CHAPTER 11

53 2 0
                                    

Conflicts


***

Zaired's POV

"Tito," narinig kong may bigla na lamang nagbukas ng pinto ng office ni Dad at dere-deretso s'yang pumasok. It's Elle.

As expected, alam kong hindi s'ya mananahimik after what Dad had decided during that stupid family reunion last week. Mukhang ngayon lang s'ya nagkalakas ng loob na magtanong kay Dad.

Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga sa office sofa ni Dad. Natatawa kong nginisihan at kinawayan si Elle na halatang hindi mapakali ang ekspresyon.

"Do you need something, Samuel?" Narinig kong tanong ni Dad pero hindi n'ya ibinaling ang tingin dito dahil abala ito sa mga papeles na binabasa n'ya.

Nanahimik muna si Elle ng ilang segundo bago nagsalita ulit, "Why did you ask Zeik to study medicine again?"

"Bakit, Cous? Takot ka kay Zeik? Don't worry, maraming taon pa ang dadaan bago ka n'ya malamangan," Natatawa kong sambit kaya bumaling ang tingin n'ya sa akin. Masama ang titig n'ya kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay at ngumisi.

"Shut up, Zaired." Naiinis n'yang banggit.

"Why? Totoo naman, ah? Nagmadali kang pumunta rito to ask Dad about him,"

"Do you have a problem with it, Elle?" Tanong ni Dad.

"W-wala naman, Tito. I'm just surprised," sabi ni Elle na ikinatawa ko.

He's really bad at acting.

Alam ko'ng sobrang nag-aalala s'ya na baka mapunta kay Zeik ang lahat-lahat ng pinaghirapan n'ya. He's been with Dad all his life, making him proud as much as he can at hindi n'ya ikatutuwa kung ang pagmana ng Arguelles Hospital ay mapupunta lamang kay Zeik na nagrebelde at nagpariwara noon just because he doesn't like to study medicine. He even got himself listed as one of the greatest doctors in the Philippines.

"Really? Gulat o natatakot ka?" Pang-aasar kong sambit. "Nakalimutan mo na bang pamangkin ka lang? Syempre kay Zeik mapupunta ang Hospital, he's the first child."

"Shut up, Zaired," nanlilisik ang mata n'yang nakatingin sa akin at lalo pa akong natawa nang makita kong nakaikom ang kamao n'ya na para bang nangangati na itong lumapat sa mukha ko.

"As for me, hindi ako doctor kaya malamang hindi sa akin mapupunta ang hospital." Dagdag ko at nangingiti ako sa tuwing nakikita ko ang pagbabago sa ekspresyon n'ya. "Mas may karapatan si kuya sa lahat kaysa sa'yo."

Ang sarap n'ya talagang asarin.

"I thought you hate him?"

Nawala ang ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang mga salitang iyon.

"Aren't you curious why he almost begged us just to transfer and perform a craniectomy on his brother?" Nabawian agad ako ng pota. "He's not even related to him by blood, unlike you na iniwan n'ya sa ere noon," dagdag pa nito at may pagngiti pa.

"Tsk," pake ko? Ano naman kung mas tinuturing n'yang kapatid yon?

"Huwag mo sa akin ibaling ang galit mo dahil lang nagseselos ka,"

"Me? Jealous?" I chuckled, "Shut the fvck up, Elle. I don't even know what that word means."

Parang may mali. Bakit ako ang napipikon imbes na s'ya? Ako ng namimikon dito ah.

My Brothers Are Obsessed With Me 2: The Payback [On HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon