Epilogue

9 1 0
                                    

"Ngayon naman ay masasaksihan na natin ang paggagawad ng diploma, medalya, at sertipiko."


Una munang tinawag ang mga lalaki, bago pa kaming mga babae. Halos lahat ata sa amin ay makakatanggap ng award. Sana ako din.


"Del Mundo, Elyzah Marie A. With High Honors. Conduct Awardee."


Pagka akyat ko sa stage ay nag bow muna ako kasabay ni Lovely. Kinamayan ako ng mga teachers and guests and then isinabit sa akin ni Dad ang dalawa kong medal na gold and silver. Hawak ko naman ngayon ang aking diploma. After that, nag bow ulit ako kasabay ni Princess D.


Hindi naman ako kinuhanan ng picture ng photographer. Siguro mamaya na lang kami magpapakuha ng pic dahil ang aking mga kasunod ay hindi rin daw nakuhanan ng picture. Pero atleast nakuhanan naman pala kami ni Ciella ng video kaya may remembrance.


Super proud ako sa achievements ng mga kaklase ko especially to my close friends here, my HOMIES.


...


A few moments later, pagsapit ng STEM 1201 ay inaabangan ko talaga si Chris Edward na umakyat sa stage. After ng ilang minutes ay sya na ang sunod.


"Marasigan, Chris Edward E. With Honors, Conduct Awardee, Perfect Attendance."


Pinalakpakan ko sya nang malakas. Proud na proud din ako sa mga achievements nya.


Pagkatapos grumaduate ng lahat ng mga estudyante ng bawat strand dito, pinatayo kaming lahat para sa Pledge of Loyalty to be lead by Yenjhel Platon.


"We, the Senior High School Graduates of Batch 2022-2023, hereby pledge to respect and embody the standards established by our Alma Mater, as well as fullfil the high expectations of our devoted parents, relatives, friends, mentors, and community. We commit to regard our Diploma as a Badge of Honor, and by the Covenant of Love and Truth, we pledge to uphold it pure at all times. We will uphold the intellectual ideas, spiritual and moral ideals that we acquired from our Alma Mater. So help us God."


Pagkatapos nito ay nakatayo pa rin kami.


"And now, we will witness the Senior High School Graduates who will perform their special number, Dreamers."


"Look who we are, we are the dreamers.
We make it happen 'cause we believe it.
Look who we are, we are the dreamers.
We make it happen 'cause we can see it."


Sa last part ng aming sayaw ay nasaksihan naming lahat ang napakagandang wave ng aming mga gora na sadya namang labis naming pinaghandaan.


Pagkatapos namin sumayaw ay kakantahin naman namin ang "Nanay ko, Tatay ko."


"Nanay ko tatay ko
Kayo ang tahanan
Tahanan ng pag-ibig na
Sadyang walang hanggan
Tatay ko nanay ko
Haligi at ilaw
Ng tahanan
Na may pagmamahal"


"Ang mga Lei ay hindi talaga para sa mga students kundi ito po ay para sa inyong mga parents." Sir Ken said.


Papunta kami ngayon sa aming mga parents. Habang kami ay naglalakad ay napansin ko na lumayo sa akin si Princess D at nakasabay ko naman ngayon sa paglalakad si Chris Edward. Wala naman sa plano na magkakasabay kami ngayon.


Pagkapunta ko kay Dad ay isinabit ko sa kanya ang aking Lei at niyakap ko sya. Ang iba naman ay nag iiyakan.


Pagkatapos ay pabalik na ako sa aking upuan. Hindi ko na naman akalain na makakasabay ko na naman si Chris Edward maging sa pagbalik. Nakakapagtaka na talaga ito.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now