Chapter 23

693 17 2
                                    

Noong medyo nawala na yung araw ay napag pasyahan na namin ni Callum na mag swimming. Mas madaming tao ngayon kaysa kanina.

Halos lahat ng babae dito sa beach ay naka tingin kay Callum na parang hinuhubaran sya. Ito naman kasama ko ay wala lang paki alam.

"Ang dami mong fans." bulong ko sa kanya saka pasimpleng tinuro ang mga babae.

"Don't mind them, hanggang tingin lang naman sila."

Syempre may asawa kana eh. Ganun din naman ako, hanggang tingin lang, char.

Hinubad ko muna ang roba ko bago lumusong sa tubig. Dinig ko pa ang pagsipol ng mga kalalakihan.

Mg lalaki nga naman.

Napaigtad ako ng may yumakap mula sa likuran ko. Hindi ko na tatanungin kung sino yun alam ko naman kung sino sya dahil base na din sa amoy nya.

"Ano ba bitiwan mo ako lalangoy ako."

Pilit kong tinanatanggal ang kamay nya pero sa tuwing matatanggal yung isa ay hihigpit yung isa.

"Let's swim together."

Taka ko naman syang tiningnan. Medyo nahilo pa ako ng kaunti dahil hindi ko sya makita ng maayos.

Lumutang ako sa tubig ng buhatin nya ako paharap sa kanya.

Swim together nga. Nakayakap ako sa kanya dahil takot ako sa tubig.

Ni hindi ako marunong lumangoy. Ang balak ko lang kanina ay umupo sa malapit sa tubig at hayaan ang alon na hampasin ang katawan ko.

Humigpit ang kapit ko sa kanya ng malalim na parte na ito.

"Are you scared?" he ask.

"H-hindi ah, bakit naman ako matatakot?"

"I can feel your legs they're trembling, don't worry hindi naman kita papabayaan."

Isa kang dakilang paasa.

Hindi nga nya ako binitawan. Pinasuot nya ako ng googles dahil lalangoy sya. Medyo natakot ako kaya tumanggi ako pero noong makita ko ang ilalim ng tubig ay nawala ang takot ko. Ang ganda, malinaw kong nakikita ang mga isdang nag lalangoy.

Pagkadating namin sa rest house ay pagod na pagod ang katawan ko. Tinuruan nya kasi ako lumangoy hindi iyon naging madali dahil ilang beses akong naka lunok ng tubig pero worth it naman dahil marunong na akong lumangoy.

Sa pool nila hindi ako takot lumangoy dahil mababaw lang yun. Isa pa kalmado lang ang tubig sa pool hindi gaya ng sa dagat.

Naka pang hihinayang dahil uuwi na kami bukas. May emergency daw.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil mag eempake pa ako ng damit. Actually wala naman akong dalang damit, halos lahat ito ay binili ni Callum.

Hindi ko alam na sasakay pala ng eroplano, bakit hindi ko iyon alam dahil ba sa himbing noon ng tulog ko?

Iniwan pala nya yung sasakyan nya.

Naiwan akong mag isa sa loob ng mansyon dahil inihatid lang ako ni Callum pagkatapos ay umalis na sya.

Natulog muna ako dahil pagod ako dahil sa byahe.

"Hi tita Yesha."

Napatili ako ng makita ko si Leigh.

Niyakap ko kaagad ito. Hindi ko alam na sa sofa pala ako natulog.

Nakita ko si Callum na naka tingin kay Calleigh pero may nakita akong isang di pamilyar na babae sa tabi nya.

"This is my gift for you Tita Yesha."

Nabalik ulit ang tingin ko kay Leigh ng mag salita sya. Inabot nya sa akin ang paper bag na hawak nya. Damit iyon at mga chocolate.

"This is for Rein too."

Ipinakita nya sa akin ang isa pang paper bag.

Naiwan kaming dalawa ni Leigh ng umalis si Callum kasama yung babae.

Sya siguro yung Asawa ni Callum. Hindi ko maiwasan makaramdam ng selos.

Anong karapatan ko naman para makaramdam nun isa lang naman akong babysitter ni Leigh wala ng iba pa.

Hindi na ako nag pilit ng yayain ako ni Calleigh sa kwarto nya. Ang dami nyang ikinwento sa akin. Sa kanya ko din nalaman na Thalia ang pangalan noong babae.

"My mommy is the best mom in the world." masaya nyang sabi.

"Yeah, because all mom are the best."

"I know tita but my mom is different she's the best in the world."

Yeah i know baby. You should proud of your mom.

Dahil nandito na ang mommy ni Leigh hindi na siguro ako kailangan dito.

Mag re-resign na ako bukas na bukas. Mas mabuti na din iyon para maka limutan ko yung nararamdaman ko kay Callum.

Inaya ko na si Calleigh bumaba para kumain. Pero parang napako ako sa kinatatayuan ko ng makita kong nag hahalikan si Callum at Thalia.

Nagulat siguro si Calleigh dahil tumili ito.

"Lower your voice baka maistorbo natin sila." sabi ko sa kanya kahit parang gusto kong umiyak.

Ang bilis naman mag bago. Parang kanina lang masaya ako ngayon parang gugunaw. Mukhang nagulat naman sila ng makita kami.

Tumakbo pabalik sa kwarto nya si Calleigh kaya sinundan ko ito. Ni hindi ko na nilingon sila. Bahala sila kung ano man ang gawin nila wala na akong pakialam.

"Bakit ka tumakbo delikado iyon, paano kung natalisod ka tapos nahulog ka sa hagdan?"

"I'm sorry tita Yesha i won't do it again."

"Pinag-alala mo ako ng husto, h'wag mo na ulit gagawin iyon."

"Yes po, i promise."

Nandito kami sa hapagkainan naka upo sa kandungan ko si Calleigh habang sinusubuan ko mabuti na lang at napapayag ko syang kumain.

Nakakainis tinganan yung nasaharapan ko. Naghahalikan ba naman sa harap ng bata.

"Leigh do you want sa room mo na lang tayo kumain?" i ask.

Nakatingin lang ito ng masama sa dalawang nag lalampungan na para bang walang tao sa harapan nila.

"Subuan mo ako love." sabi nung thalia.

Bakit wala kang kamay?

Sinubuan naman sya ni Callum pero hinalikan nya ito at kinain yung pinasubo nya.

"Tita i lost my appetite na po." sabi ni Calleigh at umalis.

"Tito Cleone." sigaw ni Calleigh ng makita ang isang lalaki.

Nagyakapan ang dalawa kaya na out of place ako pero hinila ako ni Calleigh kaya parang nakayakap na din sa akin yung Cleone.

"Ang tagal mo na pong hindi bumibisita dito."

"I'm sorry baby, busy lang kasi si Tito."

Napatingin naman sa akin yung Cleone halatang gulat ng makita ako.

Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED) Where stories live. Discover now