7

11 2 0
                                    

Nakaraos na din sa first quarter. Ineenjoy ko na ang mga araw na wala pang pasok bago sumapit ang second quarter.


Akala ko hindi na talaga kami matutuloy papuntang Bulacan dahil sa bagyo. Buti na lang at natuloy kahit walang kuryente dito sa amin. Aalis tuloy kami na lowbat. Pero bago kami umalis ay uminom muna ako ng bonamine para hindi ako samaan ng lasa sa byahe. Sakay kasi kami sa pinaka hate kong sasakyan, ang van.


Medyo okay pa naman ang pakiramdam ko ngayon. Makaraan ng ilang minuto ay parang masama na ang lasa ko. Nasa Alitagtag pa lang kami ay napasuka na agad ako. Huminga ako ng malalim tas uminom ng tubig at naging okay din ako.


Ilang minuto ang nakalipas ay kumain na ng mga junk foods ang mga kasama ko. Binigyan nila ako at tinanggap ko naman. Kumain din ako pero hindi ko alam na masama pala ito sa sikmura ko. Maya maya ay napasuka na ulit ako.


Hindi na lang ako kumain. Tumitingin na lang ako sa magagandang tanawin sa labas. First time kong nakita ang Mt. Makiling na matatagpuan sa Laguna.


Kumakain pa rin sila hanggang ngayon. Tiniis ko na lang ang gutom hanggang sa makarating kami ng Manila.


Nagandahan ako sa mga building. Two years kaming hindi nakalabas kaya naninibago ako sa mga nakikita ko sa paligid. Napakaingay namin ng aking mga pinsan. Kaya makaraan ng ilang minuto ay napasuka na ulit ako.


After that, nanahimik na lang ulit ako. Tamang tingin lang at nag take ako ng mga pictures at videos ng mga magagandang buildings at mga establishments. Itinuro din sa amin ng aking tita ang building na kung saan doon nagtatrabaho ang mga Accountant. Alam kasi nila na gusto ko maging Certified Public Accountant soon. Sinabi din nila na balang araw magtatrabaho ako doon.


Ilang oras na lang ay malapit na kami makarating sa Bulacan. Doon na daw kami kakain para malapit na sa aming pupuntahan.


Finally, nandito na kami sa Bulacan. Itinuro din sa amin ng tito ko ang Philippine Arena. Sobrang lawak pala nun sa personal. Kahit malayo ay natanaw ko at parang nasukat ko na sobrang lawak nun. Hindi pa kasi ako nakakapunta doon kaya hindi ko yun ma imagine ng ayos.


Bumaba muna kami dito sa KFC at dito kami kumain. Umorder sila ng bucket of fried chicken with gravy, rice, tsaka drinks.


Bago kami kumain ay nag picture muna kami. After that, nag pray kami.


Medyo nanibago ako sa pagkain dahil first time ko lang kumain sa ganitong uri ng restaurant.


Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa labas at nag take ng pictures sa harap ng restaurant, tsaka bumalik na kami sa sinasakyan namin na van.


Malapit na kami sa aming pupuntahan. Pinilit ko na maging okay ang sarili ko para pagdating doon ay hindi masama ang aking pakiramdam.


The long wait is over, finally nandito na kami sa school ng JIL. Pumasok kami sa loob. Sobrang lawak pala nito.  Hindi namin alam kung saan kami titigil. Nagdire diretso kami hanggang sa makarating kami sa harap ng JIL Prayer Garden. Makaraan ng ilang saglit ay nag umpisa na ang religious gathering.


After ng praise and worship, umupo na kami, pero pinatayo ulit kami dahil doon na daw kami papupuntahin sa loob. Sobrang lamig pala. Akala ko sa 1st floor kami dadalhin, sa 3rd floor pala, sa court. Sobrang lawak din.


Dito kami nakaupo sa tabi malapit sa big screen. Habang nakikinig kami ng Word of God, nakita namin ang mga iba naming kasamahan na taga Batangas.


Nakita ko rin si Josiah Castillo na kaibigan ko. Kinulbit ko sya pero nagdire diretso na lang ako sa paglalakad. Pagbalik ko ay napansin nya na ako pala yung dumaan. Sumunod sya sa akin papunta sa lugar ng pwesto namin ng aking mga ka church mate.


Nagkausap kami ng matagal dito sa gilid. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na ang lakas ng ulan sa labas. Natanaw ko din ang umiilaw na letter ng Philippine Arena. Napakaganda talaga.


