PROLOGUE

432 6 4
                                    

MAINE'S POV

"MAINE!" Naalimpungatan ako nang makarinig na naman ako ng malakas na hiyaw. Si Mrs. Martel.

"Ano na naman itong reklamo na kulang ang sukli mo?! Hindi ka ba naturuan ng addition at subtraction sa paaralan? Napaka bobo!" Sunod-sunod na talak ni Mrs. Martel habang dinuduro ang ulo ko.

Impakta. Maubo ka sana.

"Ang simple simple pero---" Nanlaki ang mata ko nang para bang nalunok nya ang laway nya habang nagsasalita kaya sunod sunod syang umubo. Muntik na akong matawa pero hindi ko pinahalata.

Buti nga

"Dahan-dahan lang po," sabi ko sabay hagod sa likod nya.

"Tse! Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong sibakin kita!" Hinawi nya ng malakas ang kamay ko at nagwalk out. Napa irap nalang ako nang tumalikod na sya.

KASALUKUYAN akong nagtatrabaho ngayon sa isang convenience store malapit sa apartment na inuupahan ko. Limang araw na rin siguro akong walang sapat na tulog dahil sa night shift at pag oovertime ko. Tumigil na rin ako sa pag aaral dahil wala na rin naman akong choice. Kung gusto kong patuloy na mabuhay, kailangan kong magtrabaho at unahin ang tiyan ko.

Nakakalungkot mang isipin pero ang lahat lahat ng pag-aari ni daddy ay isa isa nang nawala dahil sa kinuha iyon ng mga kabusiness partner nya at ng mga nagsasabing may utang daw si daddy sa kanila.

Gusto ko namang lumaban pero anong laban ko sa mga yun? Wala na akong ni isang pamilya na nasa tabi ko.

Lahat sila iniwan na ako.

It's been 5 years. No, almost 6 years. Mag aanim na taon na simula nang malaman ko ang pinaka masamang balitang narinig ko sa buong buhay ko. Anim na taon na simula nang mabuhay akong mag isa sa mundo.

Tumingin ako sa relo ko. 10:58 PM.

Napangiti nalang ako nang may maalala akong isang bagay, "Tinatalakan mo na siguro ako ngayon kung sakaling nandito ka pa. Di ba, Kuya Gerome?" Para akong baliw na kinakausap ang hangin. Kahit nga 8 pm na wala pa ako sa bahay, mumurahin nya na ako kaagad.

Dumeretso ako sa kusina at tiningnan ang laman ng ref. Pambihira. "Walang laman?!"

Nagtaka ka pa. Naggrocery ka ba?!

Gutom na ko.

Lumabas ulit ako ng bahay kahit kakapasok ko pa lang para bumili sa pinaka malapit na seven eleven dito sa apartment. Pagkalabas ko ng building ay wala nang katao tao at kakaunti na lang ang dumadaan na sasakyan.

Isinantabi ko nalang ang takot ko alang-alang sa kumakalam kong sikmura.

Nang makapasok ako sa seven eleven ay pinili ko agad ang mga chips, delata, noodles at ilang softdrinks at yogurt. Hindi ko na masyadong dinamihan dahil kailangan kong magtipid.

"Ang lamig!" daing ko pagkalabas ko ng store. Hindi kasi ako nagjacket, naka t-shirt lamang ako at shorts dahil bibili lang naman ako dito, hindi mamamasyal.

Habang binubuklat ko ang mga pinamili ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba at pananaas ng balahibo. May mga lalaki sa hindi kalayuan at mukhang pinagbubulungan nila ako. Mukha silang mga Senior High School students dahil sa mga suot nilang vest na may logo pa ng school nila.

Anong oras na? Bakit may mga estudyante pa dito?

Nagkunwari nalang akong hindi ko sila nakita at itinuon na lang ang pansin sa daan.

"Hi po ate," para akong aatakihin sa lakas ng kaba ko nang bigla silang nagtayuan sa mga motor nila. Tatlo sila at alam kong wala akong laban kung may masama man silang binabalak.

Babalik sana ako sa seven eleven pero pagtalikod ko ay may dalawang lalaki pa doon.

N-nananaginip ba ako? Sa anim na taon ko dito, wala pang nangyayaring ganito.

"Umimik ka naman ate," bigla nyang hinaglit ang plastic bag na dala dala ko. Babawiin ko pa sana iyon pero hinawakan na ako ng dalawang lalaki sa likod ko.

"Akin yan, ibalik mo!" sigaw ko pero nagtawanan lamang sila.

Mga salbaheng bata!

"Charmaine F. Montefalco?" banggit nya nang buklatin nya ang wallet kong kinuha nya mula sa plastic bag. "Hi Miss Charmaine. Do you want something fun?" nanloloko nya pang sambit habang hinahawakan ang baba ko pero iniiwas ko kaagad ang mukha ko sa kamay nya.

Ibinulsa nya ang wallet ko at ipinatak sa lapag ang mga binili ko. "Bitbitin nyo na." Bigla akong nagpanic nang hawakan ako ng apat na lalaki.

What the hell?!

"Bitawan---Hmp!" binusalan nila ako ng panyo at binuhat papunta sa gubat na nasa tabi lamang ng kalsada.

Patuloy akong nagpumiglas at lumaglag na ang mga luha ko dahil sa takot sa kung ano man ang mangyayari sa akin sa kamay ng mga lalaking ito.

Inihiga nila ako sa damuhan at apat silang nakahawak sa akin kaya nahihirapan akong magpumiglas. "Shh. This is fun, I promise." sabi ng lalaki na tila leader nila.

Kinorner nya ang bewang ko sa pamamagitan ng pagluhod sa magkabilang side nito. Napapikit nalang ako nang magsimula itong magtanggal ng butones. Iyak ako ng iyak dahil sa hindi ako makapiglas sa apat na nakahawak sa akin.

Nagtaka ako nang biglang bumitaw ang isang lalaking nakahawak sa kanang paa ko. Iminulat ko ang mata ko at may isang lalaking nakablack hoodie at mask ang bumubugbog sa isang estudyante nagdala sa akin dito.

Kaagad kong sinipa at tinakbuhan ang lalaking nakadagan sakin nang makakita ako ng opening. Nagtago ako kaagad sa isang puno nang makalayo ako.

Nakita ko kung paano bugbugin ng lalaking dumating ang limang estudyante iyon.

Who is he?

Nang matapos sya sa ginagawa nya ay nagulat na lamang ako nang lumapit ito sa akin.

"S-salamat---! Aray!" napadaing ako ng hawakan nya ako sa magkabilang braso ng napaka higpit.

"Why are you fucking out at this hour?! Paano nalang kung hindi ako dumating?!"

A-ang boses na iyon!

"So fucking stupid,"

hindi ako puwedeng magkamali.

"Kuya---"

Biglang nagblack out ang paningin ko. Dahil siguro sa antok at gutom na nararamdaman ko ay hindi na kinayanan ng katawan ko.

Pero kahit na ganoon, hindi ako puwedeng magkamali. Hindi.

End of Prologue..

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon