CHAPTER 8

149 10 0
                                        

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Nandito pa rin kami ni Sean. Tiningnan ko sya na nakahiga sa sofa, isa lang kase ang kama dito sa ginawa nilang parang bahay. Sana naman maayos na ang pakiramdam nya dahil saka lang sya tumigil sa kakaiyak nung nakatulog na sya. Sana makita nya na ang lalaking tinutukoy nya para naman wala na syang damdamin pa.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob nito, puro lumang gamit ang nandirito. Natigilan ako nang makita ko ang  isang painting na nakasabit. May dalawang lalaking nakatalikod na magka akbay, may nakasulat sa likod nila na letra, A.S 'yan ang nakatatak sa likod nilang dalawa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tignan kung anong oras na.
In-open ko 'to, ngayon ko lang ulit bubuksan.

3 missed calls from Liez
25 missed calls from Axulovejaz

Tinignan ko kung ilang oras na ang nakalipas nung huling tawag sakin ni Boss.

7:02pm

Kagabi? Magkasama kaming dalawa kagabi bakit nya pa ako tatawagan? Hinintay kong magising si Sean para tanungin sya.

Lumipas pa ang kalahating oras bago nagising si Sean. Lumapit ako at tumayo sa harapan nya.

"Sean, tinawagan mo ba ako kagabi?" Bungad kong tanong ko sakanya.

"Why?" Namamaos nyang tanong dahil kagigising nya lang.

"Eh kase in-open ko yung cellphone ko tapos nakita kong may 25 missed calls ka" Paliwanag ko, kumunot ang noo nya.

"Let me see" Inabot ko sakanya ang cellphone ko.

"Axulovejaz?" Tumingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin dahil nabasa nya ang name contact ko sakanya.

"Papalitan ko din naman yan eh" Nahihiya kong sabi habang nakatingin sa gilid nya.

"Naiwan ko yung isang phone ko sa Manila baka may tumawag lang sayo na empleyado doon" Umiwas sya ng tingin nung sinambit nya iyon. Bakit naman ako yung tatawagan?

"Okay" Tanging naisagot ko nalang.

"9am na hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sakanya.

"Aalis na, puntahan muna natin si Lola pala mag paalam" Tumango ako at nagtungo sa labas,sabay kaming naglakad pauwi sa bahay ng kanyang Lola.

Kinuha nya ang mga gamit namin sa taas kaya naman naiwan kaming dalawa ng kanyang Lola sa sala.

"Alam kong hindi kayo natulog dito kagabi, Iha. At alam ko ding nasa punong bahay kayo kagabi. Alam mo bang ngayon lang ulit sya pumunta doon? Makalipas ang ilang taon" Panimula ni Lola Rein kaya naman napunta sakanya ang atensyon ko.

"Ngayon lang ulit sya bumisita don. Ikaw din ang kauna-unahang pinayagan nyang pumunta doon maliban sa kanyang kapatid. Maswerte ka dahil nag tiwala sya sayo" Dugtong ni Lola Rein, napangiti naman ako.

"Bago sana ako mawala sa mundo Apo, aasahan kong manatili ka sa tabi ni Sean, huwag mo sana syang papabayaan. Naaawa ako sakanya dahil hindi man lang nya nakita at nakasama ang kanyang mga magulang at kapatid sa matagal na panahon" Nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang sinabi ni Lola Rein.

"Sobrang naawa talaga ako sa batang 'yan dahil hindi man lang nya naranasang mag karoon ng pamilya." Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Sa likod ng masasayang ngiti ni Sean ganito pala ang pinag daanan nya.

"Pangako ko po Lola, hinding hindi ko po papabayaan si Sean" Sambit ko at pinunasan ang luha ko.

"Sino po pala ang kapatid nya?" Dugtong ko

" Si Ax—"

"Lola!" Hindi naituloy ni Lola ang sasabihin nya dahil sumigaw si Sean at tumakbo papalapit kay Lola saka nya ito niyakap ng sobrang higpit.

"Sobrang mamimiss ko po kayo Lola, don't worry po babalik po ulit ako dito kasama ang asawa ko, baka nga po pati narin yung magiging anak namin" Nakangising sambit ni Sean bago ako tinignan at kinindatan. Natawa nalang ko sa pinagsasabi nya.

"Aasahan ko yan, Apo" Nakangiting sabi ng kanyang Lola.

