CHAPTER 4

285 8 4
                                    

Left alone

**

MAINE'S POV

"IKAW na ang bahala sa store, Maine," pagpapaalam na ni Mrs. Martel. Nandito na ulit ako sa convenience store kung saan ako nagtatrabaho at night shift ako ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung lalaking kamukha ni kuya Zeik kanina sa amusement park. Malakas ang kutob ko na si Kuya yun at gustong gusto ko syang makita ulit, makausap at mayakap.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagsasa ayos ng mga paninda ni Mrs. Martel. 11 pm na at kakaunti nalang ang dumadaang sasakyan.

Nang matapos ako sa pag aayos ay umupo na muna ako sa may counter at tumingin sa kawalan habang naghihintay ng customer.

[Unknown Number is calling...]

Napakunot ang noo ko nang biglang magring ang phone ko at hindi pamilyar na numero ang ipinapakita nito. Dinampot ko iyon at sinagot na rin dahil baka kakilala ko ito na humiram lamang ng ibang sim card.

"Hello?" Sambit ko ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Tiningnan ko ulit yung number sa pangalawang pagkakataon pero hindi talaga ito pamilyar sa akin. "Hello? Sino to?" Tinanong ko ulit ang kabilang linya pero malalim na paghinga lamang ang narinig ko.

Namamrank ba to? Wala ako sa mood makipaglokohan ha!

Ibinaba ko ang tawag at inis na lang na nagbukas ng piatos na nasa gilid ko lang. Hindi pa lumilipas ang minuto ay bigla ulit nagring ang phone.

"Hello? Sino ba to?! Bakit ka tumatawag?" Sunod sunod kong sambit as soon as na masagot ko ulit yung tawag nya. Pero katulad lang ng kanina, walang sumasagot at paghinga lamang ng tao sa kabilang linya ang naririnig ko. "Anong gagawin ko sa hininga mo? Wala akong oras makipagbiruan. Sino ka ba?" Dagdag ko pero may narinig na akong tugon this time.

He chuckled. 'He' kasi mukhang lalaki ang nasa kabilang linya. Ano bang kailangan neto?!

Pero infairness ha, ang pogi ng chuckle nya----este ang panget! Sino ba tong hinayupak na to?!

Ibinaba ko na ulit ang tawag at ipinagpatuloy ang kinakain ko. Pinaglalaruan ba ako nito?! Ano bang kailangan nya?!

"Saan kaya nya nakuha ang number ko?" Tanong ko sa hangin habang ngumunguya ng piatos. Sa hangin ako nagtanong kasi wala naman akong kasama kundi ang sarili ko lang.

Hinintay ko pa ng mga ilang minuto ang pagtawag ulit nung misteryosong numero pero hindi na ulit sya tumawag. Nagsawa na ata sa kasungitan ko.

Maya maya pa ay may dalawang lalaking pumasok sa loob ng store kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Yung unang pumasok ay mukhang nasa 50's na ang edad at mukhang nakainom pa dahil sa mapula nitong mukha at patumba tumbang lakad. Yung pangalawang pumasok naman ay naka black hoodie na jacket, naka-cap pa sya at nakablack mask kaya mas natakot ako sa kanya.

Jusko Lord, sana naman hindi holdaper to.

Maigi kong pinanood ang dalawang customer na pumasok at napakunot ako nang isa isang ibinabalik nung lalaking nakamask ang mga hinuhulog na paninda nung lasing na lalaki.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapili na rin ng bibilhin yung dalawa at pareho na silang nandito sa counter. "Salamat po," sambit ko at kumaway pa matapos magbayad nung lasing na lalaki.

Naglagay naman ng dalawang pakete ng sigarilyo yung lalaking nakamask. Agad ko naman yung clinick sa counter yung binili nya at ngiting ngiti ko iyong inabot.

Agad syang umalis matapos nyang kuhanin ang mga binili nya. Bago sya makalabas ng pinto ay nagsalita muna ako. "Sir!" Tumingin sya sa kaliwa nya na para bang tinitingnan nya ako at hinihintay ang sasabihin ko. "Salamat po. Ingat kayo sa pag uwi," sambit ko at kumaway pa sa kanya. Tumango naman sya at tuluyan nang lumabas ng store.

I feel bad that I thought he was scarier than that drunk man just because of his appearance. Nakalimutan kong 'Don't judge a book by its cover' nga pala. Jinudge ko kaagad na holdaper ang lalaking yun kahit hindi ko pa naman nakikita ang gagawin nya.

That saying was the first thing I said to Kuya Dk and Kuya Duane on my first day at their mansion. I miss them lalo na ang asaran namin ni kuya Dk.

MAKALIPAS na ang ilang oras ng shift ko ay lumabas muna ako ng store. Hindi ako lumayo at nandito lamang ako sa labas ng pintuan dahil masisisante ako kapag ginawa ko iyon.

"Ang lamig," sambit ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na lumapat sa balat ko.

Papasok na sana ako ng store nang bigla akong may matanaw sa kabilang side ng kalsada.

N-no way

"Kuya Gerome?" May lalaki sa kabilang side at nakangiti ito sa akin. "Kuya!" Nablangko ang isip ko at wala akong ibang inisip kundi ang tumakbo papunta sa kabilang side.

Si kuya iyon. Kitang kita ng mata ko. Si kuya Gerome iyon!

"MAINE!" Sa isang kislap ng mata ko ay may malalakas na bisig na ang nakapulupot sa akin at isang malakas na hangin ang humampas sa akin dahil sa eight wheeler truck na mabilis na dumaan sa aking harap na talagang sasalpok sa akin kung sakaling itinuloy ko ang pagtakbo sa gitna ng kalsada.

Nang tuluyan nang dumaan ang truck ay nakita kong wala na si kuya doon sa kung saan ko sya nakita na syang nagpakunot sa noo ko at nagparealize sa akin na muntik na akong mamatay kanina kung hindi dahil sa lalaking nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin ngayon.

"What the hell are you doing?" Sambit ng pamilyar na boses habang nakasubsob pa rin ito sa balikat ko. Amoy alak pa ito at para itong naiiyak na nagagalit dahil sa tono nito. "Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw," lalo nyang isiniksik ang mukha sa balikat ko. "iiwan ako."

"Kuya Zeik?" Gulat kong tanong nang maalala ko na ng tuluyan ang boses na iyon. Tama ang hinala ko?!

Itong ito rin ang boses ng lalaki kanina sa park. Alam na alam ko ang boses na iyon kaya alam ko ring hindi ako nagkamali na si kuya Zeik nga ang nasa loob ng mascot. Pero bakit itinanggi nya kanina tapos ngayon nagpakita sya? Bakit ba sya nagtatago sa akin?

"B-buhay ka?"

Galit ako. Sobrang galit ako. Gusto ko syang sigawan. Gusto ko syang saktan at ipamukha sa kanya kung gaano kasakit ang maiwan mag isa at isipin na patay na silang lahat, na mag isa nalang talaga ako. Pero hindi ko magawa at iyak nalang ang nagagawa ko.

Sobrang natutuwa rin ako pero galit ako at the same time na buhay pa sya.

"Forgive me," hindi pa rin nya inaalis ang mga bisig nya sa akin at mas lalo pa nya iyong hinigpitan. "I left you alone, I'm sorry."

To be continued...

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon