CHAPTER 8

204 6 1
                                    

Family Gathering

**

MAINE'S POV

Yep, ang ganda dito.

Pero anong ginagawa namin sa hotel? Akala ko ba kakain lang kami?

"Good evening, Mr. Samuel Arguelles. It's my pleasure to meet you in person," Naguguluhan akong nakatingin kay kuya Zeik nang makipag-kamayan sya sa isang lalaking sumalubong sa amin nang pumasok kami sa isang event center sa loob ng hotel na mukhang luxury na luxury.

"The pleasure is mine, Mr. Montefalco." Magalang namang sambit nung Samuel na binati ni kuya kanina.

Nahiya ako sa pagka-yayamanin ng batian nila.

Matipuno at mas matangkad ng kaunti si Samuel kaysa kay kuya. Nakasuot ito ng blue suit and slacks at kung katulad ako ng mga babaeng baliw na baliw sa korean idols ay tiyak na matutunaw at mawawalan ako ng malay nang dahil sa mga ngiti pa lamang nito. Napaka stylist rin nya at mukhang kasing edad lamang nina kuya.

"So Zeik, who's that lady beside you?" Nalipat bigla ang tingin ni Samuel sa akin at ngumiti ito. Sa hitsura nito ay masasabi mong napaka bait nyang tao pero nasa loob ang kulo. Hindi sa judgemental ha.

"She's Maine and she's my," tumigil ng ilang segundo si kuya Zeik bago sya nagpatuloy sa pagsasalita, "..sister. She's the one I told you about earlier."

"Nice to finally meet you, Maine. I'm Samuel but you can just call me Elle. Iyan ang madalas na tawag nila sa akin." Masiglang sambit nito at inilahad ang kanyang kamay bilang senyas na gusto nitong makipag kamay sa akin.

Malapad naman akong ngumiti at kinamayan sya. Nagtaka ako nang kaunti nang mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin at deretsong-deretso ang mga tingin nito na akala mo'y hindi lamang ngayon ang una naming pagkikita. Umiling na lamang ako at ipinagsa-walang bahala ang mga ideya na iyon dahil baka nag-a-assume lamang ako.

"Let's go and eat?" Aya ni Samuel--este Elle sa amin at sinenyasan kami na sumunod sa kaniya.

Habang naglalakad ay napakapit ako sa braso ni kuya Zeik dahil ramdam kong may mga mata ang nakamasid sa aming dalawa. "Is there a problem?" At nagawa nya pa talagang magtanong?

"Kuya bakit hindi mo naman ako ininform na sa birthday party pala tayo kakain?" Bulong ko naman na parang naiinis.

Nakakahiya. Nakatingin sila sa amin na parang hindi kami invited.

Humalakhak ng mahina si kuya at sumimangot ako nang marinig ko iyon. "This is a family gathering, Charmaine." Ha? Nanlaki ang mata ko sa narinig.

Eh di hindi nga kami invited?! Kaya pala ang sama ng tingin nila sa amin.

"Anong ginagawa natin dito, kuya?" Naiinis kong tanong. Hindi naman ako inform na mahilig palang kumain tong si kuya Zeik sa event na hindi naman sya imbitado.

"Kuya!" Napapitlag ako nang may maliit na boses ang biglang sumigaw.

May naaninag ako mula sa malapit na tumatakbong babae palapit sa amin at bigla itong dumamba ng yakap kay kuya Zeik. "I missed you!" Sambit pa nito habang nakayakap.

"I missed you too, Red." Sambit ni kuya at hinalikan nya pa ang babae sa noo nito.

Napanguso naman ako dito sa isang tabi habang pinapanood sila. Bakit di nya ginagawa sakin iyon dati?

Oo na, nagseselos ako. Anong magagawa?

Wait

Kuya? Did she just call him kuya too?

Napakunot ako at napalitan ng naguguluhan ang aking ekspresyon.

This is a family gathering. Syempre mga miyembro lamang ng pamilya ang nandito at nandito kami ni kuya at may ibang babae ang tumawag ng kuya kay kuya.

