chapter 17

374 23 1
                                        

Napa-kurap kurap ako at natauhan nang maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa likod ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa-kurap kurap ako at natauhan nang maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa likod ko. "Are you okay? Are you hurt?" he asked, as if I was the one who was in a fight earlier.

Iling nalang ang nagawa ko sa kanya dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa pwesto naming dalawa. Gumalaw ako at sinubukan na lumipat sa shotgun seat, pero ipinirmi niya ang bewang ko sa kandungan niya kaya hindi ako maka alis.

Kitang kita ko ang pag-sulyap ng mga kaibigan niya sa amin habang nagpupunas at nakangisi sa labi. Sa sobrang hiya ko ang nagawa ko ay sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Argus na ayaw akong paalisin sa kandungan niya.

Pero agad akong napaahon nang may maalala, tinignan ko si Argus na sinulyapan din ako. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa inyo-sayo?" tuloy-tuloy kong tanong rito. Nakahinga naman ako nang maluwag nang umiling ito. Sunod kong tinignan ay yung apat sa likod na nagpupunas ng mga dugo sa katawan.

"May nasaktan ba sa inyo, guys?" medyo may kalakasan kong sabi para marinig nila ako.

"Ayos lang kami, Valk. Kami pa malalakas yata 'to. Tsaka ikaw, huh, sarap nang upo mo jan." Sino pa ba, edi si Lian. Hindi lang pala mapang-asar ito, mahangin din.

Sinimangutan ko ito at muling inilapat ang pisngi sa dibdib ni argus, kahit pa puro ito dugo. Ilang beses pa akong nag-subok na lumipat sa shotgun seat, pero hindi nya ako pinayagan at sinasamaan ako ng tingin. Hanggang sa naka-rating kami sa village na sinasabi nila nang ganun ang pwesto,

Harrison Village...

Pamilyar talaga sakin ang name, hindi ko lang alam kung saan ko ba nakita o narinig. Napakamot nalang ako sa ilong, kaya naman napatingin sakin si argus at tinaasan ako nang kilay.

Parang babae, dinaig pa ako ang taray.

Maya-maya lang naramdaman kong inihinto na ni argus ang sasakyan kaya napatingin ako sa gilid kung saan may malaking bahay.

Sobrang laking bahay, mansion! Palasyo?

Nasa labas palang kami dahil may bakod at gate, pero tanaw ang bahay o mansion na ata ito sa sobrang laki. Pero mababa lang ang gate at bakod kaya tanaw ang mansion sa loob, kaya kailangan pa naming buksan ang gate para maka-pasok.

Narinig ko ang pag-unlock nang pinto sa gilid namin kaya natigil ang pagmamasid ko sa bahay. Muntik na akong mapatili nang kinarga akong muli ni argus paharap at sinama sa pagbaba nya.

"Argus! Baba na ako!" mahinang sabi ko at nagpumilit magpababa, wala naman itong nagawa at binaba ako. Pero hinawakan sa kamay, nagmasid kami sa paligid, baka mamaya ay may bigla na lang sumulpot na zombie sa harapan namin.

Dark Awakening Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon