"ANG LIHAM NA TINANGAY NG HANGIN"
SPOKEN POETRY #11
Mahilig akong magsulat
Dahil ang puso ko'y puno ng sugat
Saktan mo ko't magsusulat ako
Hindi ko hahayaang malunod ako sa damdaming to
Ang kamay ko ay puno ng paltos
Ang mga balat ko'y parang nalalapnos
Kapag ako'y iyong hinahaplos
Ang puso't pakiramdam ko ay puno na ng galos
Ang mga luha ko'y ubos
Dahil minahal kita nang lubos-lubos
Ang mga mata ko'y namamaga
at hindi parin ako makapaniwala
Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo
na "Mahal Kita"
At ang kailangan ko lang ay ikaw ay maging totoo
at ang sinagot mo sakin ay "Minahal Kita"
Para akong binagsakan mundo
At sinampal ng realidad ang buong pagkatao ko
Wala na siya
Wala na ang pinaka mamahal ko
Andaming Liham na sinulat ko
Ngunit hindi ko binigay sayo
Dahil sakin ay hindi ka na interesado
Hinayaan ko nalang ang hangin na tangayin to
Nagsulat ako
Nagsusulat ako
Magsusulat ako
kahit gano pa kahaba ang mga liham na to
Magsusulat ako
At kahit hindi mo na malaman to
Basta't magsusulat ako
Dahil hindi ko pwedeng patirahin lang to sa loob ko
Puno ako ng lungkot
At ang oras ay hindi ako kayang mahilot
Kaya't hinayaan ko ang hangin na tangayin ang mga liham ko
Dahil ang mga ito ay wala nang silbe sayo
Ako'y iniwan mo
At ako ngayo'y wala na para sayo
Hindi mo alam kung anong sinapit ko
Dahil sa mga oras na kailangan kita ay wala ka dito
Bumabaliktad ang mundo ko
At para akong sinusuko nito
Sabi mo nung una mahal mo ko
Pero bakit ngayo'y ako'y iniwan mo?
Ilang Liham pa ba ang kailangang isulat ng mga kamay kong to
Para malaman mo kung ano nga ba talaga ang sinapit ko
Sobrang bigat
Sobrang gulo
Puno ng luha ang mga unan ko
Nakakalito ko maipaliwanag ang sakit na sinapit ko
Ang mga hangin ay tinangay na ang mga liham at aking lihim
Hindi parin ako magising
sa katotohanang wala ka na sakin
Marami na akong naibulong sa hangin
Hinayaan ko
pero magsusulat parin ako
puno parin ng luha ang mga unan ko
Hindi na siguro ako magigising kasama ng pagtangay ng hangin sa mga liham ko
-Yoms