20

5 1 0
                                    

April 11... [Best Friends Until The Next Life]


Naalala ko naman ngayon na death anniversary nga pala ng aming kaklase na best friend ko na si John Palicpic. I can't still move on about what happened to him last year. I missed him so much. Hindi ko man lang madalaw ang puntod nya.


Next day...


After 3 days, dumating na rin ang aming inorder na paracord. Nanonood ako sa YouTube ng tutorial on how to make macrame bracelet at nag try akong gumawa ng bracelet. Napakaganda ng kinalabasan.


Nagchat naman ako kay Kristelle about dito. Nagchat rin sya na dumating na ang inorder nya na beads.


"Bebe ang liliit ng dumating na beads." Sabi ni Kristelle.


"Eh? Tunay?" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya.


"Oo sobrang liliit pala nito. Akala pa naman natin ay malaki dahil malalaki ang nasa picture." Sabi nya.


Paano kaya ang gagawin namin? Parang nakakatakot na umorder sa online. Hindi naman namin agad nalaman na maliliit pala ito. Wala sa expectations namin.


"Akin na lang ito. Hindi ko pa papabayaran sa inyo." Sabi pa nya.


"Sure ka? Sayang kasi." Sabi ko.


"Oo bahala na." Sabi nya sa akin.


Siguro naman magagamit din namin ang mga ito sa ibang paraan.


Sunod ko namang ini order ang nylon cord. Ang inorder ko ay color brown, black, and army green. Pina order ko kay Kristelle ang color pink and purple. A total of 5 nylon cords ang aming inorder.


After 5 days ay dumating na rin ito. Maayos naman sya at sobrang kapal pa ng cord. Marami kaming magagawang macrame bracelet dito.


Kinabukasan naman ay may pasok na ulot sa school kaya ginawa ko na ang aking mga school works.


Another day...


Nandito na ulit kami sa school. Wala naman masyadong klase. Nagkukumpleto lang ng activity ang iba kong mga kaklase dahil kailangan na ang nga ito na ipasa bago mag 3rd periodical examination.


Nag take naman kami ng selfies with my homies na sina Princess D, Kate Jeanne, Francisco. Si John Arvy namn ay natutulog pero nahagip sya sa picture. Sayang, si Ciella na lang ang kulang. Sa ibang school na kasi sya pumapasok. Pero may communication pa rin naman kami.


Nagpicture naman kami ni Princess D at isinali namin si Emman habang sya ay natutulog. Nahagip din naman sa picture ang aking seatmate na si Queenay.


Pumasok naman sa aming room si ma'am Ellen at may ipapagawa dw sya sa amin.


"Mga bunso, kayo ay gagawa ng interview. Mag iinterview kayo ng 2 elders at 1 young person about sa ating topic na kultural na paniniwala at kaugalian na pinapahalagahan ng mga nakatatanda."


"Sige po ma'am." Sabi namin.


Friday...


May pasok na ulit kami ngayon sa school kaya naman gumising ako ng maaga para gawin ang mga natira kong activities na hindi ko pa natatapos.


After that, naligo na ako at nagbihis. Papunta na rin ako sa school, sakay sa motor.


Pagdating ko sa school ay pumunta na rin ako sa aming room.


My SHS Journey As An ABM Student Where stories live. Discover now