Mahigpit pa rin ang yakap ko kay Daddy habang nakaupo kami sa couch sa loob ng malaking bahay na pinasukan namin.
"Valkyrie?"
Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Si Mommy ni Argus ang nakita kong papalapit.
Lumapit siya at bigla akong niyakap. Hindi ko inaasahan iyon kaya napabitaw ako kay Daddy.
"Oh my, you've grown so much, Valk! You look exactly like Valerie," she said emotionally, staring at me. Naguguluhan akong napatingin kay Daddy.
"Siya ang tita Arlaine mo," sabi ni Daddy habang hinahaplos ang buhok ko. "Kaibigan namin siya ng Mommy mo. She was the one who helped deliver you when your mom gave birth."
Agad akong tumingin ulit kay tita Arlaine. Parang may sumagi sa isip ko. Napatingin ako sa mukha niya. Siya ang babae sa litrato ni tito Nic-yung babaeng napangasawa ng lalaking parang kambal ni Argus, mukhang businessman.
"You've already met my son! Did you know that-"
"Mom!" Naputol bigla ang sinasabi ni tita Arlaine nang sumingit si Argus. Halatang ayaw niyang sabihin sa akin ang chismis ng nanay niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at bumaling kay Daddy. Pero bigla kong naalala ang isang bagay, kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.
"Nakagat ka po, 'di ba, Daddy? Paano pong wala?!" Hindi ko na napigilang magtanong habang naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Bago pa kumalat ang virus sa katawan ko, nakapasok agad ako sa isang kotse sa parking lot. Tinalian ko ang braso ko para maging mabagal ang pagkalat ng virus," paliwanag niya.
Napatingin ako kay tito Van nang bigla siyang magsalita.
"Nung araw na iyon, tumawag agad ako sa Daddy mo at sinabi kong darating ako. Inaantay ko lang ang tawag niya, pero hindi niya ako na inform na malapit na siyang maging infected. Mabuti na lang, bago tuluyang mawala ang signal, nasabi niya kung nasaan siya. May dala akong gamot noon, kaya naagapan siya. Pero walang kasiguraduhan, kaya nagmadali kaming bumalik dito. Unfortunately, we couldn't find you at that time." paliwanag ni tito Van.
Parang nanikip ang dibdib ko habang pinapakinggan siya. Napatingin ako sa paligid, sinuri ang mga taong nasa living room. Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa tabi ni Lian. Tumikhim siya bago lumapit at niyakap ako.
"Ako si Natasha. You can call me tita Natasha. Ako ang mommy ni Lian," nakangiti niyang sabi.
Pagkatapos ng eksena sa living room, inaya nila kami sa hapag-kainan. Sa wakas, nakilala ko rin ang daddy ni Argus na si tito Damien, pati na rin ang daddy ni Lian na si tito Liam.
---
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil tinawag kami ni tito Pogs. May sasabihin daw siya. Hindi ko na rin nakausap si Daddy kagabi dahil sa sobrang pagod, diretso akong nakatulog.
Pagbaba ko sa living room, naroon na silang lahat. Agad akong naupo sa tabi ni Daddy, habang nasa kabilang gilid ko ang twins. Si Argus naman ay nasa tapat ko. Tumikhim si tito Pogs kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. Nakaupo siya sa isang single-seater couch at seryoso ang mukha.
"Valk, I assume you've seen the video, right?" he asked.
I furrowed my brows, puzzled at first, but then I remembered the video Daddy left me-the one with Tito Pogs explaining and showing evidence that the virus wasn't an accident..
"Yes, tito," sagot ko.
"We've been collaborating with your parents to develop a cure for the virus," he said. Ramdam ko ang bigat ng usapan kaya agad akong napaayos ng upo.
BINABASA MO ANG
Dark Awakening
Acción"In a world devoured by darkness, survival is our only hope. Brace yourself for an apocalyptic journey through the land of the undead."