Ibig sabihin mga kamag anak ito ni kuya Zeik?

"This is my cousin, Maine." Nalipat ang tingin ko kay kuya. "Elle too is my cousin."

"So they are.."

"Yes, they're my family."

Buong akala ko wala nang pamilya sina kuya kaya inampon sila ni Daddy. Turns out mayroon pa pala?

Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas ay nakaupo na kami sa isa sa mga table at kumakain. Tahimik at hindi na masyadong nagsasalita si kuya na siya namang ipinagtaka ko.

Watching him, I can feel that he's really uncomfortable.

"Are you okay, kuya?" Concerned naman na tanong ko. Marahan na tumingin sa akin si kuya at nagpakita ng ngiti. Sincere ang ngiti na iyon ngunit mapapansin rin ang kalungkutan sa mga mata nito.

"Yes," tipid na sagot nito.

Magsasalita pa lamang ako ay naistorbo ako ng isang dumating na lalaki na umupo sa katabing upuan ni kuya. "It's been a while, bro!" Masiglang bati nito sabay tapik sa balikat ni kuya. "How have you been?" Bro? Ibig sabihin kapatid sya ni kuya? Totoong kapatid?

Hindi umiimik si kuya at seryoso lamang sya sa pagkain. Nag-alala ako nang maramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa na para bang plastikan lamang ang nagaganap sa harapan ko.

"Kausapin naman mo ako, Zeik. Ang tagal mo ring hindi nagparamdam," dagdag pa nito pero hindi pa rin sya pinapansin ni kuya Zeik. "Nagtaka nga ako kung bakit inimbitahan ka pa ni Dad," napasimangot na ako nang sabihin nya ang mga litanya na iyon. Mukhang hindi maganda ang magiging resulta ng usapang ito. "Hindi ba't matagal ka na nyang binasura?" Natatawa pa ito.

Gigitna na sana ako sa kanilang dalawa pero may naunang lumapit sa kanila. Isa iyong matandang lalaki na mukhang nasa 70's na. May hawak-hawak itong tungkod at puno ng gintong singsing ang mga daliri. "Stop teasing your brother, Zaired." Sambit ng matanda.

"I'm not teasing him, Dad. I'm welcoming you, right Zeik?" Mayabang namang sagot nung Zaired at ngumiti ng nakakapikon kay kuya.

Napakunot naman ako nang makita ko ang marahan na pagtungo ni kuya Zeik sa matanda.

Hindi naman ata tama ang ginawa nya? Hinahayaan nya lang ang ginawang pang iinsulto ng gagong yun?!

"Good," sambit ng matanda at masama itong nakatingin kay kuya Zeik, "Don't ever start a fight here. Huwag mo nang sirain pa ang reputasyon ng pamilyang ito." Dagdag nito at naglakad na palayo.

Aba?

"Letseng matanda to ah," tatayo pa lamang sana ako mula sa upuan nang hawakan ni kuya Zeik ang kamay ko. Deretsong nakatingin sa akin si kuya na para bang nagmamakaawang huwag ko nang ituloy pa ang binabalak ko. "Pero kuya—"

"Maine please, sa gagawin mo, puwedeng mawala ng tuluyan si Dk." nawala ang kunot ko sa noo dahil sa sinabi at ekspresyon ni kuya na nakikita ko ngayon. I can tell that he's really worried and he doesn't like this situation either but it seems like he has no choice, for Dk. "He desperately need their help. Sa kalagayan nya, kailangan nya ng mas magaling na doktor and my Dad owns the hospital that is most capable of supporting his needs. We need him to keep Dk alive." Hindi ako nakasagot.

Kung nagmatigas ako, maari palang mawala samin si Dk.

"Look, I don't like this either. Begging this so called 'my family' is the last thing I want to do but I have no choice. Hindi ko rin inaasahang sa kanila pa ako lalapit para humingi ng tulong." Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni kuya sa kamay ko. "But it's okay. As long as It's for Dk, it's okay."

Napatungo na lamang ako.

To be continued...

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon