6

7 2 0
                                    

Wala kami masyadong klase ngayon kaya wala na kaming ibang ginawa kundi mag picture. Maraming beses kami nag picture ngayong araw. Halos 50 pictures ang aming na take ngayon. Nagpapicture din sa'kin si John Lenard ngunit mauutas na din kami sa pagtawa habang pinipicturan dahil shiniship kami ng mga kaklase namin.


Ngayong weekend naman ay busy kami sa pag aasikaso ng aming research. Nagsisimula na kami mag survey ng aming magiging mga respondents upang malaman namin kung ilan sa kanila ang bibigyan namin ng questionnaire.


Nandito kami sa kabilang barangay. Dito namin napagdesisyunan na mag survey dahil taga dito ang leader namin na si Chrisha Bella. Naglalakad kami ng mga ka group namin na sina Kristelle, Trisha Anna, at Renzell Ann. Kahit mainit ang panahon ay pinilit pa rin namin na libutin ang buong barangay na ito. Mabuti na lang at ang iba naming sinurvey ay pinag meryenda pa kami.


Hapon na kami nakatapos sa pagsusurvey dahil binilang pa namin ang naka tara sa notebook.


Sobrang dami pala ng aming respondents halos 200 mahigit. Kaya ang gagawin na lang namin ay gagamit kami ng Slovin's formula para mabawasan man lang ang aming respondents. Kaya naging 133 na lang ang mga ito. Nalaman din namin na aming group lang ang may pinaka madaming respondents.


Ginawa ko na din ang iba naming school works ngayong weekend. Natapos ko rin naman ito sa tamang oras.


Bago ako pumasok sa school, nag selfie muna ako ng anim na beses. At pagkatapos ay umalis na rin ako sa aming bahay, at papunta na sa school.
Ilang subject lang ang aming ni klase at umuwi na din kami.


Nag online ako sa Facebook. Ilang beses ko nakikita ang mga shared post ni John Lenard. Nagrereact naman ako sa kada post nito.


Hanggang sa nagulat ako dahil may nagmemention sa akin sa mga post ni John Lenard. Sina Chris Edward Marasigan at Rafael John Malabanan pala yun. Hindi ko inexpect na minemention na nila ako sa mga shared post ni John Lenard. Minemention din nila si John Lenard sa aking mga posts.


Kachat ko pa naman si John Lenard that time.


"Delete mo nga yung comment ni Chris Edward." Sabi nya sa akin.


Hindi ko naman dinedelete ang kanilang mga comments. Hinayaan ko na lang sila.


May pasok na ulit ngayon. Wala naman kaming ibang ginawa kundi magsulat ng notes. Ang iba naman sa aking mga kaklase ay may mga ka video call samantalang ako ay nagsusulat lang. Napa sana all na lang din ako kaya ang ginawa ko nag picture na lang din ako ng sarili ko. Nahagip naman sa picture ang aking kaklase na si Jomar.


Ngayong Sabado naman ay nagpunta kami sa kasalan. Nakita ko doon ang aking mga kaklase noong elementary pa lamang ako. Hindi na ata nila ako kilala pero tingin ako ng tingin sa kanila. Ang laki ng pinagbago nila.


Pumasok ulit ako sa school pero niyakag naman ako ng aking kaklase na pumunta sa palengke para magpa print. Nainip naman ako kaya nag take ako ng selfie. Napansin ko rin na medyo nawawala na ang mga pimples ko.


Another day, may pasok ulit. Pero nagpa check up muna ako. Sinabi ng doktora na according sa result ng transrectal, may PCOS daw ako. Need ko din daw na magpa laboratory test about sa aking endocrine system para malaman kung bakit ako nagkaroon ng PCOS.


Siguro next day na ako magpapa laboratory dahil baka ma late na ako.
Pero maaga naman ako nakarating sa school ngayon. Nakatagpo ko naman sa hagdan si Ciella na may hawak na cellphone.


Ang ginawa lang namin dito ay nagpicturan kami. Madami kaming na take na selfies at picture na nakaharap sa magandang view. Pero mas maganda naman si Ciella kaysa sa view.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now