Secret Love.

269 3 4
                                    



Dahil semi-BH ako nung isang araw (oo semi lang walang aangal) naispire ako! Huehuehue :3

Song on the side ~>

...



"Sana ako nalang..."



Haist. Nagdradrama nanaman ako. Ajujujuju. Kulang nalang merong ulan effect para pang teleserye na tong drama ko eh.



"JESSICA! Tulalay ka na naman!" Sabi ni Candy sabay hugot saken papuntsa dun sa bench sa tabi namin.



"Kahit kailan talaga panira ka. Feel na feel ko na pagdradrama ko tapos sabay huhugutin mo kamay ko. Tss."



"Hehe. Ganun kita kamahal eh. Tska, ayokong sad ka dahil sa best friend ko." -Candy



"Hay. Wala na naman eh. Sooner or later sasagutin na ni Holly si Francis." sabi ko habang tinatakpan yung muhaka ko. Bakit kase ganun? Ang manhid niya shet.



"Kung alam mo lang..." narinig kong bulong niya. Hindi ko na ipinush kase alam kong Francis and Holly related yun at sapat ng makita ko silang nagtatawanan para madurog ang puso ko. :'(



"CANDY! JESSICA!" Sigaw ni Francis galing sa malayo. WHY NOW?!



"O-oh, Francis! Musta damoves mo kay Holly?" stutter ko. Nubayan. Pag ito makahalata. >.>



"Eto, feeling ko nga sasagutin niya na ako eh. Haay. Sana soon na yun noh?" sabay tabi saken. Nanadya ba to? .___.



"Haha. Ganun ba? Congrats ah." Ako. "Ah... bibili lang ako sa labas." tas ayun nagwalk-out na ako.



. . .





Bumalik na ako galing dun sa labas na may dalang kwek-kwek tska gulaman. La eh, poor kid lang. HAHA >:D<



"Kailan mo ba kase balak sabihin, ha?" Teka, boses ni Candy yun ah.



Chismosa mode: on.

"Aish! Mahirap naman kase! Hindi ko alam nararamdaman niya saken. Eh kung sabihin mo nalang sakin yung pinag-uusapan niyo para maka-amin na ako at di na ako makipag-kontyba ka-"



Natigil si Francis dun. Wala eh bigla nalang akong sumulpot with tears. Oo na. Hurt na ako. Pero sino a ang hinde? Seeing the boy you love with someone else just makes your heart break into tiny little shattered pieces. Kaya, masisi niyo ba ako? Sorry to say this but, na-in love ako sa maling tao. Sa isang taong may ibang mahal. Nung simula pa lang alam ko na na siya ang gusto ni Francis pero ipinusko pa rin eh. It was my mistake. I fell in love with the boy I knew I didn't have a chance with.



I knew that falling in love wasn't easy, I knew love was like a battlefield. It's up to you how to strategize and protect your heart from all who would try to steal it. But of course, meron at meron pa ring makakaloko sayo at kukunin ang puso mo. In my case, si Francis.



"Ta-tama na." sabi ko tears streaming down my face. "Bakit ba ang manhid mo, ha? Lahat na ng bagay ginawa ko para maramdaman mo nararamdaman ko pero wala eh. Masydo kang naka-focus sa panliligaw mo kay Holly. Oo, Francis, mahal kita. Mahal na mahal. Ewan ko ba. Ang tanga tanga ko kase para main-love sayo. Masyado akong nagpaka-tanga para hindi ka iwasan. Matagal ko ng gustong sabihin sayo to, kaso, natatakot akong ma-friendzone eh. Kaya ngayong alam mo na, sana maging masaya kayo ni Holly. Kase kung ganun, masaya na rin ako."



Tummakbo na ako. Tsk. Nagalit pa kase ako kay Candy na pinigilang niya ako mag-drama eh. Ayan tuloy, toda na drama ko nagyon. Ka-asar.



"Uy," sabi ni Candy sabay tabi sa akin. "Okay ka lang?"

"Naman! Diba nga ako yung BH na good mood?"

"Ikaw lang talaga yung kilala kong umiiyak na, nagagawa pang magjoke." sabi niya sabay tawa.





"Wala eh. We just neeed to accept the fact and learn to live with it." Okay English pa, Jessica.





"Ewan ko sayo! Inieenglish mo pa ako! Lika nga, ihuhg kita." tapos naghug na kami.



. . .





Kaning umaga pa ako hindi pinapansin ni Francis. Syempre, ano pa ba ineexpect ko eh inamin ko na nga lahat lahat sa kanya, di ba? Friendzoned na ako and then fine. Kasalanan ko rin naman din yun diba? I chose this thing to happen. Kaya kung may sisisihin, ako yun.





Naglalakad lakad na naman ako sa campus. Wala eh. Alam ko baka nag-iikot din silang dalawa pero, so what? At least nasabi ko na nararamdaman ko.



Syempre di ako nagkamali. Andun sila sa may fish pond tapos suot-suot pa ni Holly yung hoodie niya. Haist. Umikot nalang ako para iwasan sila pero wala eh bilis ng mata ni Francis. -__-



"Jessica!" sabi niya sabay grasp sa braso ko. "Mag-usap nga tayo."



"M-may gagawin pa ako e-eh." sabi ko habang pinipilit na bitawan niya braso ko.



"Tapos mo na lahat kaninang lunch diba? Wala ka ng rason para layuan pa ako." Pano niya nalaman yun? Nandun ako sa pinakasecret place ko dito sa campus tapos alam niya yun? Bihira pa naman tao dun. Konti lang kase may alam sa lugar na yun.



"Pano ko nalaman? Stalker mo ako eh." Stalker? Siya?! Dahell?!



"At bakit ka naman stalker ko?"



"Kase... kase... kase mahal kita." Pabulong yung huling part pero syempre rinig ko yun.



"At sinasabi mo lang toh dahil nalaman mong mahal kita? Ako ba talaga pinagloloko mo, Francis?"



"Seryoso ako, Jess. Seryosong seryoso. Tingnan mo pa muhka ko." Seryoso nga siya. Yung nacucutan akong face na serious niya. :")



"Eh bat mo nililigawan si Holly?"



"Kasi kinuntyaba ko siya. Nag-agree naman siya kase nacutean siya sa story ko. Kaya ayun. Mula noong second year year tayo nararamdaman ko na to. Ewan ko ba pero pagdating sayo torpe na torpe ako. Kaya sana, mapatawad mo ako kung sinaktan kita. Sadyang naduwag lang ako. Mahal na mahal kita kaya ko nagawa yun. Tska kung tatanungin o ako tungkol dun sa hoodie, may lagnat kasi siya kaya ayun."



Hindi ako umimik. Kiniss ko lang siya sa cheeks tapos umalis. Nung nakalayo na ako, narinig ko siyang sumigaw ng "YES!" Napatawa nalang ako tapos umalis.

. . .



Laliim nung sinabi ko dun. >:D<

memories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon