Family Matter
**
Lace's P.O.V
"Si sir Zeik po ba? May pinuntahan po sila ni maam, Sir," the maid's head answered formally.
"Where?" I asked again.
"Wala pong nabanggit, sir."
Naupo nalang ako sa sala at kinuha ang remote para buksan ang TV habang ang mga maid naman ay nagkusa na at inabutan ako ng juice.
The memories keep relapsing in my head and its making me insane. Marihin akong napapikit.
Mababaliw na ako.
Dahil sa katahimikan at kawalan ko ng gawa, hindi ko maiwasan ang mag isip na naman kaya tumayo nalang ako aa sofa at nagtungo sa kuwarto ni Dk. Kinumpirma ko kung maayos pa ba ang kalagayan nya. Nababalot lamang ng tunog na ginagawa ng patient monitor ang buong kuwarto.
"Tss," inayos ko ang upo sa tabi ng kama ni Dk at masama syang tiningnan. Kailan ba magigising ang gagong to? "I still can't believe that we're in this situation." It's been six years at hindi pa rin ako maka move on. "Don't you dare follow them above, Dk." Para akong baliw na kinakausap si Dk na wala namang kakayahang sumagot pabalik.
Napabuntong hininga nalang ako at maya-maya ay nag-ring ang aking telepono kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa. "Zup? Balita?" It's Aid, my new agent.
["Wala pa boss."] Agad kong nasapo ang noo ko at napasimangot. Gusto kong sumigaw at magwala sa inis dahil sa narinig ko. Hanggang ngayon din ay nagtataka ako kung bakit sya ba ang napili ko sa dami ng ini-offer ni Zeik na taugan
"Did you call me just to say that you're a failure, Aid?" Naiinis kong sambit.
Seriously? Anong point ng tawag ng gagong to? Masama na ang araw ko araw-araw, mas pinasama nya pa.
["Pasensya boss. Pero may nakita kaming tauhan ni Kim, nakatakas nga lang,"] lalong nag igting ang panga ko.
Nakatakas?!
"Tsk. Any lead? May hula na ba kayo kung saan ang basement?"
["Mayroon na sir,"]
"Then count me in."
**
MAINE'S POV
Update, nandito pa rin sa impyerno.
Pagkatapos ng pakay ko sa comfort room ay lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay kumuha ako ng tissue paper at tinuyo ang mga kamay ko.
Gustuhin ko mang lumabas na ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga dahil sa mga titig at sa mga bulong na aking naririnig. I feel so out of place.
Kung ganito na ang nararamdaman ko, paano pa kaya si kuya Zeik?
Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin at tinitigan iyon. Pagkatapos ng ilang segundo ay nag-ayos ako ng buhok at marahan na sinampal ang dalawang pisngi.
Don't stress yourself out, Maine.
Lumabas ako ng CR at patungo na ulit sa event hall.
Huh?
Papasok pa lamang sana ako sa may pintuan nang may nakasalubong akong lalaking naka-party mask. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makasalubong ko ang presensya ng lalaking iyon.
Sinundan ko ng tingin ang likod nya habang naglalakad sya palayo. He's so familliar in a way I can't even explain.
Who the hell is that?
"Hi," napapitlag ako nang may masiglang kumalabit sa akin at bumati. It's Elle. "What are you doing here alone?" Friendly na tanong nito.
"Nag CR lang ako," sagot ko at ngumiti ako pagkatapos sabihin ang litanya ko.
Binalot kami ng katahimikan at nagtitigan lamang sa isa't isa pagkatapos ng litanya ko kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.
Wala ka bang sasabihin ha?
Humagikgik lamang sya at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng slacks nya. "I'm not really much of a talker so I apologized for the awkwardness. I can tell by just looking at your expression," nakangiti at natatawang sambit niya.
"Okay lang, ano ka ba." Ani ko at marahan na tumawa. Pero sa totoo lang, awkward nga. Hehe
"Well I mean, all I talk about is medicines and cures so no wonder they all got bored of me,"
"Medicines?"
"I'm a doctor," nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon. Wala namang nakakagulat, OA lang talaga ako mag react. "but if it isn't for Zeik I won't be able to achieve all this," kumunot ang noo ko. "Kung hindi sya lumayas, siya dapat ang nasa posisyon ko ngayon." Dagdag pa ni Elle.
"Lumayas?" Naguguluhan kong tanong. Lalo akong naiintriga sa nakaraan ni kuya Zeik habang nagtatagal ako sa lugar na ito.
All of them, I feel like they did something wrong that makes kuya run away from home. Ano bang nangyari noon?
"I shouldn't be the one telling this to you. Baka patayin ako ng kuya mo," sambit nito na tumatawa pa pero hindi ko magawa ang tumawa pabalik. "Alam ko ang pakay nyo kung bakit kayo naririto ngayon," hindi ako nagsasalita at nakatingin lamang ako ng deretso sa mga mata ng lalaking kausap ko. "Knowing my cousin, there's no way he'll come back in his own free will," napatingin ako kay kuya Zeik na mukhang may katawagan sa phone nya ngayon habang nakikinig ako kay Elle, "So there's no way he'll seek for his dad's help if it isn't for someone he loves." Tumango lamang ako. Sa tono ng pagsasalita nya ay mukhang wala syang kahit na anong tinatagong galit kay kuya Zeik at parang kilalang-kilala nya pa ito. "That's why I decided to help,"
"Ha?" Gulat kong naibalik ang tingin ko kay Elle. Tutulungan nya kami? Nabingi ba ako o sadyang tama ang narinig ko?
"Don't doubt my skills, Maine. I'm the best doctor at our hospital," kumindat pa ito bago naglakad palayo pero tumigil rin at nakangiting tumingin sa akin. "Let's talk again sometimes," at tuluyan na itong naglakad paalis.
Pinanood ko lamang ang likod ni Elle habang nakatulala.
Did we just achieved our goal? Mission accomplished na?
Kakaiba din ang lalaking yun pero salamat sa kanya.
Ngumiti ako at tumingin sa direksyon ni kuya Zeik. Nakatingin na sya sa akin kaya kumaway ako rito habang naglalakad palapit. "Kuya, pumayag---?"
"I know, Maine, hindi mo na kailangan pang sabihin." Seryosong putol ni kuya sa sasabihin ko. "Don't talk casually with strangers especially with people here," dagdag nito at pakiramdam ko ay natutusok ako sa talim ng mga titig nya sa akin. "You can't just trust someone you just met, you'll never know when they will stab you in the back,"
"But---"
Naputol ulit ang sasabihin ko nang makita kong lumapit sa amin ang matanda kanina na tinawag nila kuya na Dad. Nasa likuran na nya ngayon sina Elle, Zaired at iba pang lalaking hindi ako pamilyar. May matanda ding babae sa likuran na sobrang sama ng tingin kay kuya Zeik kaya naalerto ako.
Hindi maganda ang kutob ko.
"Now, let's talk about what we want in exchange for helping you, Zeik,"
To be continued..
BINABASA MO ANG
My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]
RomanceHe came back but to make them pay the price of killing his loved ones. How can I save him from himself?