Nagulat ako ng sampalin ako nito. Tumabingi pa ang mukha ko dahil sa lakas ng pag kakasampal nya.
"S-sorry Yesha hindi ko sinasadya."
"Sorry?, sanay na akong masaktan kaya wala lang ito."
"S-sorry hindi ko sinasadya."
"Noong nag aagaw buhay ako dahil sa pag kaka hulog ko sa hagdan tinulungan mo ba ako?, kinamusta mo ba ako?, hindi diba."
"What's happening here?" tanong ni Waze na kakarating lang.
Gulat naman syang tiningnan nila ate.
"Hey, are you okay?, bakit namumula yung mukha mo?" tanong nito at hinaplos ang pisngi ko.
"Nasampal lang pero ayos lang, walang-wala ito kumpara sa ginawa nila sa akin."
"Still namumula oh?, lagot ako kapag nakita nila ito."
"Hayaan mo na sanay naman na ako."
Napa tingin naman sya kila ate.
"Oh, what a small world nandito din kayo?" tanong ni Waze.
"Oh, bakit para yata kayong naka kita ng multo?"
"Pipi ba sila bat hindi sila nag sasalita?" pabulong na tanong nito sa akin.
"Ewan ko."
"May sinabi ba sa iyo ang lalaking iyan?" takot na tanong ni ate.
"Bakit ate may dapat ba syang sabihin?"
Kita ko ang pagtigil nya sa sinabi ko.
"Oh hey Calleigh, Rein kamusta kayo it's been a while." naka ngisi nitong sabi habang naka tingin sa dalawang bata.
"What do you want Saavedra?" seryosong sabi ni Callum.
"Wala naman, oh hey Rezeill ang tagal nyo kanina ko pa kayo hinihintay."
Lumapit naman si Rezeill kasama ni kuya at Red.
Mas lalong pumutla ang mukha ni ate.
"Bakit namumula ang mukha mo?" tanong ni Red.
Napa tingin ako kay ate. Pinag papawisan sya at nanginginig din.
"Nasampal lang ako."
"Nasampal lang?, sinong may gawa niyo?" madilim na sabi nito.
Nang hindi ako sumagot ay tiningnan nya si ate.
"Napaka walang kwenta mo talagang kapatid, wala kang ibang ginawa kundi saktan ang kapatid mo. Dapat nga sya pa ang manakiy sayo sa lahat ng ginawa mo."
Mas lalong pinagpawisan si ate. Namumutla din sya at hindi sya maka tingin ng maayos sa akin.
"Sya ba si Calleigh at Rein?" tanong ni Red habang naka tingin sa dalawang bata.
"Yes po, we're Calleigh and Rein." sabi ni Calleigh.
"I see, kaya pala kamukha." sabi naman ni Rezeill.
"Thank you po for taking care of my Tita Yesha." sabi ni Calleigh at nag bow.
"Thank you din po kasi inalagaan nyo po ate ko." sabi din ni Rein.
"Tangina?, tita at ate daw." natatawang sabi ni Waze.
Taka ko naman syang tiningnan.
"Don't tell me hindi pa nila alam?" tanong ni Rezeill.
Kita ko ang pamumutla ni Callum sa narinig.
"Ano natatakot kaba Callum?" asar ni Red.
Nag tagis naman ang bagang ni Callum.
"Shut the fuck up."
"Sinong tina takot mo?, baka ikaw pa ang matakot kapag nalaman nya ang totoo." naka ngising sabi ni Red.
"Nice too see you again Reese." sarkastikong sabi ni kuya.
Kita kong nanginginig ang paa ni ate.
Bakit kaya?
"Ihanda nyo na ang sarili nyo, sana prepared kayo pag nalaman nya na ang totoo." natatawang sabi ni Waze.
Nakakakilabot ang tawa ni Waze.
"Ang creepy mo." bulong ko sa kanya.
"H'wag kang sumama sa kanila Yesha, sila ba ang dahilan kung bakit nag bago ka?" sarcastic na sabi ni ate.
"Paki alam mo ba kung sino ang gusto kong samahan at isa pa hindi sila ang dahilan kundi kayo."
"Chill ka lang my princess." bulong ni kuya.
Kaagad naman akong inakbayan ni Red.
"Tangina ang langgam talaga."
Binatukan ko naman si Waze. Loko talaga kitang seryoso ang usapan tapos mag bibiro sya.
Kita kong masama ang tingin ni Callum sa kamay ni Red na naka akbay sa akin.
"Mabuti pa umalis na lang tayo dito nawalan ako ng gana." sabi ni Red.
Sumang ayon kaming lahat. Dahil baka lalaganak pa ng dugo doon kapag hindi pa kami umalis.
"Bakit parang kilalang kilala nyo sila?" tanong ko.
"Soon princess malalaman mo din, hindi muna ngayon."
Nakatulog pala ako habang nasa byahe kami pauwi.
Akala ko pa naman mag e-enjoy ako hindi pala.
Nakakasira sila ng gabi.
Ang kapal pa ng mukha nila na sabihin iyon.
Ano kaya yung sinabi ni Red?
Pagkagising ko ay nasa kama na ako. Baka binuhat ako ni kuya.
"Buti gising ka na, para kang mantika kung matulog." sabi ni Red.
"Asar talaga?, wala man lang good morning?"
"Good morning." sarcasm na sabi nito
"Wag na lang kung napipilitan ka."
Kaagad naman nitong ginulo ang buhok ko.
"Halika na kanina pa nila tayo hinihintay sa baba."
Tumago ako sa kanya. Nag hilamos muna ako bago bumaba nakita ko naman sila na nasa sofa.
"Hindi mo pa din nahahanap?" tanong ni kuya.
"Hindi pa eh, talagang ayaw nya mag pa kita." sagot ni Rezeill.
"Sino yun?" tanong ko.
"Si Khyton yung babaeng mahal ni Rezeill."
"Ano bang nangyari bat umalis yung girl?"
"Diba mafia si Rezeill, kaya sinaktan nya yung babae para mapa layo kay Rezeill, kasi sya yung ginagawang target ng mga kalaban nya." paliwanag ni Red.
Nakaka awa naman. Pero naiintindihan ko si girl. Malamang aakalain nya na hindi talaga sya minahal ni Rezeill.
"Chibugan na din." masayang sabi ni Waze.
Basta pag kain ay masigla ito. Sana ganyan din ako kasigla.
Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko yung phone ko.
Isang buwan ko na itong hindi binubuksan.
Napa ka daming text mula kay Shai.
Gusto ko man sanang makipag kita sa kanya kaso may connection sya kay Callum kaya h'wag na lang.
Sabi na nga ba eh. Wala ni isang text ang nag mula kay ate.
From: Unknown number.
Sa akin ka lang kahit anong gawin mo sa akin pa din ang bagsak mo."
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED)
De TodoSamantha Xhyrey Yesha Rivera was a kind and caring daughter and sister. But what if she finds out the truth that her loving family was lying to her? Will she forgive them?