"IKOT"

6 0 0
                                    

Spoken Poetry #4
"IKOT"

Hindi na nga ba talaga ako nadala?
lagi nalang nagkakagusto sa taong wala akong pagasa
kailan ba ako matututo?
kailan ba ako hindi magiging uto uto?

Nagkagusto nanaman sa taong wala akong pagasa
nagpapakatanga naman ako ngayon dahil ako'y umaasa
ganon ba ako katanga?
at lagi nalang akong umaasa?

Sa tuwing magkakagusto sa tao
para bang sinumpa ako ng mundo
kung hindi sa straight, sa wala namang pagasa
napakagulo na ng buhay ko
gusto ko nang umuwi sa tahanan ko

Lagi nalang nauuto
hindi na talaga ako natuto
napaka tanga ko
kailan ba ako matututo?

Paulit ulit na nagkakagusto sa maling tao
iisiping sila na ang tamang tao
pero yun pala'y nang uuto lang sila
para mahulog ka sakanila

Sobrang gulo ng mundo, ng kapaligiran, ng buhay ko
gusto ko nang umuwi sa tahanan ko
gusto ko na umuwi sayo mahal ko
ngunit dapat matuto muna ako

Sinumpa ba ako ng mundo?
na tila'y lagi nalang akong nauuto
nahuhulog sa maling tao
nahuhulog sa taong may ibang gusto

Kung kani kanino nahuhulog
ni isa walang sumalo
siguro nga't kinakailangan ko na huminto
kesa naman kung san ako patungo tungo.

-Yoms

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon