Galit ang nararamdaman ko ngayon. Naalala ko na lahat. Kung paano ako lokohin ng itinuturing ko na ate at ni Callum.
Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko.
Napa ka sinungaling nila. Tinago nila sa akin ang sarili kong mga anak.
"Kumalma ka muna Samie, ngayong nag balik na ang ala-ala mo ay mag pa galing ka muna."
Hindi ayaw ko.
"Tama si Rezeill princess hindi mo mababawi ang mga anak mo kung ganyan ang hitsura mo."
Tama si kuya.
Kaya pala.
Kahit si Ches na itinuturing kong kaibigan ay nag sinungaling sa akin. Ganun din siguro si Shai.
Pinsan pala ni Ches si Callum ang lakas ng loob nila na lokohin ako. Kaya pala pinipilit ako nitong kuhain ang trabahong babysitter sa mansyon ng mga Rizer.
Ang lakas ng loob nya para mag panggap na hindi nya kilala si Callum eh kilalang kilala na pala ito nito
"Magpagaling ka muna bago natin bawiin ang mga anak mo."
Ang butas ko pala sa puso ay galing noon g binaril ako ng dalawang beses ni Callum.
Napaka walang hiya nya isinusumpa ko sya. Kinamumuhian ko sya.
Gusto ko syang patayin. Gusto ko ako mismo ang papatay sa kanya.
Matapos kong gumaling ay nag punta agad ako sa bahay nila Callum kasama sina kuya at ang mga kaibigan nito.
Ayaw kaming papasukin ng guard kay binaril ko na lang ito.
Kung pinapasok mo kami eh di walang naging problema.
Sinubukan kaming barilin ng ibang mga bantay pero naunahan ko sila.
"Bumalik na ang Samie na kilala ko." sabi ni Waze.
"Kung ayaw mong magaya sa kanila tumahimik ka." banta ko.
Kita ko si Callum na gulat na naka tingin sa amin.
Itinago ko ang baril ko sa gilid ko.
Mabilis akong tumakbo at yumakap sa kanya.
"Miss na miss na kita asawa ko."
Kitang-kita ko ang pag lunok at pamumutla nya.
"Oh ano gulat ka ba na nakaka alala na ako?"
"Bakit hindi ka makapag salita hindi mo ba ako na m-miss?"
Namumutla lang ito habang naka tingin sa akin.
Kinuha ko ang baril ko at tinutok sa kanya.
Napa ngisi ako dahil sa hitsura nya.
"Ano kaya feeling ng traydurin ng sarili mong asawa?" sabi ko habang tinututok sa dibdib nya ang baril.
Kita ko din ang gulat sa mukha ni ate.
"Hi ate na miss mo ba ako?"
"O-oo naman kapatid kita."
Napatalon ito ng barilin ko ang vase sa gilid nya.
"Oh bat parang takot na takot ka?, diba mahilig ka sa ganito?"
"Nasaan na yung ate ko na pumatay sa anak ko at muntikan pumatay sa akin?, dapat kasi sinugurado mo muna na patay na talaga ako."
"A-anong?"
"Gulat ka ba na naaalala ko na ang lahat?"
"Kami din."
Binatukan naman sya ni Red.
"Hi my dear brother miss me?"
Parang deja vu ah.
Ganyan din yung sinabi sa akin ni ate noon.
"Paano kung patayin ko din ang anak mo sa harapan mo gaya ng ginawa mo noon sa anak ko?"
"H-hindi mo g-gagawin iyan."
"Bakit naman hindi?, para patas lang pinatay mo ang anak ko kaya papatayin ko din ang anak mo."
"Nagmamaka awa ako sayo h'wag mong idamay ang anak ko. "
"Oh bakit ka lumuluhod ngayon?, naisip mo ba yan ng patayin mo ang anak ko ha?!"
"Wife please stop."
"Isa ka pa!" galit kong sigaw at binaril iyong tauhan ni Callum na akmang babaril sa akin.
"Grabe wala ka pa ding pinagbago Samie." sabi ni Waze..
Bakit ko ba sinama ang isang ito?
"Nandito lang naman ako para bawiin yung mga anak ko at mag higanti sa inyo. Para iparamdam ko sa inyo yung naramdaman ko noon. Ibabalik ko lahat-lahat ng ginawa nyo sa akin."
"Lalo kana." saby tutok ko kay ate ng baril. "At ikaw." tutok ko din kay Callum.
"No you can't do it."
"Gagawin ko kung ano man ang gusto ko."
Itinago ko ang baril ko ng makita ko si Calleigh at Rein na palabas sa Van.
Tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako ng mga ito.
"Mommy ko." sabay nilang sabi.
"Calleigh, Rein halika kayo kay daddy." tawag ni Callum.
"Ang kapal ng mukha mo na tawagin silang anak mo matapos ng ginawa mo."
"Ayoko, kinamumuhian kita. Nagsisisi kami ni Rein na ikaw ang naging daddy namin. Sana hindi na lang ikaw ang naging daddy namin." galit na sigaw ni Calleigh kay Callum.
Kita ko ang pag tulo ng luha ni Callum.
"H-hindi totoo yan, diba L-leigh, Rein?"
Tiningnan naman sya ni Rein.
"It's true, nagsisisi kami dahil ikaw ang naging ama namin. Inilayo mo kami kay mommy napaka sama mo, napaka sama mo."
"Kita mo sarili mong mga anak kinamumuhian ka."
"H'wag mo naman gawin ito Sam, please wife."
Lumuhod pa ito sa harapan ko.
Inutusan ko si kuya na ipasok na sa loob ng van namin sina Leigh at Rein.
Kinuha ko sa kanya ang divorce paper.
Itinapon ko sa harapan nya ito.
"Pirmahan mo." utos ko.
"N-no, ayaw ko, h-hindi ko pipirmahan yan."
"Putangina sinabi kong pirmahan mo." sa sobrang galit ko ay binaril ko sya sa balikat.
Umiyak lang ito at umiling.
"A-ayaw ko p-please wife don't do this to me."
"Pipirmahan mo o pipirmahan mo?"
Kanina pa ako nagtitimpi dito.
"H'wag mong gawin iyan sa sarili mong asawa." iyak na sabi ni ate.
"Putangina mo, h'wag mo akong pakialaman, diba ito naman ang gusto mo ang mag kasama kayo?"
"Wife please."
"Isa pang tawag mo sa aking wife papatayin ko ang anak nyo."
"H-hindi namin sya anak ni Callum. Anak namin sya ni Christian."
![](https://img.wattpad.com/cover/339555159-288-k665186.jpg)
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED)
De TodoSamantha Xhyrey Yesha Rivera was a kind and caring daughter and sister. But what if she finds out the truth that her loving family was lying to her? Will she forgive them?