Napa takbo ako ng makita ko ang mga anak ko na umiiyak habang buhat sila ni Callum.
Kaagad silang bumaba sa pag kakayap ng ama at tumakbo sa akin para yakapin ako. Ganun din ang ginawa ni Rile.
"Tahan na anak hindi na mauulit ito." sabi ko sa mga anak ko habang yakap sila ng mahigpit.
"Mommy hindi kami maka hinga ni Rein." reklamo ni Leigh.
Niluwagan ko ang pagkakayap sa kanila pero hindi ako bumitaw sa yakap.
"H'wag ka na po mag worry mommy nandito na kami ni Leigh." naka ngiting sabi ni Rein.
"Natakot lang si mommy."
Tiningnan ko si Callum na may mantsa pa ng dugo sa damit nya. I mumbled 'thank you' to him.
"Sa bahay ko na kayo titira." maya maya ay sabi nito.
"Hindi porket niligtas mo sila ay okay na tayo." inis kong sabi.
"Paano kung mangyari ulit ito?, hindi safe ang anak natin sa condo nyo ni Khyton."
Napa yuko ako sa sinabi nya. Tama sya pero ayoko pa din syang makasama. Galit pa din ako sa kanya.
"Ganun din ang gagawin ni kuya kay Khyton."
Alam kong mag mamatigas din si Khyton gaya ko.
"Sige papayag ako pero h'wag mong asahan na babalikan kita." inis kong sabi.
"Wala akong sinabi na balikan mo ako." naka ngisi nitong sabi.
Hindi ko na sya sinagot at nag walk out na ako.
Sa pag walk out ko ay nakita ko si Khyton na inis na hinahampas ang halaman.
"Tigilan mo nga yan wala namang ginagawa sayo ang halaman." bulyaw ko sa kanya
"Pusang gala." gulat na sigaw nito.
"Bakit ka ba nang gugulat ha?!" inis nitong singhal.
"Bakit ang moody mo mayroon ka ba?" biro ko.
"Nakaka inis si Rezeill pinipilit nya ako na tumira sa bahay nya. Akala naman nya papayag ako."
Tama nga ang sinabi ni Callum dahil ganitong ganito ang sinabi sa akin ni Callum.
Tama din ako dahil alam kong mahihirapan si Rezeill na mapapayag si Khy na tumira sila sa iisang bahay.
"Ako din sinabi sa ni Callum na tumira ako sa bahay nya."
"Papayag ka ba?" tanong nito.
"Kahit sa labag sa loob ko papayag ako, para naman ito sa mga anak ko. Isasantabi ko muna siguro ang galit ko kay Callum. Basta safe ang mga anak ko ay papayag ako." mahaba kong sabi.
"Tama ka, hindi ko dapat isali ang galit ko dito."
Gaya nga ng sabi ni Callum. Sinundo nya ako kinabukasan para pumunta sa mansyon nito.
Ang akala ko ay sa dating mansyon kami pupunta. Sa dating mansyon hindi pala.
Ang mansyon na sinasabi pala nito ay ang nakita ko sa mga alala ko.
"Mommy nasaan tayo?" tanong ni Leigh na kakagising lang.
"Sa bahay ng Daddy mo." sagot ko.
"Bahay natin." pagtatama ni Callum.
Ang bahay na ito. Dito kami tumira bago pa mangyari ang insedente noon.
Binuhat ko si Rein dahil tulog pa ito. Pero inagaw ito sa akin ni Callum.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED)
DiversosSamantha Xhyrey Yesha Rivera was a kind and caring daughter and sister. But what if she finds out the truth that her loving family was lying to her? Will she forgive them?