Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakatulugan ko na ang kakaiyak kagabi, kaya naman ngayon, kagigising ko lang, ay naka-tulala ako sa kisame, habang yakap-yakap ang frame na naka-lagay ang last picture naming tatlo nila mommy nung nabubuhay pa sya.
Ilang minuto pa akong tumulala bago napag-pasyahang bumangon. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto, napa-kamot na lamang ako sa ilong nang makita ang pinag-gawaan ko kagabi na hindi ko na nagawang mailigpit.
Ang kalat!
Imbis na tumunganga ulit, sinimulan ko nang maglinis. Wala pang isang oras ay natapos na din ako at bumaba para magluto ng breakfast.
Naghahanda na ulit ako para umalis. Kung saan ako pupunta? Huh, hindi ko alam, punyeta. Iikutin ang bansang to, papatay ng mga hinayupak sa labas, at hahanapin ang tatay ko. Yun yun ang gagawin ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas sa likod. Muli ako dumaan sa bintana sa may laundry area, umikot sa parking.
Ilang oras na akong nagd-drive, wala parin akong matinong maisip na lugar kung saan ako pupunta. Naka-ilang balik narin ako sa hospital, nagbabakasakaling bumalik ron ang tatay ko, pero imposible talaga eh. Pano babalik yun kung infected din sya? Napa-buntong hininga nalang ako nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit nang magkabilang sulok ng mata ko sa nagbabadyang pag-iyak.
"Tangina naman, daddy, nasaan ka ba?!"
Halos naliligo na rin ako sa dugo dahil marami nang napapatay kong zombie na sumusugod sa akin.
"Parang tanga lang, eh. Hindi naman inaano, sugod ng sugod ang mga puta. Eh kung sila kaya ang ngatngatin ko?"
Napabuga nalang ako ng hangin ng mapagtantong mas mukha papala akong tanga sa mga sinasabi ko.
Nang may madaanang mga store na mukhang napabayaan na, store ng mga damit at sapatos, maging parang bookstore ang isa. Sa tapat naman ay mini-mart, at sa tabi non ay pharmacy, agad kong pinark ang sasakyan ko at kinuha ang katana na katulad ko ay naliligo na rin sa dugo.
Sana wag naman magalit ang nanay ko dahil sa ginawa ko sa katana niya.
Agad kong ino-serbahan ang paligid kung at agad kong nakita ang ilang zombie na nag-uunahan sa paglapit sa sasakyan ko. Malamang maingay eh.
Agad akong lumabas ng sasakyan at sinalubong na sila.
"Mga tangina kayo, nagugutom na ako, hindi nyo muna ako pinakain bago kayo sumugod-sugod!" I shouted at them in frustration before dispatching them.
"Oh eto sa inyo!" at agad na pinutol ang braso ng isa. "Ha! Nagugutom na din kayo at ako ang balak niyong kainin! Pwes, manigas kayo, hindi ako magpapakain sa inyo over my deadly, sexy, fucking body." I no longer care if I attract other zombies with my words because it's the only way I can release my frustration.