Spoken Poetry #1
"Umaasa"Alam ko na ang mundong ito ay puno ng paasa
ngunit bakit ba sayo'y ako'y umaasa?
tila'y natatanga pag ika'y nakikita
pero ang bibig nama'y walang maibuga pag ika'y nariyan naSa tuwing ako'y tititig sa iyong mga mata
tititig ka sakin na para bang meron akong pag-asa
hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat
ngunit sa rami ay aakalain mong siya'y karapatdapatBat nga ba ako umaasa?
dahil ba isa akong tanga?
na tilang ako nalang ang nagpupumilit
kahit hindi naman ako ang iyong piniliNang ilahad ko ang aking damdamin
hindi ko parin maintindihan ang iyong damdamin
sa sobrang gulo
hindi ko na alam kung saan tutungoIsa ka nga bang paasa?
o hindi ka lang sigurado sa iyong nadarama?
saan ba talaga ito patungo?
dapat ko na ba tong ihinto?Hindi ko na alam ang gagawin ko
ako ba'y mananatili sayo?
Ako ay patuloy na umaasa
kahit alam kong walang pagasaAasa ako kahit walang pagasa
dahil nga ako'y umaasa na magkaroon ako ng pagasa.-Yoms