[Taiga's POV]
"Akurei's acting weird" bungad ni hana sa akin nung mag kita kami sa may gate. Wala ngayon si Akurei di namin kasama. May gagawin lang daw na Super importante. Hmmm ano kaya yun??
Since this pass few weeks pa yung important buisness na yun ah. Mag wa one month nalang ata. Yun parin excuse niya. "Hana ano sa tingin mo yung important busness na yun?" tanong ko kay hana habang kami ay naglalakad. "Di ko nga rin alam eh. Pero oh well bahala na yun. Alam mo naman si akurei full of plans?" sabi ni hana na parang hindi niya maintindihan ang pinag sasabi niya. Miski naman ako di ko rin magets pinag sasabi niya Hahahah.
Habang naglalakad at nagchichikahan kaming dalawa ni hana. Biglang may kumalabit sa akin. "Huy Taiga bakit ang weird ni akurei?" tanong sa akin ni hanata. "Huh? anong weird?" Tanong ko sa kanila. "Ang alm lang namin ay may important business lng daw siyang gagawin eh. Kaya busy siya" sagot ko naman sa kanila. Nagkatinginan sila ni haruko na may pagtataka sa kanilang mukha. "Anong important business naman yun?" tanong ni haruko sa amin. "Ewan rin namin. Hindi sinasabi sa amin eh. Nakaka curious nga eh" sabi naman ni hana.
"Bakit nakita niyo ba siya?" tanong ko naman. Kasi pano nila nalaman na parang weird ni akurei. "Kasi nakita namin siya kanina na parang pasilip silip sa kaliwa't kanan" sabi ni hanata "tapos biglang mag ti-tip toe ata" tuloy naman ni haruko "and then biglang magtatago kung saan saan" sabay nilang sabi. "Wow may effects/coreo pa ha" sabi naman ni hana. "Hahahah ganun talaga" sabi nilang dalawa.
"Saan niyo siya nakita?" Tanong ko sa dalawa. "Dun oh!" sabay nilang sabi habang sabay ring tumuro sa may mga likuan ng mga coridors. "Saan pumunta sa left? sa right? o deretso lang?" tanong naman ni hana. "Sa left papunt sa may mga middle school rooms" sagot ni hanata. "Sige salamats. Pupuntahan nalang namin Hahaha" sabi ko naman sa kanila. "Ah sige ingat kayo" sabi naman ni haruko at pumasok na sila sa classroom nila.
"Tara na" sabi ni hana. "Saan?" tanong ko. "Hindi ba halata? sa tinuro nina hanata saan pa ba?" sabi naman ni hana. "Ahh kala ko sa classroom na" sabibko naman kay hana at nagkamot ng ulo. Tas sabay kaming tumakbo papunta sa may mga middle school. "Ano naman kaya ang gagawin ni akurei dun?" tanong ko kay hana. "Aba malay ko rin dun. Wag ako ang tanungin mo" sagot naman niya. Patuloy kaming tumatakbo hanggang sa mediyo hininggal na kami. Ta's nakita namin sina kaze na nakasilip sa may pinto. Pinuntahan agad namin ni hana sila.
"Hoy *breath in* breath out* kaze nakita mo si aku-" naputol yung sinabi ko nang "Kung tinatanong niyo kung nakita namin si akurei. kakadaan lang niya kanina at patagong may sinusundan na lalake. Di namin alam kung sino." Sagot niya. Napatigil kaming dalawa ni hana sa pag hingal namin. "Galing mo naman!" sabi ni hana kay kaze. "Siyempre alam ko. Ang mga nasa isip niyo eh." Sabi naman ni kaze. "Yung totoo may mind reader ka rin ba?" tanong ni hana. "Wala sadiyang alam ko na talaga" sagot naman niya.
"Wala ka pala sa kapatid mo eh" sabi ni hana. Kaya nahanpas ko. "Aray!" sabi niya Hahaha. "Ui Taiga, Hana!" sigaw ni Jerald. Kaya napatingin na yung ibang kaibigan ni Kaze sa amin. Siyempre kilala na kami ng mga kaibigan niya. Kami pa! mga loko rin yang mga yan eh. Hahaha may lahi kaming magkakaibigan na loko hahahaha.
"Uii kamusta mga pre, mre?" sabi ko na kanila. Tawag ko kasi sa kanila pag lalake ay pre. Short for pare. Mre naman short for mare. Hahahaha wala sadiyang malakas ang trip ko pag tinatawag ko silang ganun. Pero sanay na naman sila. "Mabuti naman kami. Pinaka magulo sa klase namin!" sabi naman ni Ayah at tumawa sila. Magkpatid sina Jerald at Ayah... Well not in the reality. pero parang tinuturong nila ang isa't isa na para silang magkapatid. Para nga sa akin ang sweet nung ganun. Pero not in a romantic way. "Welcome to our beautiful world." sabi naman ni Kile. "Ay kayo kamusta?" tanong naman ni Ayah. "Well same old, same old" sagot ko sa tanong niya. "Ui tara ha tambay kung saan, pag free tayong lahat" sabi ni Kile. "Oo nga noh! saan naman tayambay? at kailan may free time?" sabi ni Jerald. "Inform nalang natin sa isa't isa. Pwede namang gamitin yung ring para mag communicate eh" sabi ko nalang. "Okay! basta inform agad ha!" sabi naman ni Ayah. "Oo ba" sagot ni hana.
BINABASA MO ANG
Magical World
FantasyAlso Known As(AKA): Mahō No Sekai You will not expect what will happen. Impossible things will be possible. Let your imagination lead you... to VICTORY!!!...ekoj lang hahaha.
