"Walang anuman, saka pasasalamat ko narin sayo 'to dahil hindi mo pinabayaan ang Apo ko" Sambit ni Lola at umupo sa harapan ko. Tumingin naman ako kay Sean na kasalukuyang nag sasandok ng pagkain at nilagay sa plato ng kanyang Lola.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang sweet sweet nya sa Lola nya. Mas lalo tuloy akong naiinlove sakanya. Napansin nya yatang may nakatingin sakanya kaya naman tumingin sya sa'kin.
Nakita ko ang pag ngiti nito kahit hindi masyadong halata. Maglalagay na sana ako ng pagkain sa plato ko nang unahan ako ni Sean. Nilagyan niya ang plato ko ng spaghetti. Pagkatapos nyang gawin yon ay nilagyan nya rin ang kanyang sariling plato. Nagsimula na nga kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Lolang mag ayos.
Pag kaayos namin ay nilapitan ako ni Sean.
"Jazzi Gusto mo bang sumama? May ipapakita ako sayo" Sambit nito. Lumapit naman sa'kin ang kanyang Lola.
"Pumayag kana Iha ako na ang bahala dito, hayaan mo at ipapasyal ka namin bukas dito" Tumango nalang ako kay Lola at nagpaalam na nga kami.
Ilang minuto kaming naglakad ni Sean bago kami nakarating sa sinasabi nya.
"Nandito na tayo" Inalalayan nya akong tumaas sa pwestong sinasabi nya. Pagkataas namin ang namangha ako sa nakita ko.
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
