Spoken Poetry #7
"BAKIT NAHULOG?"Teh, sis, ante, accla, lods, idol
yan ang tawagan natin sa isa't isa
iisa lang ang kahulugan nila
magkaibigan tayong dalawa.Nagbibiruan nang mga matatamis na salita
at para satin ay wala namang malisya
normal lang yon diba?
pero bakit binibigyang kahulugan nila?Lumipas ang ilang Buwan nating pagsasama
tila mayroong nadama
sa tuwing ika'y kasama'y tila natatanga
tila'y nahuhulog sa balon nang magisa.Nang Mapagtanto ko na ika'y aking gusto na
bigla nalang laging natatanga kapag kaharap ka na
wala nang maibuga ang bunganga
at nakatingin nalamang sayo sinta.'Di naman inaasahang mahuhulog sayo
ni hindi ko nga agad na napagtanto
parehas walang kamalay malay
di inasahang ikaw pala ang gustong masilayanNapakaraming Tao sa mundo ngunit sayo nahulog
Lagi kang iniisip ni hindi na nga makatulog
ngunit ako'y mag isang nahulog
sa hindi namalayang pagkakataon.Sinusubukan kong umahon
dahil ang pag-asa ko sayo'y hindi magkakaron
baka hindi ko kayaning umahon
kaya't maghihintay ako kahit pa ilang taon.Mahal kita
Gusto kita
Kailangan kita
Ikaw lamang ang mamahalin ko sinta.
-Yoms