CHAPTER 2

265 6 3
                                    

Mascot

**

MAINE'S POV

BALISA akong naglalakad ngayon sa may gilid ng kalsada. Hindi ko alam ang gagawin. Lumilipad na ang isip ko sa kung saan at ang daming tanong ang tumatakbo rito na hindi ko masagot-sagot.

Hanggang ngayon ay hindi rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni manong driver tungkol sa mga bangkay ng kuya ko. Gusto kong magtanong ulit kay Doc Rica pero sigurado akong itatanggi at itatago lamang nya sa akin ang buong katotohanan.

Napaupo na lamang ako sa may bench. Nandito ako ngayon sa isang amusement park kung saan kami gumala ni Kuya Gerome noon. Naalala ko tuloy kung paano sya nagalit sa akin dahil lang nawala ako sa paningin nya ng ilang segundo.

"I really missed you all," walang kamalayan kong nasabi ang mga iyon at gusto na namang kumawala ng mg luha sa mga mata ko.

"Papicture po! Papicture po!"

"Wait po!"

Bigla na lamang may mga bata sa harapan ko. Nagkakagulo sila at parang tuwang tuwa. Nagtaka nalabg ako nang may Cornetto icecream sa harapan ko. Hawak hawak iyon ng isang taong naka-Teddy Bear Mascot. "T-thank you?" Hinawakan ko ang icecream na inaabot nya pero hindi pa rin nya iyon binibitawan. Nakaharap lamang sa akin ang mascot na para bang nakatitig sa akin ang taong nasa loob niyon.

Makalipas naman ang ilang segundo ay binitawan nya na rin iyon pero nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko. "A-anong---!"

Ano bang problema nito?

May kinuha syang marker sa bulsa nya at nagsimulang magsulat sa likod ng kamay ko. Nagsalubong ang kilay ko.

'Smile. You're too ugly when you're sad.'

"ABA TARAN---!" Nainis ako dahil sa mga sinulat nya pero bago pa ako makareact ay kaagad na syang umalis at nakipaghabulan sa mga bata.

Tarantadong mascot yon!

"Kuya papicture po!"

"Kuya gusto ko rin ng icecream!"

"Bakit si ate lang po binigyan nyo?"

"Ako rin po!"

Napatingin ako sa Cornetto icecream at napangiti nang makitang cookies and cream ang flavor nito. Nagkataon kasing favorite ko ang flavor na binigay ng mascot na iyon.

Habang kinakain ko ang icecream ay pinapanood ko lang silang magtakbuhan. Napapansin ko rin ang maya't mayang tingin at kaway sa akin nung mascot kaya nagtataka na ako at walang kamalayang napapangiti.

Is he trying to cheer me up?

Sa mga k-drama ko lang napapanood ang ganyang mascot at hindi ako makapaniwalang may ganun din pala kabait na tao sa totoong buhay.

Kung sino man ang taong nasa loob ng mascot na yun. Thank you. Sobra.

"KUYA!" napatingin naman ako sa biglang sumigaw. May isang batang babae na umiiyak sa gitna ng amusement park. Dalas dalas naman akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya.

"Are you okay?" Lumuhod ako para mapantayan ang height nya. "Nawawala ka ba? Nasaan ang mommy mo?" Tanong ko sa bata pero umiiyak lang sya ng umiiyak.

"W-where's my kuya?" Umiiyak nyang tanong sa akin na ikinatahimik ko.

"Nawawala rin ba ang kuya mo?" Tanong ko dito at tumango naman sya.

"Claire!" May boses bigla sa likuran ko at hinawi nya ako palayo sa bata. "Di ba sabi ko sayo huwag kang lalayo?! You're so stubborn!" Lalong umiyak yung bata dahil sa sigaw nya pero wala naman akong karapatang magsalita dahil nag alala lang naman ang kuya nya.

Buti pa ang batang iyon dahil alam nyang buhay ang kuya nya at malaki ang possibility na magkikita pa sila. Eh ako? Panghahawakan ko ba talaga ang kakarampot na posibilidad na buhay pa ang mga kapatid ko? Ang pamilya ko?

Nang papatayo na ako, dahil hanggang ngayon ay nakaluhod pa ako sa lupa, ay nakita ko na naman ang mascot at nakatayo sya sa harapan ko. Kumaway ito sa akin at mukhang umalis na ang mga batang kanina pang nakasunod sa kanya. May inabot naman sya akin ngayong payong at kaagad naman syang umalis nang tanggapin ko iyon.

Tumingin ako sa langit. "Mukhang uulan nga," sambit ko nang makita kong makulimlim ang mga ulap.

Binuksan ko ang payong at nakita kong pumasok yung mascot sa loob ng CR. Na-curious ako at sumunod sa kanya para na rin magpasalamat sa taong nasa loob ng mascot na iyon.

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan habang papalapit ako ng papalapit sa CR na iyon. Lumalakas ang tibok ng puso ko at labis kong ipinagtaka iyon.

Anong mayroon at sino ang tao sa loob ng mascot? Paulit ulit kong tanong sa isip ko.

Hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sa pintuan ng CR ay nabitawan ko ang payong sa labis na pagkabigla.

Sya? Sya ang tao sa loob ng mascot?

*
*
*
*

SOMEONE'S POV

"THIS is so hot, tss." I said after I removed the head of the big mascot I was wearing.

This is so tiring.

Ilang oras ko ring suot suot ang mascot na iyon. Kailangan ko pa din itong isauli sa tunay na may ari dahil hiniram ko lamang din naman ito.

She doesn't seem okay and I think I should do the right thing.

It's okay as long as she can't see me, right?

I'm desperate and I really want to approach her and this mascot is the only way I found for me to be able to do that. Hindi nya alam kung gaano ako nangungulila at kung gaano ako kadesperadong mayakap at makausap sya ulit. It's been six years and my feelings for her are still here. It didn't change and it grew even more because of my thirst for her voice and presence. I really missed her and it's tiring without her.

Basang basa ng pawis ang buhok ko pati na rin ang polo na suot suot ko dahil sa sobrang init sa loob ng mascot but its worth it.

Napangiti na lamang ako sa harap ng salamin. Namiss ko lalo na ang nakasimangot nyang mukha dahil sa naaasar sya.

Her smile. It's so relaxing to see her putting a smile on her face.

"You still make me crazy until now." Nababaliw kong banggit sa hangin.

Iniwan ko nalamang ang mascot sa loob ng CR at pinagpagan na ang sarili. Sinuot ko nalamang ang cap ko at lumabas na ng CR.

Natigilan ako nang may nakita akobg bumagsak na payong sa lupa.

It was Maine and she's standing in front of me.. shocked and speechless.

"Kuya," hindi ako nakapagsalita. I let my guard down at hindi ko naisip na maaaring hindi pa sya umaalis.

Tsk! I'm so stupid. Ang tanga ko!

"Maine," hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Kuya Zeik?"

End of Chapter 2
To be continued..

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon