009 : BITUIN

23 1 0
                                    

Iniisip kung paano ako nagsimula
Sa pagtingala sa tala
Tinatanong kung saan ako nag-umpisa
Sa paghanga sa magagandang tala
Na sa gabi'y nagsisilbing punas ng luha
Paghanga sayo'y di ko na malathala
Sapagkat ika'y mistulang reyna
Kumikinang sa gabi, mahirap makuha
Kaya't sa lupa, ako'y lumuluha

Kumikinang ang libo-libong bituin
Di mawari bakit sa liwanag mo ako nakatingin
Na tila ba ikaw ay isa sa mga bituin
Na gabi-gabi kong hinihiling
Makulimlim man ang gabi
Sa iyong liwanag, ako'y napapangiti

Binibilang ang mga bituing kumikinang
Ngunit pag-isip sayo'y di ko na mabilang
Inaabangan ang paglabas ng iyong liwanag
Na sa aking gabi'y nagpapatinag
Ilang taong sa bituin ako humiling
Ngayon, isa ka na sa aking hiling.

Ngunit, sa gabi lamang kita naaninag
Walang bituing nakikita sa umaga
Ganun pa man, asahan mong hihintayin kita
Aabangan ang gabi upang makita ka
Hahanapin ang solusyon sa problema
Sa 'yong liwanag, nais kong magpahinga.

***

Date created : November 28,2022
_

Sky: bakit ganito poems ko noon? Saan napunta ang pagiging romantic era ko? Bakit ang bitter ko na ngayon? 😭

Anyway, this poem is edited and was dedicated to someone special to me. If only she can read this, she'll probably recognize this one.

Love and Life || A PoetryWhere stories live. Discover now