"Ang tagal naman niyang gumising."
"Gigising din siya, marahil ay napagod lang."
"Guys, sorry talaga, hindi ko talaga alam na lalabas siya."
Nagising ako dahil may mga tinig na parang bubuyog akong naririnig. Nung una, hindi ko na sana papansinin dahil masyadong masarap ang pagtulog ko.
"Ingay naman!"
Matapos kong sabihin yun ay natahimik din sila. Ako naman ay unti-unti nang dinilat ang mga mata. Gustong-gusto ko talagang bumalik sa pagtulog kaso naalala ko ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay. Hindi pa ako nakakaligo, nakabusangot tuloy akong gumising. Sa pagmulat ng mata ko, ang una kong nasilayan ay ang mga matang huli kong nasilayan nung mawalan ako ng malay.
"Luna..." Argus uttered and smiled.
"Hi!" Sabi ko ng naka ngiti sa kanya. Inangat ko pa ang isang kamay para kumaway sa kanya.
Dahan-dahan akong bumangon at agad naman niya akong tinulungan. Bago nilibot ang tingin, si Argus, Manang, Nicco, at Lian lang ang nakita ko dito sa loob ng kwarto. Wala sila Rav at Hav.
"Hija, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Marahan na tanong sa akin ni Manang na lumapit sa kamang kinahihigaan ko.
"Opo, Manang."
"Ikaw talaga, pochi monster, pinapakaba mo kaming mainam!" Nakabusangot na sabi ng maingay na si Lian.
"Sorry, Val-" "Ano ka ba, ayos lang. Saktong-sakto lang ka/kayo ng dating no!" Bago pa man ma kompleto ni Nicco ang sinasabi niya, pinutol ko na iyon dahil alam ko naman na ang sasabihin niya at wala siyang kasalanan dahil in the first place ako ang nag-utos sa kanya.
"Nasan nga pal-" Itatanong ko pa lang sana kung nasaan ang dalawa ng bumukas na ang pinto at pumasok ang dalawang hinahanap ko na may dalang pagkain.
"Insan!!" Sabay pang sabi ng dalawa nang masilayan akong gising na. Lalapit na sana sila para yakapin ako ng bigla din silang mapatras at mapatakip sa ilong.
Doon ko lang din naalalang hindi pa pala ako naliligo at may mga malalansang amoy pa ring nakakapit sa akin kahit na nalinisan na ako na tingin ko ay si Manang ang may gawa habang tulog ako.
"Baho mo, insan," maarteng sabi ni Rav.
"Next time na lang pala ang hug, insan," sabi pa ni Hav na sinabayan ng halakhak ni Lian na isa pa ding nagrereklamo sa amoy ko.
Dahil sa sinabi nila, agad akong napatingin sa gilid ko kung nasaan si Argus na matiim na nakatingin sa akin habang hawak ang isang kamay ko at hinahaplos iyon.
"Mabaho pala ako, bat naka lapit ka sa akin?" Nakanguso kong tanong dito. Tumaas lang ang isang kilay nito sa akin bago tumingin kina Rav at Hav na huli ko pa ang matalim na tingin nito sa dalawa.
"Ah, hahaha, joke lang naman," alanganing sabi ni Hav.
"Anong joke? Hindi, mabaho talaga si pochi monster. Hindi pa kasi siya naliligo, may dugo pa siya," madaldal na sabi nitong si Lian.
Nakabusangot tuloy akong tumayo mula sa kama. Nabigla pa nga ang nasa tabi ko dahil sa biglaan kong pagkilos. Pipigilan pa sana ako nito pero mabilis ang naging kilos ko at nakatayo na ako sa kabilang side ng kama samantalang siya ay nasa kabilang side naman.
"Hmp! Labas na nga kayo, maliligo na ako," sabi ko sa kanila lima dahil lumabas na si Manang kanina pagpasok ng dalawa.
Nagmadali akong pumasok sa banyo dahil hindi ko na rin matiis ang malansang amoy na nakakapit sa akin. Pagpasok ay muli akong napatingin sa nakasarang pinto ng bigla akong makarinig ng munting ingay sa labas na hindi ko na rin pinansin pa at nagsimula nang maligo.
BINABASA MO ANG
Dark Awakening
Acción"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."
