Limang Piso.

2.2K 18 5
                                    



---

Laiza's POV

Ilang minuto nalang uwian na. Huhu. Pero pakiramdam ko ang tagal pa. Nubaa.

"So that's it," sabi ng teacher namin sa Math. "I guess let's just get ready to go home. You're dismissed."

Yes!! Gutom na gutom na ako eh. Ano kaya mabibili namin sa labas?

"Uy, Liza, kain tayo dali!" aya ko sa walanghiya 'kong kapatid. Kambal kami bakit? Pero hindi identical ha! Kaya meron paren kaming obvious na pagkakaiba hehe

"Gutom ka nanaman 'no?" Tumawa naman siya. Tumango naman ako. "As usual,"

"Kapal mo, ah." sabi ko sa kanya. "Akala mo di tayo magkasing taba, che!"

"Joke lang naman, Lai. HAHAHA." Sabi niya habang kinukuha bag niya. "Tara?"

"Tara!!" sigaw ko. Hihi. Kanina pa kase nagagalit mga alaga ko sa chan eh. Tch.

***

Lumabas kami ng campus tapis tumawid dun sa may bilihan ng shake. Huhu salamat at na satisfy na yung craving 'ko.

"Dalawa pong fifteen na shake." sabi ni ko sabay abot ng bayad.

Naghintay lang kami dun tapos nag-usap.

"Oy, Laiza," sabi niya bigla.

"Ano?"

"Kelan ka ulit magkaka-lovelife?" Tawa niya.

"Bwisit ah," sabi ko habang kinukuha yung inorder namin. "Porket masaya ka sa buhay niyo ni Terrence eh kelangan ko naman magkaroon lovelife?"

"Uhm, nagtatanong lang ako ano ba!" Tawa niya. "Hmmm, eh kung si Oliver nalang kaya? Omg, sobrang bagay kayo!"

"Shut up!" sigaw ko sa kanya. "You know how I hate that guy!"

"Wushu. If I know, crush mo lang siya eh." She laughed. Aba.

"Pano 'ko magiging crush yon?" Sabi ko habang nag-simula kaming maglakad papunta sa may simbahan. "The nerve of that guy! Sobrang nakakairita kaya siya! Wala akong ginagawa tapos inaaway ako? Ugh!" Pero to be honest, mabait din naman yon! Cute nga din eh... pero minsan lang talaga nasosobrahan sa pagiging makulit. Kaya ayun.

Ewan ko ba pero kahit anong asar sakin 'non, napapangiti parin niya ako. Ang gara nga eh, para akong abnormal. Inaasar na't lahat-lahat pero natutuwa paren. Siguro ganon nga kapag... joke.

"Sounds to me like you like him." Isa pa masasapak 'ko na 'to seryoso.

"Che!" Tawa ko. Ganon daw ako pag kinikilig eh. "Dun na nga lang tayo sa likod ng Simbahan! Maraming kainan dun diba?" I say sipping from my cup of mango graham shake.

Syempre pag merong panulak, dat merong itutulak diba? HAHA.

"Takaw mo kahit kelan." sabi niya sabay inum sa shake ko.

"Nahiya ako ah." sabi ko sarcastically.

Habang naglalakad kami dito sa may church, merong isang bata ang lumapit samin.

"Ate, akin nalang yang iniinum mo, oh." sabi jiya habang sinusundan kami. Jeeezz. Mahina pa naman loob ko sa mga gantong bagay.

"Huy, Lai, penge daw." bulong ni Liza.

"Eh wala na akong pera eh. Huhu. Iniwan ko yung 500 ko sa bahay. Sakto nalang 'to sa pamasahe ko tska sa kakainin naten. Hala huhu. Wala ka ba dyan?" tanong ko.

"Wala eh, huhu. Pano na yan? Kawawa naman si kuya oh." sabi niya habang nakahawak sa balikat ko.

Wala akong choice. Di nalang ako kakain ng kwek-kwek haist.

memories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon