16

4 1 0
                                    

Papunta ulit kami ngayon sa Lemery City para kuhanin ang result ng laboratory test. Pagkatapos ay pumunta na kami sa clinic upang magpa check up.


According to the interpretation of the doctor about the results of lab test, may hypothyroidism pa rin ako. I need to take medicine for a lifetime.


After namin magpa check up ay dumiretso na ulit ako sa school.


...


Nasa school na ulit kami ngayon. Wala namang klase, kaya wala kaming ibang ginawa kundi mag make up at magkulot ng buhok.


May earthquake drill pala kami mamaya. Hindi pa naman kami tapos sa pagkukulot ng buhok.


Earthquake Drill...


Nag duck muna kami, next is nag cover kami ng ulo, and then hold.


Lumabas kami sa room at bumaba sa hagdan. Pupunta kami ngayon sa malawak na lugar kung saan walang bagay na pwedeng bumagsak sa amin.


Medyo awkward dahil puro kulot ang aming mga buhok. Halos buong section namin ay naka kulot ang buhok. Nakatingin tuloy sa amin ang ibang strand.


Dayo pa rin kami ng pagtetake ng pictures habang ginaganap ang earthquake drill. Iba talaga ang section namin kahit saan talaga ganito ang ginagawa namin. Mabuti na lang at hindi kami namumura. Mababait daw kasi kami pero deep inside may tinatago kaming kalokohan. Eme lang.


Another day...


Nagchat sa gc namin si ma'am Mariz na ngayon daw ang deliberation ng honors at pirmahan ng card for the whole first semester. Kaya kailangan ulit naming pumunta sa school.


Pagdating ko sa school ay kakaunti pa ang mga students na nandito.


Makaraan ng ilang oras ay nagdatingan na rin ang iba kaya pumunta na kami ni Dad sa 2nd floor sa aming room.


Dumating na rin ang aming adviser. Pinamigay muna nya ang aming card bago nag deliberation.


Pang top 5 pa rin ako this whole first semester. Thankful ako kasi nasuklian lahat ng paghihirap namin sa buong semester na ito.


Monday...


Ngayon lang naibigay sa amin ang aming mga certificate. And after that, nag take kami ng pictures kasama ang lahat ng mga honors at si ma'am Mariz.


Pagkasend sa aming gc ng aming mga pictures ay ini myday naman namin ito sa Facebook.


...


May pasok na ulit kami ngayong araw. Habang kami ay walang klase ay nag isip kami ng pwede naming gawin na product para sa business plan.


May ipinapagawa rin sa amin na feasibility study. Ang gusto ng mga kaklase ko ay individual dahil mahihirapan kami kapag groupings at iilan lamang ang nagawa sa group. Sumang ayon na lang din ako sa gusto nila. Kaya kailangan ko ring umisip ng product para sa feasibility study.


Pagkatapos ng lahat ng ito ay pinagtipon tipon muna ang aming section dahil may iaannounce daw ang aming class president na si Chrisha Bella.


"Ok ABM makinig kayong lahat sa aking sasabihin."


Nakuha naman niya ang atensyon naming lahat.


"Magkakaroon daw tayo ng Senior Ball according to our SSG President na si Carl Aeron De Leon."


Nagsigawan naman agad ang aming mga kaklase dahil sa tuwa. Finally, makakaranas din kami ng ganitong klase ng event. Sana ay matuloy.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now