Chapter 26

278 11 11
                                        

Tahimik ang paligid sa labas ng kwarto kung saan dinala si Ate Hanna. Ako, si Argus, Nicco, at iba pa ay nasa labas, nakaupo sa sahig. Tahimik kaming lahat, pero ramdam ang bigat ng sitwasyon.

Tahimik akong nakayuko, hawak ang sarili kong mga kamay para pigilan ang panginginig. Ang bawat sigaw ni Ate Hanna mula sa loob ng kwarto ay parang kutsilyo na tumatarak sa dibdib ko. Pakiramdam ko’y muli akong ibinabalik ng tadhana sa araw na nawala si Mommy. Parehong sigawan, parehong pag-aalala, parehong takot.  

Napapikit ako nang mahigpit, pilit na pinipigil ang mga luha.“Hindi pwedeng maulit ‘to,”bulong ko sa sarili ko.“Hindi ko kakayanin kung maulit ulit.”

Biglang tumigil ang lahat nang huminto si Ate Hanna sa pagsigaw. Nagkatinginan kaming lahat. Ang katahimikan ay mas nakakakaba kaysa sa ingay ng sigawan kanina. 

Biglang nagkaroon ng kaguluhan sa loob. Narinig ko ang boses ni Daddy, halatang nagmamadali, habang si Tita Natasha ay nagbigay ng hindi malinaw na utos. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Bago pa man pigilan ni Argus ang braso ko, tumayo na ako at mabilis na binuksan ang pinto. 

---

Pagpasok ko, parang bumagal ang lahat. Ang una kong narinig ay ang matinis na tunog ng flatline mula sa makina sa tabi ni Ate Hanna. Ang tunog na iyon ay tila bumaon sa tenga ko, isang tunog na napakahirap makalimutan. 

Paglingon ko sa kama, nakita ko si Ate Hanna, nakahiga. Ang kanyang balat ay maputlang-maputla na, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Sa bawat segundo na tumititig ako sa kanya, parang bumabalik ang alaala ni Mommy. 

Dahan-dahan akong naglakad papalapit, pero parang mabigat ang mga paa ko. Nang tumingin ulit ako kay Ate Hanna, nakita ko ang mukha ni Mommy. Dalawang tao ang nakikita ko, parehong wala nang buhay—parehong nawala sa akin. 

“Mommy…”mahina kong sabi, pero alam kong hindi ako naririnig ng kahit sino. Tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan. 

Pakiramdam ko’y nasa isang malalim na bangungot ako. Naririnig ko ang sigawan ng mga doktor noon, ang iyak ni Daddy, at ang huling salita ni Mommy. Pero ngayon, si Ate Hanna ang nasa harap ko, at hindi ko magawang galawin ang katawan ko. 

Biglang lumuhod ang mga tuhod ko sa sahig. Napasubsob ako, pero wala akong marinig maliban sa matinis na tunog ng makina. Parang bumalot ang katahimikan sa paligid ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling ganoon, nakatulala, hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses ni Argus. 

“Lun! Luna! Baby come on!" tinatawag niya ako.

Napatingin ako sa kanya at napakurap kurap, at biglang bumalik ang ulirat ko. Nang tumingin ako sa paligid, nakita ko si Tita Arlaine sa isang sulok, sinusubukang i-revive ang sanggol. Halata sa mukha niya ang pagod, pero mas ramdam ko ang bigat ng bawat pagiling niya ng ulo. 

Umiling siya kay Daddy, na nakatingin din sa kanya nang may pag-asa. Pero ang simpleng pagiling ng ulo ni Tita Arlaine ay tila nagsasabing, Wala na rin ang sanggol.

Natauhan ako at mabilis ang kilos na tumayo at tumakbo papunta sa kinalalagyan ng sanggol. Nakita ko ang maliit na katawan nito, halos wala nang galaw. Hindi ko kayang tanggapin na mawawala rin siya. Hindi ulit. 
 

“Valk, anong ginagawa mo?!” sigaw ni Daddy, pero hindi ko siya pinansin. Alam ko ang ginagawa ko. Kahit second-year college lang ang natapos ko bilang isang medical student, hinding-hindi ako susuko. 

Nag-focus ako sa bawat galaw, inalala ang lahat ng natutunan ko noong nag-aaral pa ako. Nilagay ko ang sanggol sa tamang posisyon, sinimulan ang CPR, at pinigilan ang sariling maiyak.“Hindi ka pwedeng mawala, Kyro. Hindi kita papabayaan.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Awakening Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon