The New Guy.

768 6 3
                                    

Updating today kasi nakakatuwa lang pasukan na eh! Dedicated to her kasi sya nakakaalam nung sinabe yung isang part sa speech ni Coleen. Nga pala galing ulet ito sa tablet ko.. :)

~Coleen's POV

Haist. Aga naman kasi ng pasukan eh! Bat kasi June 3?! Pinsan ko nga sa 13 pa! Lecheng buhay yan! First day of Grade 10 bwist na bwist na ako.

"Hoy girl! May nabalitaan ako!! Alam mo ba, may new student daw! Gwapo tska matalino!" Bulong ni Cassandra. First day yan agad?!

"Ang landi mo noh?! First day pa nga lang yan na agad!" Sabay batok! Haha,

"Sinasabi lang naman!" Nag-pout pa yung bruha! Amp.

"O sya! Gora na ba? Magbebell na eh! Tara na!" Kaya pumunta na kami sa gym, dun kasi pipila.

"BEA!!!" sigaw ko. Wala best friend eh! Mahal na mahal ko yan akala nyo!

"Uy! Musta na?" Tanung niya.

"Eto, buhay pa. Haha! Buti pa kayo ni Cassandra classmates! Ako hiwalay! Hmp! Pati sila Chloe at Grace isang section lang din! Bwisit."

"Nasan naman yung babaeng yun?" Hala! Wala sa likod ko! "Akala ko ba sabay kayo kasi kapitbahay mo lang siya?"

"Ewan ko nga eh! Kanina lang nakabuntot sa akin, biglang nawala. Baka kinikilala yung nabalitaan niya new student? Ewan."

"Ah... siguro nga. O dun ka na sa pila mo, Cols."

"Sige! Babye! See you later!!" Tapus isang malaking bear hug.

Naglakad na ako papunta sa pila ng St. Rose. May mga friends din naman ako dito kaya lang hindi ganun ka close. Kaya yun, nakipaghang-out ,muna ako sa kanila habang wala pa yung teacher.

*LUNCH TIME*

"Cols, alam mo may matalino daw na new student. Bukod daw dun sporty tska most important gwapings daw!" Sabi ni Grace. Hay pati ba naman dito?!

"Sino ba yang new student na yan?! Putek. Kaninang umaga ko pa siya naririnig ah! Ganun ba talaga ka gwapo?!"

"Oo! Sure ako bet mo yan! Haha! All in one na kasi eh!" Dagdag niya.

"Pero meron din nagsasabi na kaya lang daw yun pinakamatalino sa school niya kasi konti lang daw students eh." Singit ni Chloe. Ah. Try na lang natin.

"Nakita niyo na ba? Pano kayo nakakasiguro?" Curious masyado.

"Hindi pa eh. Sabi sabi lang yun." Sagot ni Grace. Sarap magface palm. Di pa pala nila nakikita eh, makapagsabi naman sila ng gwapo wagas. Abot langit na. Hay!

"Hay naku! Di niyo pa naman pala nakikita eh! Sigurado ako chaka itsura niyan! Wala paring tatalo ka NH noh!"

"Sino NH yan ha?! Lam na!" Tanung ni Grace . Slow naman.

"Niall Horan boba!" And add the batok. Perfect combo! Haha.

"Aray! Makabatok!" Belat ka! Haha. "Teka san na ba sila Cass at Bea?!"

"Bumili lang sandali." Sagot ko. "Ay guys may kailangan lang akong bilhin jan muna kayo ha! Dadalhin ko na rin book ko para magbasa." Sabay alis.

Ganun ako ka dork, pati paglalakad libro inaatupag lol. Bookworm eh! Magagawa natin?!

While walking pa-humhum pa ako. Nung malapit na ako sa bookstore namin bigla akong may nabanga. Patay!

"Ay sorry ha. Nagbabasa kasi ako kaya hindi ako nakatingin sorry talaga ha."

memories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon