Nakaupo ako ngayon sa loob ng opisina ni Sea—Boss para hintayin sya. Nakatulala lang ako dahil wala naman akong ginagawa. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon. Babatiin ko na sana sya pero naudlot 'yon dahil kasunod nyang pumasok ang kanyang girlfriend.
Parang wala lang ako sakanya nang daanan nya ako at hindi pinag tuunan ng pansin. Naglakad sya patungo sa loob ng opisina nya habang inaalayan ang kanyang nobya.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil sa trato nya sa'kin. Anong nangyare? Kahapon ayos naman kaming dalawa ah. Ang bilis mo namang makalimot Sean. O baka naman ganyan ka talaga kapag nandyan na ang taong mahal mo.
Sinundan ko nalang silang dalawa dahil baka may iutos o sabihin sa'kin si Ax. Tahimik lang akong umupo sa sofa na nasa gilid ng kanyang table, nakaupo si Ax sa upuan nya at ang kanyang nobya naman ay nakaupo sa harap ko.
Ramdam ko ang tingin sa'kin ng girlfriend nya kaya naman tinuon ko nalang ang pansin ko sa sahig.
"Babe, I'm hungry" Rinig kong sambit ng nobya nya.
"What do you want? ipapabili nalang kita" Sagot ni Boss.
"I want spaghetti, macaroni, juice, burger, cupcakes, soft drinks" Edi sana um-attend ka nalang sa birthday-an
"Ms Jazzi, can you buy those foods for her?" Tanong ng Boss ko sa'kin. Tatanggi sana ako pero sya naman na ang nag utos sa'kin kaya hindi na ako nakatanggi.
"Sure Boss" Pilit akong ngumiti sakanilang dalawa bago lumabas.
Ilang oras akong naghintay para maluto lahat ng order ng girlfriend nya at dahil nga madami syang pinabili, madami din akong pinuntahang lugar para doon bumili.
Pag karating ko sa kompanya, binilisan ko ang aking pag lakad dahil baka magalit si Boss kase ang tagal ko.
"Bakit ang tagal mo? I'm not hungry na" Bungad na tanong sa'kin ng girlfriend nya.
"Nabili ko na po kaya kainin nyo" May galang ko paring sagot.
"Why would I? Ayoko na nyan eh " pilit nito. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Sana hindi magalit sa'kin si Boss.
"Pero—"
"Shut up! Kasalanan mo 'yan dahil ang tagal mo" Mag sasalita pa sana ako nang bigla nyang agawin ang hawak kong mga plastic.
"Mapilit ka, Edi ikaw ang kumain" Hindi ko napaghandaan ang ginawa nya. Binuksan nya ang juice na binili ko at walang pag da-dalawang isip na sinaboy sa mukha ko. Napapikit ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Pagmulat ko palang ng mata ko ay agad nya ding tinapon sa'kin ang spaghetti na hawak nya.
"What the hell? Trice Stop!" Dumagundong ang boses ni Boss sa buong opisina. Kasabay ng pagtulo ng juice ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko eh. Pero bakit hindi ko magawa? dahil ba sa takot na baka kung ano pang magawa sa'kin ni Ax?
"Why? Kasalanan nya naman ah!" Pasigaw na paninisi nya sa'kin tsaka lumapit at humawak sa braso ni Axul.
Nakaramdam ako ng konting kasiyahan ng bawiin ni Boss ang braso nya galing kay Trice at tiningnan ito ng masama
"She's my assistant, Trice. Please respect her. I won't tolerate your wrong behavior. Now apologize to her" Pinagtanggol nya ako.
"N-No Babe, No!" Masyadong mataas ang pride ha.
"Trice say sorry or else—" Kahit napipilitan lang si Trice ay lumapit sya ng bahagya sa'kin.
"Okay fine... I'm sorry" Umiwas sya ng tingin at inikot ang mata.
"Ms Jazzi, change your clothes" Tumango ako at nagpasalamat kay Boss. Muli akong tumingin kay Trice at nakita kong may binulong sya habang nakatingin sa'kin.
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
