CHAPTER 10

344 7 8
                                    

Another..?

**

THIRD PERSON'S POV

"WELCOME back, Boss," ani ng isang lalaki na sumalubong sa binata.

Kararating lamang nito isang linggo na ang nakalipas galing sa United States at tatlong taon rin ang tagal ng pagkawala nito pagkatapos ng isang insidente.

Naupo ang binata sa isang malambot na muwebles sa pinasukan niyang mansyon. Kaagad namang nagtipon-tipon ang mga kasambahay upang pagsilbihan ito. Ang ilan ay hinubad ang sapatos na suot nito at ang iba naman ay tinanggal ang suot nitong amerikano. Bawat galaw nila ay iniingat-ingatan nila upang hindi makagawa ng ingay dahil sa takot na mainis nila ang amo.

"Arguelles Medical?" Marahan na sambit ng binata. Tinutukoy nito ang isa sa mga tagumpay na 5 star hospital sa Pilipinas dahil sa angking galing, husay, at talino ng mga nagtatrabahong doktor doon. Kabilang sa mga doktor doon ay si Samuel Arguelles na nagkamit ng karangalan noong unang sabak pa lamang sa isang operasyon. Kilala ito bilang isa sa mga pinaka mahusay na doktor sa buong Pilipinas at ang pinaka mataas nyang karangalan ay nakamit niya nang siya rin ang pangunahing doktor na nagsagawa ng operasyon sa isa sa mga maharlikang pamilya sa Europe, dahil doon ay umikot sa buong mundo ang pangalan nito.

Kaagad namang lumapit ang isa sa mga nakaitim na lalaki at may iniabot na dalawang litrato sa binata. Ito ay litrato ng hospital at ni Samuel Arguelles na nakuhanan pa sa family reunion na naganap noong isang linggo. Makikitang may kausap na babae ang doktor sa litrato. Pinagmasdan ito ng binata ng ilang segundo na para bang naghihintay sa sasabihin ng lumapit na lalaki. "Kahapon pa inilipat si Keyden Montefalco, boss,"

Napakunot ang noo ng binata nang makilala niya ang babaeng kausap ng doktor. Napahigikhik ito habang mahigpit na nakahawak sa litrato. "I knew it," natatawang sambit nito. "I know it's Maine the moment I saw her face," dagdag nito nang maalala nya ang gabing dumalo din sya sa okasyong upang makipagnegosyo sa may ari ng Arguelles Medical. "She grew up so fast." Sambit nito habang nakangisi.

Bigla namang bumukas ang pinto at dere-deretsong pumasok ang isang lalaki. "You're back," sambit nito at naupo sa katabing muwebles.

"How many times do I have to tell you to knock?"

"My bad, my bad," natatawang sambit ng lalaking kakaupo lang. "So ano na? Keyden's within our reach now, gagawin na ba natin ang plano?"

"What do you mean?"

"May doktor akong kakilala sa hospital na iyon and I know her weakness, puwede natin siyang i-hire,"

"I don't want to kill Dk yet,"

"Paano kung maalala nya ang ginawa mo paggising nya at ikanta nya kaagad? You're dead,"

"I already died 6 years ago," tumingin ang binata sa litratong ipinatong niya sa lamesita, "and besides, we'll just let him be for a while,"

"Why? Ano ba talagang plano mo?"

"Let's just let them enjoy for a while," ngumisi ang binata at kinuha ang tsaa na iniaabot ng isang kasambahay.

"Then we'll attack?"

"Yeah, quietly." Humigop ang binata ng tsaa at ipinatong ang tasa sa lamesita. "I need all of them dead. That way, everything will belong only to me."

**

MAINE'S POV

GABING-gabi na at nag-hihigab akong lumabas ng kuwarto ko. Antok akong bumuntong hininga at umupo nalang sa couch, hindi rin kasi ako makatulog sa kuwarto kahit antok ako.

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon