Prologue

692 24 0
                                        

Alam mo 'yung pakiramdam na parang ang ayos-ayos ng lahat? Yung tipong normal lang ang araw—trabaho, kain, tulog, ulit-ulit lang? Pero minsan, hindi mo mapapansin, may nagbabago na pala. Tahimik. Dahan-dahan. Hanggang sa isang araw, babaliktad ang buong mundo mo nang hindi mo inaasahan. 

Nagsimula ang lahat sa mga maliliit na bagay. Balita sa TV tungkol sa kakaibang sakit sa malalayong lugar. Mga tao, bigla na lang nawawala. Isang gabing napakatahimik, masyadong tahimik na parang may mali. Pero sabi nga nila, "Siguro wala lang 'to." Yun pala, nagsisimula na ang impyerno. 

Pagising mo kinabukasan, hindi na sila tao. Ang mga kapitbahay mong dati’y nakangiti at nagkukuwentuhan lang, ngayon, parang halimaw na gutom na gutom. Hindi mo na sila makausap, hindi mo na sila makilala. Hindi ka na nila makikilala. Ang tingin nila sayo, parang isang ulam na tatangkilikin. Wala nang awa, wala nang pakiramdam. Kagutuman lang ang umiiral sa kanila. At ikaw? Ikaw ang tanging pakay nila. 

Pero ganito ang tao, 'di ba? Kahit gaano kadilim, may dahilan para lumaban. Pagmamahal. Pagkakaibigan. Ang pangarap na baka sakaling may bukas pa. Yun ang nagtutulak  na magpatuloy pa, kahit na parang wala nang pag-asa. 

Kaya, heto ang tanong ko: Kaya mo bang tumayo sa gitna ng gulo? Kaya mo bang harapin ang mundo kung saan bawat hakbang ay laban para mabuhay? Dahil sa mundong ‘to, hindi lang tapang ang kailangan—kailangan mo ng tibay ng puso at lakas ng isipan. Hindi laging madali, hindi laging makakaya, pero kung gusto mong mabuhay, hindi pwedeng tumigil. Kailangan mong magpatuloy, kahit na ang lahat ay nawawala sa iyong kontrol. Ang tunay na laban ay hindi lang laban sa mga halimaw—laban din ito sa sarili mo. Sa kung anong kaya mong tiisin. Sa kung hanggang saan mo pa kakayanin. 

Handa ka na ba? Kasi kung hindi, mas mabuti pang huwag ka nang tumuloy. Pero kung oo… tara. Simulan na natin ang kwento. 

Dark Awakening Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon