24

3 1 0
                                    

"Uuwi na ga tayo?" Tanong ni Princess Aly.


"Oo bakit?" Tugon ni Francisco.


"Tara gumala sa San Nicolas." Pagyayaya ni Princess Aly.


"Tara, maaga pa naman." Sabi ni Kate Jeanne.


"Ano? G ba kayo?" Tanong ni Princess Aly.


"Gege kaso baka hapunin tayo." Pag aalinlangan ni John Arvy.


"Ay sya tutuloy pa ga?" Tanong ko naman.


"Sige na saglit lang naman tayo." Pag aaya ni Francisco kay John Arvy.


Kaming 6 nina Princess Aly, John Lenard, John Arvy, Kate Jeanne, at Francisco ay pupunta ngayon sa baywalk ng San Nicolas.


Habang kami ay papunta doon ay parang may pag aalinlangan pa rin si John Arvy.


"Bakit ang bagal mag drive ni John Arvy?" Tanong ko kay Francisco.


"Kinakabahan lang iyan kaya ganyan." Sabi naman ni Francisco.


"Ano ga? Tutuloy ga tayo? Nagdidilim na ang langit." Tanong ni Princess Aly.


"Wag na kaya? Baka may checkpoint dyan." Kabadong sinabi ni John Arvy.


"Mamaya pa naman yan uulan. Keri pa yan. Tara na, bilisan na lang natin." Sabi ko.


Tumuloy na nga kami papuntang San Nicolas. After ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa Baywalk.


Mahangin dito ngayon. Syempre nasa tabing dagat eh.


Nag take kami ng pictures dito kahit sobrang hangin ay todo pa rin ang awrahan namin.


Pagkatapos nito ay pauwi na rin kami ngayon dahil gusto na umuwi ni John Arvy. Baka daw kasi mapagalitan sya dahil nakarating sya ng malayo na hindi alam ng family nya.


Pauwi na kami ngayon pero sa kabilang daan na dumaan sina John Arvy at Kate Jeanne dahil may bibilhin pa kami ni Francisco sa bayan.


Pagdating namin dito sa bayan ay bumili na rin kami ng lemon at gamot.


After that, nag online kami sa messenger at may natanggap naman akong message mula sa family ni John Arvy.


Jeffrey Enriquez: Pakisabi kay Arvy umuwi na sabi ng kanyang ina.


John Nicco Morales: Kasama nyo pa ang kuya Arvy?


Elyzah Marie: Hindi na.


Nagtanong na rin ako sa gc namin kung nasaan na kaya sina John Arvy at Kate Jeanne.


Group chat...


Elyzah Marie: Nasaan na kayo @John Arvy Morales at @Kate Jeanne Atienza?


Hindi pa rin sila nagrereply until now. Napansin naman namin na sumunod pala sa amin sina Princess Aly at John Lenard dito sa bayan. Pauwi na rin naman kami ngayon.


Dadaan naman kami ngayon sa bahay nina Kate Jeanne para tingnan kung nandoon pa si John Arvy. Sina Princess Aly at John Lenard naman ay nakauwi na sa bahay nila.


"Nandyan pa si John Arvy?"  Tanong ni Francisco.


"Wala na sila dito. Pinahatid ko na sya sa kapatid ko na si Kierra gamit ang motor namin." Tugon naman ni Kate Jeanne.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now