Spoken Poetry#09
"SINO BA AKO?"Lagi nalang napapatula sa kisame
Tinatanong ang sarile
Sino nga ba ako?
Tila'y hindi ko mapagtanto.Labintatlong taon nang nabubuhay
Ngunit hindi ko parin alam ang layunin ng aking pagkabuhay
Sino ako?
Ano bang layunin ko sa mundong ito?Nakarating sa tahanan subalit nasan ang aking susi?
Saan ko ba ito naitabi?
Pano makakauwi?
Paano mapipirmi?Hindi ko na kilala ang sarili ko
Sino nga ba ako?
Bakit ba tila'y hindi ko mapagtanto?
Nasan na nga ba ang sarili kong pagkatao?Nasa isang kadiliman
Hinahanap ang sarili sa kung saan man
Gusto ko nalang mahanap ang aking sarili
Pati na rin ang makuha ang aking susi.Hindi ko na kilala ang sarili ko
Nasang lupalop ba ako?
Nawawala ako
Tulungan niyo ako.