30

7 1 0
                                    

Weekend...


Group Chat: ABM 1201 A.Y. 2022-2023

Ma'am Mariz: Mga anak agahan ninyo na lang ang pasok sa Monday ah.


Sana makapasok kami ng maaga sa Monday para makapag decorate kami ng ABM 1202. Magdadala rin kayo ng inyong product na pwedeng idisplay.


Nagpapahinga muna ako ngayong weekend. Wala na rin naman kaming ibang gawain ngayon. Mabuti na lang at may natira pa sa aming product kaya may madadala kami sa Monday.


Monday... it's Show Time...


Maaga akong pumasok ngayon dahil nagdidilim ang langit at ramdam kong uulan ng malakas. Pagkatungtong ko sa room ng ABM 1202 ay umulan na sa labas. Mabuti na lang at nakarating agad ako dito.


Nadatnan ko dito ang mga ABM 1202 na nagdedecorate. Tinulungan ko naman sila. Ako pa lang ang ABM 1201 na nandito. Ang tatagal ng aking mga kaklase.


Makaraan ng ilang oras ay nandito na rin sila, dala ang kanilang mga product.


Nagtulong tulong na kami sa pag aayos ng room. Sa kabilang side naman ay ang STEM 1201 ang nagdedecorate.


Naka ilang oras na kami bago kami nakatapos sa pagdedecorate.


Nagpapahinga muna kami ngayon habang hindi pa nag uumpisa ang program.


Mag 11am na at hindi pa rin nag uumpisa. Inip na inip na kami.


Habang naglalakad ako sa labas ay ilang beses kong nakikita si Chris Edward at parang umiiwas sya sa akin. Bakit kaya?


Pagpasok ko sa room ay nakita naman ako ni Kimmy Geta at niyakap nya ako. Nanonood naman kami dito ng mga Video Presentation ng STEM 1201. Yung iba naman ay mauutas na sa pagtawa. Nakita ko rin si Chris Edward na tumatawa at ang cute nya huhu.


Makaraan ng ilang saglit ay dumating na ang mga teachers at ang principal. Finally, mag uumpisa na rin. Dito pala sa room ng ABM 1202 gaganapin ang show time. Hindi tuloy magkasya ang lahat ng mga estudyante sa sobrang dami.


Kumanta muna kami ng national anthem, and then nag pray.


After that, nagsalita na ang aming Principal.


Pagkatapos nya magsalita ay nag present na kami ng aming mga product. May mga judges na gumagala at tinitingnan nila ang aming mga decorations at tinikman din nila ang aming mga product. Halos mauubos na ang mga naka display na product sa sobrang sasarap nito.


Sa kabilang room naman ay nandoon ang decorations at products ng TVL at HUMSS. Pinuntahan din namin ito at tinikman din ang products nila.


Bumalik naman ulit kami sa room ng ABM 1202 para tingnan ang presentation ng STEM 1201. Ang gagaling nila mag present at ang lawak ng idea nila.


Nandito ako ngayon sa sulok at katabi ko ang aming table maging ang business woman na gawa sa styrofoam. Humangin ng medyo malakas at muntik na itong matumba pero mabuti na lang at nasalo ko. Napatingin naman sa akin si Chris Edward at napatawa sya. Napatawa na rin ako. Medyo hindi kami awkward that time pero nung lumipat ang camera ay lumipat na rin ako malapit sa kinatatayuan nya.


After that, uuwi na sana kami kaso maglilinis pa sila ng room. Uuwi na rin ata sina Chris Edward.


Nag online muna ako ngayon sa messenger.


Chats...

Kate Jeanne: Sismars nandyan pa kayo sa school?

Elyzah Marie: Oo punta ka dito habang hindi pa kami nakakauwi.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now