Chapter 43

599 17 1
                                    

"Pwede ba tayo mag usap?"

Tiningnan ko sya ng mariin.

"Para saan?"

"Sa mga nangyari."

Alam pala nya.

"Alam kong galit ka dahil sa nangyari.".

"Alam mo naman pala eh."

Bakit ba sya nangingialam?

"Alam mo din ba to Shai?, alam mo ba na nag sisinungaling sila sa akin o baka naman isa ka din sa mga taong nag sinungaling sa akin."

"Maniwala ka sa akin wala akong alam. Nalaman ko lang yung totoo ng isang buwan nawala ka. Hindi ko alam mag asawa kayo ni Callum hindi ko din alam na hindi pala talaga bakla si Chesca i mean Christian."

"Oh tapos?"

"Alam ko iyang nararamdaman mo dahil nag sinungaling din sa akin si Sioux. Nalaman ko noon na nag ka amnesia din ako kagaya mo. Sobrang galit na galit ako sa kanya noong panahon na iyon dahil nag sinungaling sya sa akin."

"Hindi ko alam na buntis ako noon. Nalaman ko lang noong nasa ibang bansa na ako. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Sioux noon. Sobrang sakit dahil nag sinungaling sya sa akin. Pero nag explain sya sa akin kung bakit nya ginawa iyon kung bakit nya itinago."

"Hindi madali na mag patawad. Masakit pero noong marinig ko yung sinabi nya lumuwag yung pakiramdam ko. Nawala lahat ng tanong ko sa isipan ko. Hindi sa pinakikialaman ko kayo pero sana hayaan mo si Callum na mag expalain sayo. Hayaan mo sana sya na ipaliwanag sayo ang lahat bago ka man lang umalis."

"Mag kaiba tayo ng sitwasyon Shai."

"Alam ko pero sana man lang pakinggan mo yung explanation nya. Kitang-kita ko sa mata nya na mahal ka nya. Pag isipan mo sana."

Yun lang ang sinabi nya saka umalis.

Explanation, explanation my ass.

Ginawa nila iyon dahil kagustuhan nila.

Niloko nya ako noon. Mag asawa kami noong panahon na iyon pero nagawa nyang mang babae.

Sinungaling na nga manloloko pa.

Pero baka tama si Shai.

Hindi muna ngayon.

Kailangan ko munang pag isipan.

Masakit yung ginawa nya dahil tinago nya mismo ang sarili kong mga anak pero baka tama si Shai may dahilan siguro kung bakit nya iyon nagawa.

Pumasok na ako sa loob dahil hindi ko na maramadaman yung peace of mind dahil sa sinabi ni Shai.

"Mommy may ginawa po ba kayo kay daddy?"

Napa tingin ako kay Leigh na ngayon ay nasa kwarto ko.

"Wala bakit Leigh."

"I saw him crying on his bed. He look so sad mommy."

Si Callum umiiyak imposible.

"Baka napuwing lang sya Leigh."

"No mommy, Leigh is right umiiyak po si Daddy sa room nya."

"Mommy ang sakit sa heart noong makita kong umiiyak si Daddy." sabi ni Leigh saka itinuro ang dibdib nya.

"Galit po kami kay daddy kasi he lie to you mommy pero po umaasa po kami ni Leigh na mag kaka ayos po kayo ni daddy kasi mas masaya po kung happy family po tayo."

I was stunned.

Masyado akong selfish dahil mas inuna ko ang galit ko kay Callum. Ni hindi ko man lang inisip na mga bata lang sila at kailangan nila ng kalinga ng isang ama.

"Don't worry baby i will talk to your daddy."

They smile and hug me.

"Thank you mommy."

"Welcome baby."

Nasa sala kami ngayon kasama si Callum. Gusto ko na sya kausapin pero hindi ko alam kung paano.

Kung ako masusunod ayaw ko na mag balikan pa kami. Mahirap na kasi ibigay ulit yung tiwala mo na nasira na. Matagal ko na syang pinatawad pero hindi ko makaka limutan yung ginawa nya sa akin. Mahirap para sa akin na ibigay ulit yung tiwala ko sa kanya dahil baka masira na naman iyon. Na baka masaktan pati ang mga anak namin.

Umiwi lang naman ako dito para sa kasal ni Kuya.

Hayst hindi ko alam kung anong gagawin ko. May parte sa akin na gusto ko syang kausapin pero may parte din sa akin na h'wag kong ituloy.

Sumasakit tuloy yung ulo ko.

Nakaka stress naman.

Wala naman siguro mawawala kapag kinausap ko sya.

Pero ang anak namin ang maapektuhan. Tama na siguro yung seven years noon. Karapatan din nya iyon dahil anak din nya sina Leigh at Rein.

"Mommy kanina ka pa naka titig kay Daddy baka matunaw yan."

Napa tingin naman ako kay Calleigh.

"Anong naka titig?"

"Tulala ka kasi Mommy tapos bigla ka na lang ngingiti para kang baliw. "

Binatukan ko naman si Rein dahil sa sinabi nya.

"Para kang lutang na nag i-imagin."

Lord bakit nyo naman ako binigyan ng ganitong anak.

"Manahimik nga kayo baka mamaya marinig kayo ng Daddy nyo."

"Tanga mo Mommy si Daddy pa nga nag turo sa amin na naka tulala ka sa kanya."

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Leigh. Pasimple ko naman tiningnan si Callum. Naka ngisi ito sa akin.

Shit baka akala nya pinagnanasaan ko sya. Kadiri.

"Okay lang yan Mommy tanggap ka namin kahit ganyan ka."

"Sa susunod kasi Mommy kung pagnanasaan mo si Daddy h'wag kang pa obvious."

"Sinong may sabing pinagnanasaan ko ang Daddy nyo?"

"Si Daddy po Mommy."

Abat talagang.

"Feelingero lang yung Daddy nyo h'wag kayo maniwala."

"Ikaw yata yun Mommy eh." naka ngisi na sabi ni Leigh.

"Anong ako?"

"Kinwento ni Tito Xylem sa amin noon kung paano kayo nag ka kilala. Ang sabi ni Daddy akala mo daw ikaw yung nililigawan nya. Tapos sabi ni Daddy assuming ka daw. Sinabunutan mo pa nga daw yung nililigawan ni Daddy eh tapos pinagbantaan mo yung babae na layuan si Daddy kasi sabi mo ikaw daw yung mahal ni Daddy." kwento ni Leigh.

Teka parang hindi naman yun yung kwento ah.

Sinamaan ko naman ng tingin si Callum. Pero nakita ko sa mukha nya na nagtataka din sya.

"Hey i didn't tell her that."

"Eh sino?"

"I don't know. Why don't you ask them?"

Oo nga naman.

"Teka sinong nag sabi sa inyo nyan?"

"Si Daddy po."

"Promise i didn't tell them that story."

"Sinong nag kwento sa inyo nyan?"

"Si Tito Xylem po sinabi daw sa kanya ni Daddy."

Tang ina mo Xylem kung ano sinasabi mo sa mga anak ko.

"Hindi totoo yung kwento na yun."

"Eh paano po ba kayo nag ka kilala?"

Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED) Where stories live. Discover now