Truth or Dare.

412 3 0
                                    





Rica's POV

Ambagal ng mga tao grabe. Like, wow ah. Sabi ko 9:30 eh 10:00 na. Yung totoo?! Lechugas na mga ka-barkada yan.

"Uy, Rica!" rinig kong sigaw ng tao. Malamang, Rica talaga!

"Anjan ka napala, Echo! Ay teka, bat late ka? Tska asan sila Emily?!"

"Ah, may sinundo, si Kylie. Sabay sabay na daw sila." sabi niya sabay kuha ng phone niya. May tinetext ata?

"Hoy, sino yan?! Ikaw Echo! May chix ka an noh? Yieee!" asar ko.

"Ewan ko sayo, Rica. I-order mo nga ako ng fries." Utos niya. Wow ah. Batukan kita jan eh.

"Lul. Umorder ka mag-isa."

"Gags, kitang tinetext ko na sila diba? Psh. Tamad mo talaga."

"Heler, pwede ko yung gawin mag-isa. Kaya kung ako sayo, kung gusto mo makakain ng McFries, bumaba ka at bumile. Leche."

"Hay, bahala ka na nga. Sayang naman effort namin sa birthday mo." bulong niya pero rinig ko naman, Echo talaga kahit kailan.

"Uy, ano yang effort effort na pinagsasabi mo? Kayo, baka kung ano gawin niyo sa ak-"

"Uh, hi Rica." Pagtingin ko dun sa nag-sasalita, si Jacob. Shet. Eto ba yung effort na sinasabi ni Echo?! Walanjo naman.

"H-hi Jacob. Anong gawa mo dito?" Tanong ko.

"Ah, wala lang. Kakain lang ako kaya eto. Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing upuaan eh." Pucha. Gwapo talaga. WAAHHH.

"Sige, kami palang naman ni Echo eh. Wala pa naman sila Hannah." Linapag niya yung tray niya sa tabi ko tapos kumain na siya.

"Rica, punta lang ako sa baba ah. Bibili lang ako ng pagkain, ano gusto mo?" Sabi niya with a smirk. 'Tong Echo na to! Papatayin ko talaga to.

"Burger nalang tska float. Eto pera ko o." sabi ko sabay abot ng 100. Habang inaabot ko yun, gliniglarean ko siya. Ang bad kasi eh. >.>

"Sige. Byee!" sabay alis. Nako, talagang nakakaines toh. Hmp.

"Bat ka nga pala nandito?" Tanong ni Jacob after a loooong awkward silence.

"Ah, wala. Dat kasi ililibre ko sila Echo. Kasi nga birthday ko sa Sunday. Kaya eto pupunta kami ng tambayan namin. Kaso ambabagal kumilos ng mga yun eh." tumawa naman siya. Shemay! Gwapo talaga.

"Well, Happy Birthday nalang."

"Thank you. Haha. Gusto mo sumama? Jan lang naman yung tambayan namin sa may bahay ko eh."

"Sure ka? Hindi ba parang epal ako sa barkada niyo nun?"

"Di naman. Tska, sigurado naman ako na papayag mga yun. Close ka naman samin diba?" Nag-nod siya. "So sasama ka na?"

"Sige." Tas bigla nalang sumulpot sina Emily.

"Lika na, Rica! Alis na tay- uy! Jacob andito ka pala?"

"Ah, oo. Ininvite nga ako ni Rica sa birthday niya eh."

"Ows? Haha. Lika na." sabi ni Hannah sabay hila.

"'Tong mga taong to. Patapusin niyo naman muna kumain. Walngya kayo ih noh?" Sabi ko.

"Hinde, okay lang, Rica. Aalis na ba tayo?" Tanong niya.

"Yeah." sabi tas umalis na kami.

***

"GUUUYS, boring na! Laro tayo." sabi ni Echo pagkatapos namin manuod ng movie.

"Aber, ano naman lalaroin natin?" sabi ko.

"TRUTH OR DARE!" sigaw ni Hannah at Kylie.

"Sige sige sige!" sabi ni Gillian sabay tingin sa akin. Fota. Pinagkakaisahan nila ako! -_________-

Umikot kami pa circle. Katabi ko dat si Hannah kaya lang bigla siyang nakipag-palit kay Jacob. Shet.

"Pipili na ako ah." babala ni Jerry habang nakatingin sa akin. Luh. "Jacob." Phew. Akala ko ako.

"Truth or Dare?" tanong ni Hannah.

"Truth." Hmm. Ano kaya tatanungin nila?

"Totoo bang meron kang iniibig sa batch naten, pero di mo masabi sa kanya?" derederstong sabi ni Kylie. Wow ah, pranka kung pranka. WAHAHAHA

"Totoo. Meron nga akong gusto kaso parang iba gusto niya eh." Ouch naman. Nakakapanlumo puta. Ewan ko ba. Hay naku Rica, crush lang yan. "Ako naman pipili diba?" tanong niya.

"Oo," sagot ni Jerry.

"Rica, truth or dare?" sabay tingin sa akin.

"Wow ah. Nakakagulat ka. Ah... truth."

"May gusto ka ba ngayon?"

"Meron kayalang kakasabi lang niya may gusto raw siyang iba." Sabi ko sa utak ko. Kaya lang nakita kong wide-eyed tska naka-nganga sila Kylie. "Shit. Nasabi ko ba yun ng malakas?!" nagpanic ako bigla.

Nag-nod silang lahat, including Jacob. Tatakbo na sana ako nung may humila sa kamay ko. Si Jacob.

"Let's talk. Privately. Please?"

Sinundan ko siya sa may terrace ng bahay.

"Siguro pagtatawanan mo ako noh?" sabi ko habang nakatingin sa baba. Silence. After a few minutes nagulat ako sa nangyari. Kiniss niya yung cheeks ko. "What was that for?" Tanuung ko.

"To let you know I like you too." sabi niya habang nakasmile

"Wew?"

"Akala ko kassi si Jerry gusto mo kaya ayun sagot ko kanina."

"SI JERRY?! Seriously?! Yung panget na yun? WAHAHAHA" Lakas ng tawa ko eh. "Bat naman si Jerry? Andami daming iba jan si Jerry pa talaga."

"Kasi ang close niyo eh."

"Well, at least okay na. Alam mo ng gusto kita."

"At alam mo rin na gustong gusto kita." sabay hug sa akin.



>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<

Ajujujuju. Odiba nakaproduce ako ng OS, ganda pa ng cover ko. Shizz gawa ko po yun. Proud pa ih. HEHE. Dedicated to Andi kasi sinabi ko sa kanya na gagawa ako ng OS pero iba tong ginawa ko eh. Kbye. Labyu, Andi!

memories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon