CHAPTER 3

261 6 3
                                    

Grief

**

MAINE'S POV

SA SOBRANG gulat at labis na sayang aking naramdaman ay hindi ko na napigilan ang umiyak at yumakap ng mahigpit kay kuya Zeik. Nagsimula na ring pumatak ang ulan pero hindi ko iyon pinansin.

Matagal ko tong hiniling. Anim na taon akong nangulila. Anim na taon akong nag iisa. Sya nga ito, hindi ako puwedeng magkamali! His voice. His gestures. He's him and I'm sure of it!

"Kuya Zeik! I-ikaw yan di ba? K-kuya---"
Bigla nyang inalis ang nakapulupot kong braso sa kanya at itinulak ako.

"Sorry, but do I know you?" Parang may malaking karayom na tumusok sa dibdib ko dahil sa narinig pero itinawa ko lamang iyon.

B-bakit naman hindi ako kilala ng sarili kong kuya?

"May amnesia ka ba? Is it because of the explosion, kuya Zeik?" Yumakap ulit ako at hinayaan ang mga mata ko na lumuha ng lumuha. "I, really, really, missed you,"

I know this is him. Alam kong si kuya Zeik ang yakap yakap ko ngayon.

Pero tulad ng ginawa nya kanina ay itinulak nya lang ulit ako. "Who are you?"

Tumawa lang ulit ako. "K-kuya naman. Pagkatapos mo kong bigyan ng icecream kanina ginaganito mo ko," naiiyak kong sambit.

"Oh that?" Nagsalubong ang kilay nya. "I just felt sorry for you earlier because you were pitiful to look at so I approached you. Don't get the wrong idea, Miss," natahimik ako dahil sa mga narinig. Para akong binaril sa puso dahil sa sobrang sakit ng mga sinabi nya. Nanghihina na rin pati ang mga tuhod ko.

Is he really him? Kuya Zeik would never talk to me like that. But every corner of his face tells me he's him. Ano ba talaga ang paniniwalaan ko?

"K-kuya naman---"

"Stop calling me like that. I don't remember having a sister," tumalikod na sya sa akin st naglakad ng dere-deretso. Naiwan akong nakatayo sa ulanan at hindi kumikibo.

"But I know it's you," doon na ako umiyak ng malakas. Napaupo nalang ako sa basang damuhan dahil sumuko na ang mga binti ko sa pagtayo.

Ang daming tanong ang umikot sa isip ko at hindi ko na malaman pa kung ano pa ang dapat na sagutin.

Why? Why?

Why are they like this?! Buhay ba talaga sila? Why are they hiding from me? Bakit itinanggi nila ako?

Malalaman ko naman kung hindi sila yun pero sinasabi talaga ng puso ko na si kuya Zeik ang taong yun. Hindi ako puwedeng magkamali. His eyes are telling me he's him.

ILANG oras rin akong umiyak sa amusement park bago ako pumunta sa hospital kung nasaan si Doc Rica. "DOC!" Hinanap ko sya sa lahat ng kuwarto doon pero hindi ko sya makita. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto kong maliwanagan. Gusto kong malaman ang totoo.

Why are they hiding the truth from me? Don't I deserve to know that? Gulong gulo na ako at desperado na kong malaman ang lahat.

"M-maine! Huwag kang mag-scandalo dito---"

"Iharap nyo sa akin si Doc Rica!" Nagsisisigaw na ako at pinagtitinginan ng mga pasyente pero wala akong pakialam.

"What the hell is your problem, Maine?!---"

"You! You are my problem!" Sinigawan ko talaga si Doc sa oras na dumating sya sa harapan ko. Wala na yung katiting na respeto ko sa kaniya dahil desperado na kong malaman ang totoo. "Nakita ko si Kuya Zeik kanina. Patay na ba sila?! Bakit mo sila itinatago?!"

"Calm down---"

"Hindi! Hindi ako kakalma hangga't hindi ko nalalaman ang totoo!"

"Itigil mo ng kasisigaw mo, Maine. Mahiya ka sa mga pasyente, may mga bata dito," napatingin ako sa paligid. May mga batang pasyente nga ang nanonood pati na rin mga sanggol na bitbit ng kanilang ina. "Let's talk at my office,"

*
*
*
*

ZEIK'S POV

"HOW is she?" I immediately greeted Doc with a question when I answered the call. I already knew the reason why he called me.

I knew that my excuse earlier wouldn't work and I also knew that she would immediately run to Doc Rica to find out the truth. Napatawa nalang ako. Ano ba kasing katangahan tong ginawa ko?

["Kumalma na sya at natutulog na dito sa hospital,"] she answered. Hindi na ako nagsalita ulit at hinintay nalang ang sunod pang sasabihin ng doctor. ["Paano ka ba nya nakita at bakit ka nagpakita kay Maine?"]

"Personal reasons," sambit ko.

["I told her that she might be hallucinating because she wants to see you so badly,"]

"Did she believe that?"

["Obviously, no. Hindi sya titigil hangga't hindi ka nya nakikita,"] Hindi ako nakapagsalita.

I feel bad for her at kung hindi lang dahil sa plano, matagal ko na syang pinuntahan noon at matagal na kaming magkasama. She would never have experienced being alone.

If he hadn't been so desperate to get revenge for everything that happened, Maine wouldn't have been alone.

"I told you to stop contacting that doctor, didn't I?" Napapitlag ako at nabitawan ko ang phone ko dahil sa parang kabuteng sumulpot sa likuran ko.

TSK. Kung ano man ang hindi nagbago sa kanya, yun ay ang pagiging kabute nya.

"You can't stop me from asking about her," nagmamatigas kong sabi pero seryoso pa rin ang mga mata nyang nakatingin sa akin. "Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya?"

"How many times do I have to tell you that its dangerous for her? Mabuti nang alam nyang patay na tayo,"

"But it's still dangerous for her when we're not around and you know that,"

"Alam mong wala akong oras na makipagmatigasan sayo, Zeik. Sumunod ka nalang sa sinasabi ko." Napipikon na nyang sabi.

"Who are you to tell me what to do, huh?" Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

I want to punch him so bad because I'm worried about him and I don't like what he does anymore. There is no trace of who he used to be, I don't even recognize him anymore or is he still the person I knew before? Nabulag sya ng poot at paghihiganti at kung hindi ko sya pipigilan, ano nalang ang mangyayari? Susunod sya sa kanilang lahat?

Anim na taon na rin akong nagtitiis sa kanya at anim na taon ko syang hinayaan dahil galit din ako at gusto kong maghiganti. Pero ngayong tanggap ko na ang lahat, panahon na rin para tanggapin nya na wala na talaga sila at wala na kaming magagawa pa doon.

Hindi na sya nagsalita pa sa halip ay tumalikod na sya sa akin at aalis na sana. "Hanggang kailan mo ba balak magtago?" Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin. His eyes are telling me to back off and you're dead if you keep on being stubborn.

Matalim lang syang nakatingin sa akin na ano mang oras ay parang kaya nya na rin akong patayin. "Until I kill them all,"

To be continued...

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon