"Girl baka matunaw yan sige ka." pang aasar ni Shai.
"Oo nga teh kanina ka pa nakatitig baka mabura na yung gwapong mukha nya." natatawang wika ni Ches.
"Tigilan nyo nga ako para kayong timang."
"Tss kami pa nasabihan ng timang eh sya nga yung kanina pa nakatitig sa lalaki." bulong ni Shai.
Narinig ko pa din.
Sinamaan ko sya ng tingin ng iwas naman sya at nagkukunwaring may tinitingnan kung saan.
"Bat mo ba tinitiitigan yun? Type mo no?" panunukso ni Ches.
"Type? Duhh."
"Eh bat mo tinitiitigan?"
"Familiar yung mukha nya para bang nakita ko na sya pero hindi ko alam kung saan."
"Maybe. Madalas kasing nasa billboard ang mukha nya kahit sa mga dyaryo kaya malamang ay nakita mo na sya." tugon ni Ches
Oo nga pala.
"Oh sya bumalik na tayo sa trabaho baka makalbo tayo ni madam." mataray nitong sabi.
Gaya nga ng sinabi nya ay muli kaming bumalik sa trabaho.
Inaya nila akong gumala kasama nila pero tumanggi ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Ilang beses nila akong pinilit pero pilit akong tumatanggi sa bandang huli ay ako pa rin ang nasunod.
Papunta ako ngayon sa bahay ni James kailangan kong gumawa ng paraan para tumahimik sya.
Pagkadating ko ay walang tao sa bahay nila.
Napangisi ako ng dahil dun.
Kaagad akong dumiretso sa kwarto nya. Inilabas ko ang kutsilyo mula sa bag ko saka itinutok sa kanyang leeg. Niyugyog ko sya ng ilang beses bago sya magising.
Bakas ang takot sa mukha nya ng makita nya ako.
"A-anong g-ginagawa mo dito?" takot na tanong nya.
"Hindi mo ba ako na miss kasi ako miss na miss kita." nakangisi kong sabi habang binababa ang kutsiltong hawak ko sa dibdib nya.
"A-ano bang kailangan mo?"
"Hmm kailangan gusto kong tumahimik ka at huwag kang magsasalita ng kahit ano tungkol sa akin maliwanag?" tanong ko.
Mabilis naman syang tumango.
"Siguraduhin mo lang kilala mo ako baka hindi ko mapigilan ang sarili ko baka kung ano magawa ko sayo." bulong ko sa tenga nya.
"Yun lang naman ang kailangan ko." sabi ko at lumabas na ng pinto.
Dali-dali kong nilagay ang kutsilyo sa bag ko bago bumaba.
"Hello po tita." magalang kong bati sa mama ni James.
Mukhang nagulat si tita pagkakita sa akin.
"Chill ka lang tita dinalaw ko lang yung anak nyo." natatawa kong sabi.
"Halika meryenda muna tayo." alok nya.
"Gustuhin ko man po pero kailangan ko ng umalis." sabi ko.
"Ganon ba?" malungkot na sabi ni tita.
"Cge po tita alis na po ako." paalam ko.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko yung ate ni James. Para syang nakakita ng multo pag kakita sa akin. Napangisi naman ako.
Takot ka pa din ba Janina? Matapang ka lang naman kapag nandyan yung nanay mo at tatay mo.
Mabilis itong naglakad palayo sa akin.
Pagkalabas ko sa bahay nila ay agad akong pumara ng tricycle.
"Anak nandito ka na pala." bati ni mama.
"Ah opo."
"Si rein po ma nasaan?" tanong ko kay mama ng makita kong wala pa si rein sa bahay.
"Nasa school pa yung kapatid mo sunduin mo gamit yung bago mong motor." nakangiting sabi ni mama saka tumalikod na.
Nasa daycare pa pala sya.
Wait bagong motor.
"Ma anong bagong motor?" sigaw ko.
"Binili ko yung motor ni Susan tutal hindi naman nya nagamit." sabi ni mama.
Niyakap ko sya. "Salamat ma you're the best."
"Sige na tama na yung drama mo sunduin mo na si Rein." utos ni mama.
Kaagad naman akong pumunta sa Stone Academy para sunduin si Rein.
Sumigaw agad ito pagkakita sa akin.
"Ate kong maganda."
"Kamusta yung school mo hmmm?" sabi ko sabay kurot sa pisngi nya.
"Masakit ate." sabi nya habang hinihimas ang pisngin nya.
Kaagad naman nyang pinakita sa akin yung kamay nya na may star.
"Ang galing talaga ng baby ko."
"Dahil dyan may regalo ka kay ate."
Kaagad naman syang ngumiti kaya lumitaw yung bungi nyang ngipin.
"Bungi ka na kakakain ng chocolate."
"Hindi ah ate ni bigay ko kaya yung iba kong chocolate kay Tianne." nakangusong sabi nito.
Napatingin ako sa bandang kaliwa ng makita ko yung lalaki kanina sa restau ni madam. Nakatingin ito banda sa amin ng seryoso. Nabalik ang tingin ko kay rein ng tanungin nya ako.
"Ano yung tinitingnan mo ate?" inosente nitong tanong.
"Wala yun."
"Dahil very good ka pupunta tayong jolibee."
"Yeheyyyyy." tuwang-tuwa nitong sabi.
Kaagad kong sinuot kay rein yung helmet na maliit saka sya sinakay sa harap.
"Mag jolibee kami ni ate." kanta nito.
"Ate gusto ko fried chicken saka fries saka shndae saka burger." sabi nito ng makita ang logo ng fries, burger at chicken joy.
Pinaupo ko muna sya sa bakanteng lamesa.
"Dyan ka muna ha oorder lang ako ng pagkain h'wah kang aalis dyan."
Tumango naman sya.
"Rein behave."
Kaagad akong pumila. Napakahaba naman ng pila.
Halos inabot ako ng trenta minuto bago maka pag order. Bumili na din ako ng spaghetti para sa amin ni rein nag take out din ako para kina mama at ate."Pagkabalik ko ay nakita ko si rein na nakatunganga.
"Ateee." sigaw na naman nito.
"Nainip ka ba kakahintay kay ate?" tanong ko.
"Hindi kasi kinausap ako noong magandang girl kanina saka ate ang cute pa nya mukha silang mayaman pero nakakatakot yung papa nya eto oh bingyan pa nila ako nitong paper bag saka papel." sabi ni rein at inabot sa akin yung paper bag at papel na sinasabi nya.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag puro mga laruan na panlalaki. Sunod ko naman tiningnan yung papel nanlaki ang mata ko ng makita kong cheke ito at may nakasulat na isang milyon na halaga. Tangina.
"Rein sino yung nagbigay nito kilala mo ba?"
"Hindi ko alam name nila basta sabi nung guy ibigay ko sayo yan." sabi nya at itinuro yung cheke.
Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling makita ko yung nagbigay pero nabigo ako.
Hindi ako mapakali habang kumakain.
Hindi kaya yung tatay ni James ang may gawa nito baka sinabi ni James yung tungkol sa akin pero may usapan kami ni James. Saka bakit naman ako bibigyan ng pera ni James. Kaya imposibleng sya.
Kung hindi man si James ang may gawa sino?
![](https://img.wattpad.com/cover/339555159-288-k665186.jpg)
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED)
RastgeleSamantha Xhyrey Yesha Rivera was a kind and caring daughter and sister. But what if she finds out the truth that her loving family was lying to her? Will she forgive them?