Chapter 19

682 16 1
                                    

Napalunok naman ako dahil sa sinaabi nya. Malamang lulunukin ko alangan naman i stay ko sa bibig ko.

Paki alam ko naman kung makapatay sya. Sya din naman ang makukulong hindi naman ako. Saka about sa sweldo ko si Tita Celestine na siguro ang bahala doon.

Tinuloy ko ang pagkain ko pero nahihirapan akong lumunok dahit titig na titig sa akin si Callum. Kung nakakatunaw lang yung titig nya malamang kanina pa ako natunaw.

Nakakailang.

"Anong problema mo bat mo ako tinititigan."

Hindi ko na matiis.

"Nothing. Your just beautiful that's why im staring at you."

Hindi ba sya aware na nakaka takot yung pag titig nya?

"Sabi nila masama ang tumitig ng tao."

Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"So? I don't care."

Shuta. I don't care?

"Bat ba english ka ng english eh nasa pilipinas naman tayo."

Nakakainis kulang na lang ma nose bleed na ako dito.

"I'm sorry i just can't help it. Nasanay kasi ako sa english. But if you want me to speak tagalog i will try."

Tsk.

"H'wag mong subukan gawin mo." mataray kong sabi.

"Yes Madam."

Tsk.

"Anyway can i ask you?"

Tanong na yan eh.

"Nagtatanong kana."

"I mean pwede ba kitang yayain mamaya?"

Date?

"Aayain mo ako mag date?"

Syempre dapat sigurado baka mapahiya lang ako.

"Yeah parang ganun tutal wala naman tayong ginagawa."

Agree. Buong maghapon ay nasa bahay lang kami. Kumakain, nanonood ng tv at nag swimming sa pool. Nakaka bored na.

"Sige para maiba naman ang view."

Kaysa naman maiwan ako dito mag isa habang sya namamalsyal.

"Maliligo lang ako." paalam nya tsaka tumayo.

Shuta yung pinagkainan nya hindi man lang nya hinugasan. Masaya naman ako dahil sinusubukan nyang mag tagalog.

Tinapos ko na ang kinakain ko saka hinugasan. Pagkatapos ay naligo na ako. Shower muna ang ginamit ko dahil mukhang atat na atat si Callum na gumala.

Pagkababa ko ay naka ready na sya. Hindi man halata na excited sya.

"Shall we?"

Tumango naman ako at naglakad pero napatigil ako ng hinawakan nya ang kamay ko. Gulat naman itong tumingin sa akin. Dali dali nyang binawi ang kamay nya saka naunang naglakad.

Tumakbo ako para mahabol sya. Saka hinawakan ang kamay nya. Napatalon pa ito ng hawakan ko ang kamay nya. Hinayaan na nya lang akong hawakan iyon. Hindi ko sya binitawan hanggat hindi kami nakakarating sa kotse nya.

Alam kong mali ito dahil may anak at asawa na sya. Syempre alam kong may asawa sya dahil hindi mabubuo ang bata kung wala syang nanay. Sa ngayon sulitin ko muna yung araw na magkasama kami. Dahil hindi habang buhay ay ganito kami palagi.

Maling-mali ang ginagawa namin pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hinahanap-hanap ko ang presensya ni Callum. Enjoyin ko muna ang bawat araw na kasama sya dahil matatapos din ito.

Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED) Where stories live. Discover now