Habang tinatapos namin ang pag-uusap at plano tungkol sa pagkuha ng cure, narinig namin ang boses ni Tita Natasha, na katulong ni Manang sa pagluluto ng lunch. "Everyone, it's time for lunch! Come on," ang tawag niya. Kasama rin si Ate Hanna sa paghahanda ng pagkain, kaya pala wala silang dalawa kanina. Lunch na pala, ibig sabihin hindi na ako nakapag-breakfast.
Nakita kong tumayo ang lahat at nagsimulang maglakad patungo sa dining room. Inayos ko ang sarili ko at agad na sumunod sa kanila. Habang naglalakad kami patungo sa dining room, naramdaman kong may tumabi sa akin.
"You didn’t get to eat breakfast earlier," Argus asked.
"And you guys?" I replied, because when I went downstairs, they were already in the living room, and I didn’t know if they had already had breakfast.
""We already ate breakfast. Tito Von didn’t wake you up earlier because you were sleeping so soundly," he answered.
"What time did you have breakfast?"
"Hm, around 7:30. Then, you came down around 11," said Argus, and just as he finished speaking, we arrived at the dining room, where the food was already prepared.
"Wow, kaldereta!" halos mapasigaw ako sa tuwa habang naupo kami sa dining table. Napangiti si Tita Natasha, proud sa inihain nila ni Ate Hanna. Hindi ko alam kung matagal na akong hindi nakakain ng ganito kasarap o sadyang sobrang galing nilang magluto.
"Seems like it’s the first time you’ve seen caldereta, Valk," Nicco teased as he filled his plate with food.
"Eh? Ang tagal ko na kaya walang maayos na pagkain. Kung hindi de lata, puro crackers lang! Pag tinatamad akong magluto," sagot ko sabay kuha ng kanin at malaking piraso ng karne.
"Kain lang kayo nang marami," si Tita Natasha.
As we started eating, I noticed some of them were quiet, especially Daddy and Tito Pogs. It was clear they were still thinking about the plan for the cure, but they purposely avoided talking about it at the dinner table. Maybe they wanted to give us a chance to rest, even for just a while.
Tahimik na kumakain si Argus sa tapat ko. Minsan ko siyang nahuhuli na sumusulyap sa akin, pero hindi ko na lang pinapansin. Samantalang si Nicco naman ay masayang nakikipagbiruan kina Lian at Tito Liam.
Pagkatapos ng pagkain, bumalik kami sa living room para pag-usapan ang plano. I quietly sat next to Daddy, waiting for the discussion to begin. Habang nagpapaliwanag si Tito Pogs tungkol sa mga ruta papunta sa lab, hindi ko maiwasang mapansin si Ate Hanna sa gilid malapit saakin. Nakaupo siya, nakayuko, at tila malalim ang iniisip. Hindi siya gaya ng dati—parang may iniinda siya. Nakayuko siya, at minsan ay mahigpit na hinahawakan ang gilid ng kanyang tiyan.
Napakunot-noo ako. May mali sa kanya, pero ayoko namang bigla siyang tanungin sa harap ng lahat. Habang tumatakbo ang oras, napapansin kong lalong bumibigat ang kanyang paghinga. Muli siyang sumandal sa upuan, tila nagpapahinga sa bigat ng nararamdaman. Hindi ako mapakali sa kinauupuan habang nakatingin kay Ate Hanna. May mali talaga, may mali.
Tumikhim si Tito Pogs, muling kinukuha ang atensyon namin. "Alright, so that’s the plan for the rooftop entry. We’ll finalize everything tomorrow morning. Make sure to rest well tonight. Valk, Argus, Nicco, you’ll be part of the team entering the lab. The rest of you, including Liam and Damien, will monitor from the control room and keep watch outside."
Tumango kami lahat, bagamat ramdam ang bigat ng nakaatang na misyon. Nang magsimula nang mag-alisan ang iba para magpahinga, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko si Ate Hanna, na ngayon ay tila mas tahimik kaysa kanina.
"Ate Hanna," maingat kong sabi habang naupo sa tabi niya. "Okay ka lang po ba?"
Bahagya siyang nagulat pero ngumiti nang pilit. "Okay lang ako, Valk. Huwag mo akong alalahanin. Pagod lang siguro."
BINABASA MO ANG
Dark Awakening
Azione"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."