Noong tumila na sa labas, bumaba si Josiah dahil may bibilhin daw sya. Gusto sana namin sumunod ng mga pinsan ko na sina Francisco Del Mundo at Sarah Enriquez pero parang naligaw lang kami. Dito kami napapunta sa unahan ng pinaka main event. Tinanong tuloy kami ng mga Staff kung kami daw ba ay guest din dito. Napangiti na lang kami at bumalik kami sa taas.


Narealize namin na mali pala ang sinakyan naming elevator. Kaya chinat ko si Josiah na naligaw kami. Itinuro nya kung saang elevator kami sasakay. Natagpuan namin ang elevator sa kabilang side at dito kami sumakay.


Pagbaba namin ay tama na ang aming napuntahan dahil malapit sa pinaka main door.


Paglabas namin ay nakita namin si Josiah. Bumili kami ng aming pagkain at pagkatapos ay sabay kaming bumalik sa loob. Sumakay ulit kami sa  elevator.


Pagdating namin sa taas ay kumain muna kami ng aming mga binili habang nakikinig. At pagkatapos ay nagkatagpo na ulit kami ni Josiah sa gilid at nag usap.


Nagpapicture din ako sa kanya. Pero napansin ko na medyo matamlay sya dahil masama pala ang pakiramdam nya.


Napansin ko rin na lowbat na pala ang aking cellphone. Papahiramin sana ako ni Josiah ng powerbank at connector kaso Type C ang kanyang connector. Type A naman ang cellphone ko.


Tumahimik na lang muna ako at natigil ang aming pag uusap. Makaraan ng ilang minuto ay nag Victory Song na.


Kumakanta kaming lahat at masaya kaming sumasayaw para sa Diyos. Sobrang saya ng religious gathering na ito.


Pagkatapos ay dumayo na sa closing song pero para din syang victory dahil masaya ang tugtugan. Sumasayaw at kumakanta ang lahat at pinatay ang ilaw. Ini open namin ang aming flashlight at ito ang nagsisilbing ilaw.


May pa fireworks display din. Kitang kita namin dito ang fireworks dahil nasa 3rd floor kami. Sobrang saya. Unforgettable moment itong event na ito.


Pauwi na din kami ngayon. Pero bago kami umuwi ay nag goodbye at kumaway si Josiah sa akin. Nag chat din sya sa akin.


"Ingat kayo pauwi."


Nireplyan ko din sya ng ingat. Bumaba na kami at lumabas na kami sa Prayer Garden.


Bago kami umalis ay nag picture muna kaming lahat na magkakasama sa harap ng Prayer Garden.


After ng picture taking, tuluyan na kaming lumabas sa JIL. Hinahanap namin ang aming sasakyan dito sa labas pero ang dilim. Buti na lang at natagpuan ito ng isa naming kasama.


Nakasakay na kami sa van ngayon. Sobrang nakakapagod pero worth it. Marami kaming natutunan. Kahit na masama ang panahon ay walang nakapagpigil sa pag worship sa Diyos.


Habang nasa byahe na kami, narinig ko na sa shortcut na daw kami dadaan para makauwi agad. Buti naman. Medyo inaantok na ako pero pilit kong tinitingnan ang mga lights na nakikita ko sa mga buildings. Makaraan ng ilang minuto ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.


Pagkagising ko ay nandito na kami sa Laurel. Napakabilis naman. Katabi ng bayang ito ang bayan naming Agoncillo.


Ni check ko ang time, at halos mag 2 hours lang ang naibabyahe namin. Unlike before na 4 hours ang naibyahe namin mula Batangas hanggang Bulacan. Sadyang shortcut nga ang dinaanan namin.


Malapit na kami makauwi sa aming bahay. Nasa kabilang barangay na kami. Kauting tiis na lang at makakatulog din sa bahay. Hindi kasi naging maayos ang tulog ko sa van dahil nahihilo na naman ako.


Nasa barangay na namin kami. Inihatid muna namin ang iba naming kasamahan. Sunod ay kami naman ang inihatid. Pagkabaling naman ng van ay medyo nahilo ako dahil may kinukuha pa ako sa baba. Pinipigilan ko ang sarili ko na magsuka. Pagkababa namin sa van ay dali dali ako tumakbo papunta sa amin at doon na ako sumuka.


Pagkapasok ko sa bahay ay uminom na ako ng gamot. At natulog na din ako. Kinaumagahan ay medyo mabigat ang aking pakiramdam pero kinakaya ko pa naman.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now