chapter 1

643 31 0
                                    

Napaangat ako ng tingin mula sa pinto ng aking kwarto nang may kumarok rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaangat ako ng tingin mula sa pinto ng aking kwarto nang may kumarok rito. Nagmadali akong lumapit sa pinto at binuksan ito nang bahagya. Sa labas, nakita ko ang aking ama.

"Dad," tawag ko sa aking ama nang makita ko siya na nakatayo sa labas ng pinto ng aking kwarto.

"Luna... anak," napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya na tila may gustong sabihin.

"Is there a problem?" I couldn't help but ask my dad.

May ibinigay siya sa akin at pinagmasdan ko ito bago ako nagtatakang nagtanong sa kanya.

"Para saan po ito?"

He held my shoulders and looked at me seriously. "Listen carefully to daddy anak, Luna. You only open that if something bad happens or if something happens to me. Do you understand, luna anak?"

"Dad? What are you saying?"Halos hindi ko na maintindihan ang emosyon na nasa mukha ko, I'm confused and angry because it seems like he's saying something bad might happen to him.

"Dadd-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla itong magsalita.

"Promise me...Promise me anak na bubuksan mo lamang 'yan kapag may hindi magandang nangyari. Naiintindihan mo ba, Luna?" striktong sabi nito na para bang wala na akong magagawa kundi sundin ito.

"Opo...Promise daddy" sagot ko at hindi na muling nagtanong. Ngumiti naman ito ng bahagya pagkatapos at ginulo ang buhok sabay kabig sa ulo ko papunta sa kanya para sa isang halik sa noo at yakap.

"Ang princessa ko... Ang laki-laki na. Parang kahapon lang nang halos mawalan na ako ng ulirat sa pagmamadaling nang manganganak na ang mommy mo at nung unang kita at pagyakap ko sa iyo," pagdadrama nito habang yakap ako.

"Dad, here we go again," I grumbled at him, which he found amusing and laughed.

Binitawan na niya ako at inikot paharap sa pinto ng kwarto ko. Akala ko ay pinapapasok na ulit niya ako pero sumama siya sa loob ng kwarto. Napailing pa siya nang makita ang mga binabasa kong mga libro na nakakalat sa higaan.

"Tutok ka na naman sa pagbabasa, hindi ba lumalabo ang mga mata mo diyan, anak?"

"Hindi naman po. May anti-radiation po akong ginagamit, saka po 1-3 hours lang po ako nagbabasa," sagot ko dito.

Mahilig kasi talaga akong mag basa ng mga books na may action-thrill mystery katulad ng mga story about detective, agent, and about sa mga virus

Dark Awakening Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon