008 : ULAN

24 1 0
                                    

𝐔𝐋𝐀𝐍

Kailan ko pa nagustuhan ang ulan?
Sabi nila'y lungkot ang tag-ulan
Bawat patak ng ulan ay parang luha ng taong nasasaktan
Pero bakit ganito aking nararamdaman?
Sa tuwing umuulan, ikaw ang aking gustong masilayan?
Marahil, dahil ikaw ay aking naging silungan.
Noong mundo ko'y hindi ko maintindihan
Ikaw ang nagsilbing aking sandigan

Ngayo'y patuloy ang pagpatak ng ulan,
Habang nakatingin sa 'yong kagandagan
"Ang swerte ko't ikaw ang naging tahanan"
Mga salitang paulit-ulit at walang hangganan
Sa bawat pagpatak ng ulan, ito'y nagbibigay sa 'kin ng kasiyahan
Sa halip na kalungkutan, para sa 'kin at alaalan kaila may di malilimutan
Sapagkat ulan ang naging saksi't naging daan
Upang pag-iibiga'y maisakatuparan kahit sa gitna ng digmaan.

Sa gitna ng pagbuhos ng ulan,
Tayong dalawa'y nagsumpaan
"Mamahalin ka ng walang hangganan",
Sumpaan natin sa gitna ng ulan.
Walang lungkot na dala ang ating ulan
Ito'y nagbigay sa 'kin ng bagong tahanan
Kahit sa gitna pa ng ulan
Naging posible ang pagmamahalang walang hanggan
Dahil sa ulan,
Ika'y naging parte ng aking buhay.

***

10-08-2022

✍:Unpredictable_colors
💙:This poem is dedicated to my special someone.

Love and Life || A PoetryWhere stories live. Discover now