Naayos na nga namin lahat ng gagamitin namin kaya naman mag papaalam nalang kami sakanyang Lola.

"Bye po Lola" Sambit ko bago sya niyakap, niyakap nya naman ako pabalik. Pagkatapos kong mag paalam kay Lola, nagpaalam nadin si Sean sakanya.

Pumasok na ako sa kotse ganun din si Sean, kumaway ako kay Lola nang umandar na ang kotse hanggang sa nakalayo na kami.

"Kailan tayo babalik doon?" Tanong ko sakanya habang sya ay nag dra-drive.

"Hindi pa nga tayo nakakauwi sa Manila, nagtatanong kana kung kailan tayo babalik" Masungit nyang sabi. Napanguso nalang ako dahil umaandar na naman ang kasungitan nya.

"Nagugutom kaba?" Tanong nito, nanatiling nasa unahan pa rin ang tingin nya.

"Hindi naman" Sagot ko tumango nalang sya.

Hindi ko namalayan ang oras kaya naman ipinikit ko ang aking mata para matulog.

Nagising nalang nang may tumapik sa pisngi ko.

"Wake up, Jazzi" Rinig kong sabi ni Sean.

"Asan na tayo, Sean?" Tanong ko

"Tawagin mo na akong Boss ngayon or Ax" Nagtataka akong tumangin sakanya.

"Bakit?"

"Basta, huwag ka ng magtanong. Nandito na tayo sa tapat ng apartment mo. Baba kana o baka naman gusto mong buhatin pa kita?" Hindi ko na sya pinansin at lumabas nalang sa kotse nya pagkatapos kunin ang mga gamit ko.

"Bye panget" Tumatawang sabi nya tsaka pinaharurot paalis ang kotse nya. Nakita ko galing sa labas na nakabukas yung ilaw sa apartment ko kaya naman agad pumasok sa isip ko na baka nandun si Liez.

Pagkapasok ko palang sa loob ay nakita ko ng madaming kalat doon. Madaming tissue ang nakakalat sa paligid. Nakita ko si Liezel na nakasubsob ang mukha sa lamesa, hindi nya yata napansin ang pagdating ko.

"Liezel?" Tawag ko sakanya. Agad syang nag angat ng tingin sakin. Nanlaki ang kanyang mata nang makita nya ako. Patakbo syang lumapit sa akin. Napapikit nalang ako ng mata nang maramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa lapag habang nakapatong naman sya sakin.

Narinig ko ang pag iyak nya habang mahigpit syang nakayakap sakin.

"J-Jazz akala ko... akala ko patay kana" Mas lalo pang lumakas ang iyak nya. Inis ko syang tinulak paalis sa taas ko dahil nabibigatan ako sakanya.

"Oa Liez, isang araw lang ako nawala"
Pagpapakalma ko sakanya.

"Isang araw lang ba?" Tanong nito bago suminghot singhot. Tumango ako bilang pag sagot.

"Bakit hindi kita matawagan?" Tanong nya ulit .

"Naka off cellphone ko eh, sorry Liez" Saad ko at niyakap sya, niyakap nya din ako pabalik kaya naman umiyak sya ulit.

"Hush tama na" Pagpapakalma ko.

"Nag alala talaga ako kase nakita kita sa social media, kinidnap ka daw" Umiiyak nyang pahayag

"Ano? Patingin nga" Kinuha nya ang cellphone nya at binuksan ito. Ilang minuto pa ang nakalipas nagtitipa parin sya sa cellphone nya.

"Bakit nawala?" Tanong nito sa sarili nya.

"Ano? Nawala yung alin?"

"Wala hayaan mo na ang mahalaga nandito kana" Tanging nasabi nya. Tumayo kaming dalawa at nagtungo sa kusina para kumain.

"Kailan ka nga pala nakabalik galing palawan?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Kagabi lang" Sagot ni Liez

"Bakit dika nagsabi?"

"Tumawag kaya ako sayo" Masungit nyang sambit.

"Sabado na pala bukas pasyal tayo" Yaya nya sa'kin.

"May trabaho ako bukas eh" Malungkot kong aniya. Tumango nalang sya kaya pinag patuloy ko na ang pagkain ko.

Keynings: Pasabi/patama nalang po kung may mali/typo Tenkyuuu 🤍

@kaneinx_young

HE'S THE BRIGHTEST STAR Where stories live. Discover now