3

19 2 0
                                    

Pagkatapos ko maghanap ng mga video para sa aming dance performance task sa P.E., nag online ako sa Facebook. Nakita ko ang mga myday ng nasa Row 3. Naka story sa kanila ang picture nila kanina sa labas kung saan nakita ko sila. Nag reply naman ako sa story ni John Lenard at habang nagchachat ako ay tawang tawa ako dahil naalala ko na sya nga pala ang tawa ng tawa kanina sa presentation nila.


You replied to John Lenard's story:
Hanggang ngayon natawa ka pa din kainaman na HAHAHAHAHA.


John Lenard: Akala ko kung sino nag chat HAHAHAHAH
:Ikaw lang pala HAHAHAHA


Hanggang sa nagtuloy tuloy ang aming usapan. Nag chikahan kami about sa mga buhay namin.


At dumating sa punto na naging close na kami sa isa't isa, sa chat at maging sa personal. Ka group ko din sya sa aming dance performance task sa P.E. kaya naman sa tuwing may practice kami ay palagi kami nagkikita.


Ang kanyang bahay ang pinaka malapit sa pinagpapraktisan ngunit palagi na lang sya ang late sa practice namin. Nagagalit naman ako bilang leader ng aming group dahil nga ang lapit na nga bahay nila, sya pa ang nahuhuli.


Palagi ko na syang nakakausap sa messenger. Halos buong buhay ko ata ay naikwento ko na sa kanya. Perp hindi ko akalain na magugulat na lang ako sa itinanong nya sa akin.


John Lenard: Sinong crush mo?

Elyzah Marie: Secret.

John Lenard: Yung tunay nga.

Elyzah Marie: Wala akong crush pero kung meron ikaw yun.

John Lenard: Wehhh?

Elyzah Marie: Seryoso ako hindi lang halata.

(John Lenard reacted 😆 to your message)

John Lenard: Crush din kita HAHAHAHA.

Elyzah Marie: All I ever wanted.


Hindi ko alam kung tunay ba itong mga pinagsasasabi namin o eme lang. Pero sa totoo lang ay naging crush ko sya noong grade 11 pa kami. Syempre napogian ako sa kanya kaso nga lang silahis sya. Mas malambot pa sya sa akin.


Umabot hanggang gabi ang pag uusap namin kaya naman may good night nang naganap.


Another Day...


Ngayon ay lunes na at may pasok na ulit kami sa tanghali pero nagpunta muna ako sa ENT clinic ng mga Cabrera para magpa check up dahil sa allergic rhinitis ko.


Okay naman daw ako at wala namang nakitang nakabara sa tainga ko. Kailangan ko lang daw na uminom ulit ng gamot na ibinigay nya.


Medyo nanghinayang din kami dahil ang mahal ng check up at gamot, okay lang naman pala ang allergic rhinitis ko. Sana pala ay nauna naming pina check up ang aking abnormal menstruation.


Pagkatapos ko magpa check up ay pumasok na ulit ako sa school namin. Nakita ako ng kaklase ko na si Steph Punzalan sa labas kaya agad nya akong tinawagan.


"Uy kumusta na ga? Ayos na ga ang menstruation mo?" Tanong nya sa akin.


Sumagot naman ako, "Hindi pa rin ako tinitigilan e halos mag 3 weeks na."


"Magpa check up ka na baka kung ano na iyan. Nagkaganyan din ang pinsan ko halos 1 month pa nga daw syang hindi tinigilan ng menstruation." Sabi nya.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now