Spoken Poetry #3
"PAG-AMIN"Sana'y di nalang umamin
nagaalala akong ika'y lumayo saakin
hindi na rapat pang nagpadala sa aking damdamin
baka ang ating pagkakaibigan ay masira rinHindi ko namang sinasadyang mahulog sayo
sa totoo'y hindi ko inaasang mangyari 'to
bigla na lamang nahulog sa iyo nang hindi ko napapansin
ngayon ay ako'y nagpapapansinSana'y ikinimkim ko nalang ang Damdamin ko
upang hindi tayo umabot sa ganto
hindi pa naman tayo umaabot sa ganon
ngunit huwag na nating ipanalangin na mangyari yonWala talaga sa plano kong mahulog sayo
hindi ko rin naman inaasahan to
pasensya kung nagkagusto ako sayo
hindi ko rin namalayan na nahulog na pala ako sayoMamahalin nalang kita nang palihim
sasabihin nalang ang mga lihim sa hangin
pipilitin nalang ang sarili na huwag ipahalata ang aking mga pagtingin
para hindi ka lumayo saakinSubukan natin sa susunod na habang buhay
baka tayo'y magkatuluyan
mamahalin ka hanggang sa dulo ng kamatayan
hihintayin ka hanggang kamatayan-Yoms